Inday TrendingInday Trending
Hindi Gusto ng Biyenan ang Manugang na Babae Kaya Gumawa Siya ng Paraan Para Mailayo Ito sa Anak; Sa Huli ay Hindi rin Pala Siya Nagtagumpay

Hindi Gusto ng Biyenan ang Manugang na Babae Kaya Gumawa Siya ng Paraan Para Mailayo Ito sa Anak; Sa Huli ay Hindi rin Pala Siya Nagtagumpay

Kahit ayaw na ayaw ng ina ni Roland si Caroline para sa kaniya ay ang babae pa rin ang pinakasalan niya. Galing kasi sa mahirap na pamilya ang napangasawa kaya tutol na tutol dito ang ina.

“Nag-aalala ako sa mama mo, Roland. Alam naman natin na hindi niya ako gusto para sa iyo,” sabi ni Caroline sa mister.

“Hayaan mo at ilang araw lang ay mapapaamo mo rin si mama. Napakabait mo kaya imposibleng hindi siya mapalapit sa iyo. Kaya nga mahal na mahal kita, eh,” sagot naman ni Roland sabay yakap sa kaniya nang mahigpit at masuyong hinagkan sa labi.

Nang gabing iyon ay panandaliang nawala sa isip ni Caroline ang mga alalahanin dahil magdamag siyang nilunod sa kaligayahan ni Roland. In-enjoy muna nila ang kanilang pulot-gata.

Kinaumagahan, maagang pumasok sa trabaho si Roland at naiwan sa bahay si Caroline kasama ang kaniyang biyenang babae na si Rosita. Para mapalapit sa biyenan ay naisip niyang ipagluto ito ng ulam para sa kanilang pananghalian.

“Mama, nagluto po ako ng menudo. Alam ko po kasi na paborito niyo ang ulam na iyon,” wika niya sa matandang babae.

Ngunit hindi niya inasahan ang sinabi nito.

“Hindi ako kumakain ng luto ng iba! Lalung-lalo na ang niluto mo,” sagot ng biyenan.

Hindi na kumibo pa sa Caroline at tahimik na bumalik sa kusina.

Masama naman ang tingin ni Rosita sa asawa ng kaniyang anak. Ang hindi alam ni Caroline ay may masama itong binabalak.

“Kailangang mawala sa landas ng anak ko ang babaeng iyan. Alam kong ang mamanahin lamang ni Roland ang hangad niya,” gigil na bulong ng babae sa isip.

Isang hakbang ang plinano ni Rosita. Isang araw, nagmamadali itong umalis sa bahay at nagpaalam na magsisimba. Maaga ring umalis si Roland at naiwang mag-isa si Caroline. Nang biglang may ‘di inaasahang bisita ang dumating.

“Huh! G-Gilbert? A-anong ginagawa mo rito?!” gulat na tanong ni Caroline nang bigla na lamang pumasok sa bahay ang pinsan ni Roland na may lihim na pagnanasa sa kaniya.

“Hi, Caroline. Ipinakukuha nga pala ni Roland ang papeles na naiwan niya,” nakangising sabi ng lalaki.

“Ha? B-bakit hindi man lang siya tumawag sa akin? Kapag kasi may naiiwan siya ay siya mismo ang tumatawag dito sa bahay,” pagtataka pa ni Caroline.

Nang biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Gilbert.

“Hindi ka nga talaga madaling mapaniwala. Bueno, may iba akong pakay kaya nagpunta ako rito,” tatawa-tawa nitong sabi.

“A-ano naman ‘yon?” kinakabahang tanong ni Caroline.

At walang ano-ano ay sinunggaban na ni Gilbert ang asawa ng pinsan. Hinablot nito ang mga braso ni Caroline at sapilitang inihiga sa sahig ang babae.

“Wala ka nang magagawa dahil ngayon ay aangkinin kita. Matagal na akong nahuhumaling sa iyo, sayang nga lang at naunahan ako ni Roland, pero hindi pa rin pala huli ang lahat dahil mapapasa-akin ka rin pala,” sambit ng lalaki.

Nahintakutan si Caroline ngunit malakas si Gilbert at wala siyang nagawa.

“Hay*p ka! B-bitawan mo ako, hay*p!” hiyaw niya.

“Manahimik ka na lang at tikman mo naman ako! Pramis, mas masarap ako kaysa sa pinsan ko,” tugon ni Gilbert.

Naisakatuparan ng lalaki ang pananamantala kay Caroline. Nang makaraos si Gilbert ay nagmamadali itong nagbihis at tangkang aalis na.

“Hay*p ka, Gilbert! Mabubulok ka sa kulungan!” hagulgol ni Caroline matapos na mayurakan ang pagkababae.

“Iyon ang akala mo. Walang maniniwala sa iyo kapag nagsumbong ka,” tatawa-tawang sagot ng lalaki at saka binuksan ang pinto palabas ng bahay ngunit biglang dumating si Rosita. Kitang-kita ng matanda na walang saplot si Caroline na nakasalampak pa sa sahig.

“Huh? Anong ibig sabihin nito?” tanong ng matandang babae.

“Mama, tulungan niyo po ako, pinagsamantal*han niya ako!” sumbong ni Caroline.

