Maagang Nabuntis ang Babae at Binalak Ipalaglag ang Bata, Dinalaw Siya Nito sa Panaginip
Kinikilig na ngumiti si Margie. Isinuot niya na ang uniporme at sumulyap sa orasan. 30 minutes nalang ay magsisimula na ang susunod niyang klase, nasa 3rd year college na siya.
“May exam ba kayo ngayon? Wag ka na pasok babe please,” sabi ng nobyo niyang si Jerold. Hubo’t hubad pa ang binata at nakatakip lamang ng kumot. Katatapos lamang nilang pagsaluhan ang init ng kanilang pag-ibig.
“Ano ka ba, kailangan kong pumasok. May exam kami eh,” sagot niya rito. Sinamantala niya lang kasi ang 1 hour and 30 minutes na bakanteng oras niya sa eskwelahan. Pumunta siya rito sa bahay ng nobyo dahil miss na miss niya na ito.
Nakilala niya si Jerold dahil dati itong nag-aaral sa unibersidad na katapat ng pinapasukan niya. Kaya lang ngayon ay tumigil na ang lalaki kaya dahilan para bihira na silang magkita. Siya nalang ang dumarayo ngayon dito.
“Sige na please..please please..” sabi ng lalaki at niyakap siya.
“Naman to,I really have to go. Wag ka nang magtampo diyan.”
Ilang sandali pa ay nakalabas na siya ng apartment nito. Kahit naman may nobyo si Margie ay di niya nakakalimutan ang pag-aaral, sa katunayan ay isa siya sa mga nangunguna sa klase.
Sunod-sunod ang naging exam ng dalaga, gabi-gabi ay puyat siya dahil sa pagre-review kaya akala niya ay normal lang ang nararamdaman niyang pagkahilo. Pero tapos na ang exam, nakakatulog na siya ng maayos ay nahihilo pa rin siya kaya nagsimula na siyang kabahan.
Idagdag pa roon ang pagsusuka niya tuwing umaga.
“H-Hindi. Oh my God, no.” nanginginig ang kamay niya nang makitang positive ang resulta ng pregnancy test. Narito siya ngayon sa CR sa kanilang eskwelahan.
Bumili siya ng isa pang pregnancy test. Umaasang mag-iiba ang resulta pero nanlumo siya nang makitang positive pa rin.
Hindi na siya nakapag-concentrate sa klase, itinext niya ang nobyo.
Babe, nag PT ako. Positive, buntis ako. Usap tyo mmya pgkatapos ng klase ko
Hindi nag-reply ang lalaki, baka nagulat rin. Nang mag-uwian na ay dali-dali siyang sumakay ng bus papunta sa apartment nito pero laking gulat niya nang makitang bakante na iyon.
Parang hinipan ng hangin, kahapon lang ay pa-picture picture pa si Jerold sa bahay nito pero ngayon kahit isang gamit ay wala.
“A-Ate Pasing si Jerold po?” tanong niya sa landlady.
“Ay, umalis na Marg. Akala ko nga magtatanan kayo, nagmamadali eh.”
Napaupo nalang siya, noon niya lang napansin na nagtext pala ang binata.
Margie sorry, d p ako ready. kung gs2 mo palaglag mo nalang
Sinubukan niyang i-dial ito pero wala na, nakapatay na ang cellphone.
Nang makauwi siya sa bahay ay pinilit niyang ngumiti para di makahalata ang magulang niya pero binabagabag talaga siya. Napakalaking gulo ‘pag nagkataon.
Iyak siya nang iyak sa kwarto. Masisira ang lahat, kinabukasan niya. Buhay niya, tiwala ng magulang niya.
Ga-graduate pa naman siyang cum laude, paano na ngayon? Mahigpit ang eskwelahan nila at baka hindi pa siya makapagtapos sa oras.
Inisip niyang ipalaglag ang bata, iyon nalang ang paraan. Kung paano, hindi niya na napag-isipan pa hinila na siya ng antok. Napapikit si Margie habang umiiyak at problemado.
Dahan-dahang niyang idinilat ang mata niya dahil may maliliit na daliring kumakalabit sa kanya. Pinipindot nito ang kanyang pisngi.
“Ano ba..” mahinang sabi niya. Hinawakan niya ang maliit na kamay para pigilan sana ito at tabigin pero napadilat siya nang makapang mataba iyon.
Ang cute!
Nasa harap niya ngayon ang isang kulot at chubby na batang babae, kamukhang kamukha niya ito.
Siguro ay nasa dalawa hanggang tatlong taong gulang na ang bata.
“Mommy, giting na ikaw. May sun na, morning na po,” sabi nito.
Namumula mula ang pisngi ng bata at di niya napigilang mapangiti, “Sino ka?”
“Baby mo. Kain tayo bleakfast mommy. Gutom na ako,” sabi nito na hinimas pa ang malaking tyan.
Bumangon na si Margie, may kakaibang saya sa puso niya. Saya na ngayon niya lang naramdaman, tila ba kumpleto siya at wala nang mahihiling pa.
Kinarga niya ang bata, ang bigat nito!
“Tabachingching ka kasi,sino ba ang mommy mo?” natatawang sabi niya, alam niya naman ang mga bata. Kung anu-anong sinasabi. Siya nga dati ay nakiki-mommy rin sa nanay ng iba.
“Ikaw mommy ko,” sabi nito, itinuro pa ang dibdib niya. Sa tapat ng kanyang puso. “Taba ako, kati niaalagaan mo ako. Kati love mo ako, diba mommy?” tanong nito na titig na titig sa kanya.
Hindi alam ni Margie pero napasagot siya,”Oo naman. Love na love kita.”
“Wag mo akong pababayaan, mommy please?”
Doon napabalikwas ng bangon si Margie. Napahawak siya sa kanyang dibdib, tigib siya ng luha. Kasunod noon ay nahimas niya ang kanyang puson.
Ang kanyang anghel..
Noon niya naisip na hindi niya kayang ipalaglag ang anak. Kung iniwan man ito ng ama nito, siya ay hindi ito pababayaan. Magpapaka-nanay siya at haharapin ang kanyang ginawa.
Kinabukasan, naging mahirap man ay nilakasan ni Margie ang kanyang loob na ipagtapat sa kanyang magulang ang lahat. Umiyak ang mga ito ngunit hindi nagalit at niyakap lamang siya, ang bata sa kanyang panaginip ang pinaghugutan niya ng tapang.
Ipinagpatuloy ng babae ang pag-aaral, katatapos niya lang sa thesis noon nang isilang niya ang isang sanggol na babae.
Kulot ito, chubby at mamula-mula ang pisngi.
Sobra ang saya ni Margie dahil sakto sa graduation, nakapahinga na siya sa panganganak. Bitbit ng mommy niya ang isang buwang gulang na baby habang nagma-martsa siya sa stage.
Hindi kasalanan ng bawat bata na maisilang sila sa mundo, hindi sila ang pumili ng kanilang magiging magulang. Ang mga baby ay blessing mula sa Panginoon kaya dapat lamang na ipagdiwang at ipagpasalamat ang pagdating nila.
“Salamat anak, ikaw ang lucky charm ni Mommy,” masayang wika ni Margie habang karga ang anak.
Humagikgik ang baby kaya napangiti silang lahat.