Nalaman ng Guro ang Mabigat na Pinagdaraanan ng Estudyanteng Pinag-iinitan Niya sa Klase
“Ang hina-hina naman ng ulo mo! Saan ka ba nagmana?” sermon na naman ni Mrs. Morales sa batang si Ynna. Hindi kasi nito magawang basahin ang simpleng mga salita. Halos lahat ng mga kaklase niya ay nagagawa nang basahin ang halos lahat ng dapat basahin. Tanging siya nalang ang nahuhuli sa klase. “Kapag hindi ka pa rin nakabasa bago matapos ang klase, ibabalik kita sa grade one!” “Sorry po, Ma’am. Mag-aaral nalang po akong mabuti,” mahinahon na ika ng bata. “Aba, dapat lang. Hindi ka na nahiya sa mga kaklase mo, ikaw nalang ang hindi pa marunong magbasa!” Dahil doon ay mas lalo pang sinubsob ni Ynna ang sarili sa pag-aaral. Halos gabi-gabi siyang napupuyat kakapilit sa sariling makabasa. “Ang… ba-ta… ay…” kung minsan ay napapakamot na lamang siya sa ulo dahil sa pagkadismaya sa sarili. Hindi niya kasi talaga mapilit ang sarili na makabasa ng maramihang salita. “Anak, bakit gising ka pa?” nagulat siya sa kanyang ina. “Ma, akala ko po pumasok ka na?” sa halip ay balik-tanong niya dito. Ngumito ito nang marahan, “Papasok palang. Napansin kasi kita kanina ka pa tutok d’yan sa pag-aaral.” “Sabi po kasi ng teacher ko kapag hindi pa daw po ako nakabasa bago matapos ang taon ay ibabalik niya daw po ako sa grade one.” Nalungkot ang ekspresyon ng kanyang ina kaya naman bumawi siya agad, “Pero Ma, promise ko naman po sa inyo na hindi mangyayari ‘yun. Makakabasa na din po ako.” Ngumiti ito at ginulo nang bahagya ang buhok niya, “Huwag mo namang abusuhin ang sarili mo anak. Magpahinga ka din. Basta lagi mong tatandaan, kahit ano ka man o kung ano man ang hadlang sa pag-aaral mo, mahal na mahal ka ni mama. Okay?” Tumango siya, “Mahal din po kita, Ma!” Kinabukasan ay nagkaroon ng activity ang klase nina Ynna. At ito ay tinatawad na speech-activity na pinamagatang “Dear Teacher”. Magaganda ang pinamalas na talento ng mga estudyante ni Mrs. Morales. Namangha siya sa galing magsalita ng bawat isa. Ngunit may isang umagaw sa kanyang atensyon. Ang speech ng batang si Ynna. “Dear Teacher, sorry po kung hindi pa rin ako magaling magbasa. Pinipilit ko naman po eh. Kaso ang hirap po kasing mag-aral nang may mabigat sa dibdib ko,” nangunot ang kanyang noo sa paunang salita nito. “Kamamatay lang po ng papa ko at ang mama ko naman ay security guard. Lagi siyang wala sa gabi kaya wala ako palaging katabi matulog.” Namimiss ko pa ang papa ko na siyang laging nagtuturo sa akin magbasa,” hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Hindi niya lubos-maisip na ganito na pala ang pinagdadaanan ng batang ito. Tahimik kasi ito at akala niya’y salbahe dahil walang mga kaibigan. “Promise Teacher, pag-iigihan ko pa po,” hindi niya namalayang pumatak na pala ang kanyang luha sa madamdaming salita ng batang palagi niyang pinag-iinitan. Sinsero lahat ng sinabi nito. At ngayo’y nagsisisi siya sa mga maling nasabi niya dito. Kaya naman matapos ang pangyayaring iyon ay naging mas matiyaga pa siyang magturo sa batang si Ynna. Iniintindi niya na rin ito at pinaramdam na hindi ito nag-iisa. Na nandyan siya, bilang isang guro, na uunawa at magmamahal sa kanyang parang ikalawang ina. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.