Pinaghinalaan ng Ginang na may Ibang Babae ang Kaniyang Asawa Dahil Palagi Itong Ginagabi sa Pag-Uwi; Siya Pala ang Masosorpresa sa Aaminin ng Mister

Dalawang taon nang nagsasama sila Vann at Charo. Mayroon na rin silang isang anak na ang pangalan ay Mae.

Masaya ang pagsasama nilang mag-asawa ngunit isang araw ay napapansin ni Charo na tila may pagbabago sa kaniyang mister.

“Sweetheart, paki-abot nga ng tuwalya!” sigaw ni Vann nang matapos na itong maligo.

“Sandali lang!” sagot naman niya. “Taong ‘to naligo pero hindi pa nagdala ng tuwalya,” sabi pa niya sa isip.

Kahit abala sa pag-aalaga ng kanilang dalawang taong gulang na anak ay nagmamadaling inabot ni Charo ang hinihingi ng mister.

Nagpatulong pa si Vann kay Charo sa pagbibihis.

“Alam mo sweetheart, mas guwapo kang tingnan kapag naka-tuck-in ang polo mo,” wika ni Charo.

“Ganoon ba? O sige, ayusin mo na rin ang necktie ko,” tugon naman ng mister.

Advertisement

Ngunit nang pumunta na si Vann sa hapag-kainan…

“T-teka, w-wala pa tayong almusal?!” gulat niyang tanong sa asawa.

“Naku, nakalimutan ko. Inasikaso ko pa kasi itong si baby eh, at ang dami mo ring iniutos sa akin,” sagot ni Charo.

Hindi inasahan ni Charo ang sumunod na sinabi ni Vann.

“Hindi ka kasi gumising nang maaga para makapagluto ka ng almusal!” sigaw ng mister.

“Aba, kasalanan ko pa? Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako tinanghali ng gising. Pinuyat mo ako kagabi dahil gabi ka na umuwi. Pinaghanda mo pa ako ng pagkain mo sa madaling araw,” tugon ni Charo.

Nadismaya ang lalaki at nagmamadaling lumabas ng bahay.

“Makaalis na nga, baka humaba pa ang pagtatalo natin. Sa opisina na lang ako kakain ng almusal,” sabi ni Vann.

Advertisement

“O, dalhin mo na lang ito, kainin mo iyan para hindi ka malipasan ng gutom,” sambit ni Charo sabay abot ng isang pirasong mamon.

Napilitan namang kunin ni Vann ang iniabot ni Charo upang hindi magalit ang misis.

“Para naman akong batang pinagbaon ng mamon,” wika ni Vann sa isip.

Nang tuluyang makaalis ang asawa…

“Hindi ko maintindihan ngayon si Vann, parang batang gusto ay laging iniintindi. At ang madalas niyang pag-uwi ng hatinggabi o madaling araw ay hindi ko na nagugustuhan,” sabi naman ni Charo sa sarili na may nabubuong pagdududa sa isip.

Ang kaniyang pagdududa ay mas pinatindi nang hatinggabi na naman umuwi si Vann.

“O, ano na ang nangyari sa iyo? Alas-dose na, a, para kang si Cinderella na umuuwi ng hatinggabi!” inis niyang salubong sa mister.

“N-nag-overtime ako, kaya lang nakatulog ako sa opisina dahil masyado akong napagod sa dami ng trabaho,” sagot ni Vann.

Advertisement

Hindi na nag-usisa pa si Charo ngunit kung ano-ano na ang naiiisip niya.

“Huwag sanang totoo ang hinala ko, Vann, dahil kapag nalaman kong may ginagawa kang milagro ay maghahalo ang balat sa tinalupan!” sambit ni Charo sa sarili.

Nag-isip siya ng paraan para hindi na umuwi ng hatinggabi ang asawa at kinaumagahan…

“Wow, ang sarap ng almusal natin ngayon ah!” gulat na wika ni Vann nang pumuwesto na sa hapag-kainan.

“Talagang sinarapan ko ‘yan para hindi ka na umuwi ng hatinggabi,” sagot ni Charo.

“Sana ay huwag kang pagabi mamaya dahil lulutuan kita ng gustung-gusto mong ulam at gagawa ako ng paborito mong panghimagas,” dagdag pa niya.

“O, sige, maaga akong uuwi at sabay tayong kakain ng hapunan,” tugon naman ni Vann.

Ngunit sumapit ang hapunan ay hindi pa rin dumarating si Vann.

Advertisement

“Mag-a-alas onse na ng gabi, hindi pa rin siya dumarating? Ginutom na ako sa paghihintay, ang an*mal na iyon sabi ay uuwi nang maaga!” gigil na sabi ni Charo.

Madaling araw na naman nang umuwi si Vann.

“S-sorry, sweetheart, marami akong tinapos na trabaho sa opisina kaya ngayon lang ako nakauwi,” wika ng lalaki.