“Siya po ang may gusto sa nangyari. Inakit niya ako, auntie!” sambit naman ni Gilbert.

Imbes na kampihan ay galit na galit na sinugod ni Rosita ang manugang.

“Walang hiya kang babae ka! Sabi na nga ba at malandi kang babae, niloko mo lang ang anak ko! Lumayas ka rito sa pamamahay namin, hay*p ka, makiri!” gigil na wika ng matanda habang sinasabunutan palabas ng bahay si Caroline.

“Huwag po kayong maniwala sa kaniya. Ako po ang binaboy, ako ang paniwalaan niyo! “ hagulgol pa ni Caroline.

“Hindi mo ako maloloko, ikaw ang may kasalanan dahil makati kang babae, haliparot!” patuloy na pangungutya ni Rosita.

“Tulungan mo ako, Roland, Roland, tulong!” hiyaw ni Caroline.

“Hindi ka matutulungan ng anak ko, sa halip ay ikakahiya ka pa niya sa ginawa mo!” saad pa ni Rosita.

Walang nagawa si Caroline nang palayasin siya ni Rosita. Bitbit ang kaniyang damit ay hubo’t hubad siyang nagtatakbo sa kalsada para makalayo sa bahay na iyon. Siniraan pa siya ng kaniyang biyenan sa mga kapitbahay nila na siya ang nang-akit kay pamangkin nitong si Gilbert at iniputan sa ulo ang anak nito.

Walang kaalam-alam si Caroline na nagtagumpay si Rosita sa maitim nitong balak. Binayaran ni Rosita ang pamangking si Gilbert para pagsamantalah*n siya upang tuluyang mailayo siya sa anak nitong si Roland.

Nang dumating si Roland ay agad na isinumbong ng ina ang nangyari.

“Sinabi ko na sa iyo na walang kwenta ang babaeng pinakasalan mo. Isa siyang makati at malanding babae. Ano ang mapapala mo sa gaya niyang taksil, anak? Ang mamanahin mo lang naman ang hangad niya. Nalaman mo naman ang nangyari, buhay ka pa pero nagawa niya pa ring patulan ang pinsan mong si Gilbert!” hayag ni Rosita.

Ngunit para kay Roland ay iba ang iniisip niya sa asawa.

“Hindi ang uri ni Caroline ang gagawin ang bagay na iyon. Malalaman ko rin ang katotohanan. Mahal na mahal kita Caroline at alam kong wala kang kasalanan, hahanapin kita,” aniya sa isip.

Habang naglalakad siya para hanapin ang asawa ay nakita niya ang pinsang si Gilbert na may kausap na lalaki. Dinig na dinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.

“Akalain mo pare, nasarapan na ako, nagkapera pa ako. Ayos talaga ang Auntie Rosita ko, ‘di ba?” sabi ni Gilbert sa kausap nito.

Sa sobrang galit ay sinugod niya ang pinsan at binugb*g ito.

“Hay*p ka talaga! Traydor! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa asawa ko!” aniya habang ginugulpi si Gilbert.

Humantong sila sa himpilan ng pulisya at doon na inamin ni Gilbert ang ginawang kasalanan.

“Si Auntie Rosita ang may plano sa lahat. Binayaran niya ako para pagsamantalah*n ang asawa ng pinsan ko,” hayag ng lalaki sa mga pulis.

Hindi lang si Gilbert ang nakaloboso pati na rin ang ina ni Roland na si Rosita ay dinampot ng mga pulis dahil ito ang may pasimuno ng lahat. Hindi kinunsinti ni Roland ang kasalanan ng ina kaya hinayaan niya itong pagbayaran ang ginawa sa kulungan kasama ang kaniyang pinsan.

Natagpuan naman ni Roland si Caroline sa isang kumbento na kumupkop sa kaniyang asawa nang pinalayas ito ng ina. Masaya niyang sinundo ang kabiyak. Sinabi rin niya na plinano ng ina ang nangyari.

“Alam ko nang bikt*ma ka lang nila, mahal ko. Mahal na mahal pa rin kita at kahit anong sabihin nila ay hinding-hindi hihinto ang puso ko sa pagpintig nito para sa iyo,” sambit ni Roland.

“Ikaw lamang ang tanging lalaking minahal ko, Roland, kahit ang huling tibok ng puso ko ay nakalaan lamang para sa iyo. Salamat at lumabas din ang katotohanan. Ang akala ko’y magwawagi na sila sa kanilang kabuktutan,” naluluhang sagot ni Caroline.

“Huwag kang mag-alala. Hindi na tayo maghihiwalay pa. Wala nang sinuman ang magpapahiwalay sa atin,” tugon naman ni Roland sabay yakap nang mahigpit sa babaeng pinakakamahal niya.

Bukod sa pinagdudusahan nina Rosita at Gilbert ang kasamaang ginawa sa piitan ay nalinis din ang pangalan ni Caroline sa mga kapitbahay nila. Mula noon ay tahimik na at namuhay na maligaya silang mag-asawa. Kinalimutan na rin nila ang nakalulungkot na nangyari. ‘Di nagtagal ay biniyayaan din sila ng dalawang anak.

Advertisement