Salubong ang kilay na hinarap ni Charo ang mister.

“Sinungaling ka! Tingnan mo ‘yang suot mong damit, bakit baliktad? Ang necktie mo nasaan?” singhal ni Charo sa kausap.

Hindi na napigilan ni Charo ang maiyak sa sobrang galit at pinagsusuntok sa dibdib si Vann.

“Sigurado akong may ginawa kayo ng babae mo kaya nabaliktad iyang suot mo! Nag-anuhan kayo ‘no? Kaya hinubad mo ‘yang damit mo at ngayon ay baliktad na! Ano’ng meron sa babae mo na wala sa akin ha? H*das ka! H*yup, an*mal!” galit na galit na sabi ni Charo sa mister.

“T-Teka, a-anong babae ang sinasabi mo? Araaay! Teka muna! Araaay! Ano ka ba!”

Advertisement

Ayaw pa ring tumigil ni Charo sa pagwawala kaya…

“Tumigil ka na! Baka magising si baby sa ginagawa mo! Ano ba ang pinagsasasabi mo?!”

Para tumigil na ang asawa ay dali-dali itong hinila ni Vann palabas ng kanilang bahay.

“Halika, may pupuntahan tayo!” aniya.

“At saan tayo pupunta, aber?” inis na tanong ni Charo.

Takang-taka naman na sumunod si Charo sa mister hanggang sa marating nila ang pakay. Gulat na gulat siya nang dalhin siya ni Vann sa isang malaki at magandang bahay.

“Huh! I-ito kaya ang bahay ng babae niya? Aba at mukhang mayaman pa ang haliparot na iyon! Siguro ay matrona na ang malanding babaeng ‘yon na gustung-gusto ang mahilig kong asawa. Ito namang an*mal na ito ay ginagatasan pa yata ang mayamang matrona niya. Mga h*yup talaga!” gigil na sabi ni Charo sa isip.

Nang pumasok sila sa loob ng malaking bahay ay mas lalong nagulat si Charo dahil hindi lang malaki at maganda iyon, punumpuno pa iyon ng magagandang muwebles at kasangkapan.

Advertisement

“Ang ganda naman ng bahay ng kabit mo! Siguro ay dito kayo gumagawa ng milagro ng malantod na iyon, ano? Ilabas mo nga ang malanding babaeng ‘yan para maipamukha ko sa kaniya na may asawa na ang lalaking hinaharot niya!” malakas na sigaw ni Charo.

“Hindi ito bahay ng babaeng iniisip mo, sweetheart,” sinserong sagot ni Vann.

“Eh, kaninong bahay ito?” tanong ni Charo.

“Dito ako madalas mag-overtime. Sa tuwing umuuwi ako ng hatinggabi o madaling araw ay dahil dito ako pumupunta para pagandahin ang bahay na ito. Kanina ay namili ako ng mga appliances at iba pang gamit kasama ng mga inupahan kong trabahador. Minsan ay dito ako nakakatulog kapag sobra na akong pagod sa pag-aasikaso at pag-aayos nitong bahay natin,” hayag ni Vann.

Laking gulat ni Charo sa sinabi ng mister.

“Ano kamo? B-bahay natin ang mala-mansyong ito?!”

“Oo, sweetheart. Atin ang malaki at magandang bahay na ito. Binili ko ang bahay at lupa na ito na katas ng aking pagsusumikap sa trabaho. Ito sana ang sorpresa ko sa darating mong kaarawan. May sarili na tayong bahay at lupa, hindi na tayo mangungupahan sa maliit na apartment na tinitirhan natin. At ang bahay at lupa na ito ang siyang ipamamana natin sa ating anak. Wala akong ibang babae dahil para sa akin ay ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko,” bunyag pa ni Vann.

Hiyang-hiya si Charo. Hindi pala totoo na may babae si Vann. Maling-mali ang kaniyang hinala, kaya pala ginagabi ng uwi ang mister ay abala ito sa pag-aayos ng bago nilang bahay. Napagtanto niya na tapat sa kaniya ang asawa at mahal na mahal siya nito.

Advertisement

“Nahihiya ako sa iyo, sweetheart. Patawarin mo ako sa mga sinabi ko. Mahal na mahal kasi kita kaya nagselos at naghinala ako sa iyo, sorry talaga!” umiiyak na sabi ni Charo saka niyakap nang mahigpit ang mister.

“Okay lang, mahal na mahal din kita at si baby, pero iyong sorpresa ko sa iyo, hindi na umabot sa kaarawan mo,” tugon ni Vann na yumakap na rin sa kabiyak.

“Ayos lang, ang mas mahalaga ay hindi totoo ang hinala ko at aking-akin pa rin ang pag-ibig mo, sweetheart. Muli, salamat sa lahat at patawad,” wika ni Charo na may ngiti sa mga labi.