Inday TrendingInday Trending
Kikitain ng 42-anyos na Matandang Dalaga ang Textmate, Di Niya Akalaing Ito Pala ang Lalaking Iniyakan Niya Noon

Kikitain ng 42-anyos na Matandang Dalaga ang Textmate, Di Niya Akalaing Ito Pala ang Lalaking Iniyakan Niya Noon

Masayang inayos ni Ivy ang kanyang blouse, minasdan niya ang sarili sa salamin. Hindi masyadong makapal ang make up na inilagay niya, nakalugay lang din ang medyo alun-alon niyang buhok, mahaba ang kanyang mga pilik mata at matangos ang ilong. Napangiti siya, mas bata siyang tignan kesa sa edad niyang 42-anyos. Paano naman kasi, magmula nang masawi siya sa nag iisang lalaking minahal ay hindi na niya nagawa pang umibig sa iba. Palagi niya lang naikukumpara ang mga manliligaw kay Harley, ang first love niya. “Uy, ang ganda naman ni tita.” bati ng kanyang pamangkin, si Janine. “Ano ka ba, nakakahiya nga yata itong ayos ko.” sabi niya na medyo tumungo pa dahil naiilang siya. “Si Tita naman, its about time na rin naman, sa totoo lang ay lagpas ka na nga sa time pero ayos lang yan. Nakakatuwa nga na nakikipag-date ka!” pang aasar pa nito sa kanya. “Sigurado ka ba dito sa ibinigay mo’ng textmate sa akin? Matinong tao ba ito?” natatawang sabi niya kahit alam niya naman na matino ang lalaking kikitain ngayon. Dalawang buwan niya na rin kasing ka-text ito at masasabi niyang matalinong kausap ang lalaki, ngayon ang kanilang unang pagkikita. “Oo naman tita, matinong matino. Magtiwala ka sa akin, boss ko yan diba?” sabi nito sabay kindat. Inihatid siya ng pamangkin sa isang mamahaling restaurant, doon ang tagpuan nila ng kanyang textmate. ‘Von’ ang pangalan ng lalaki, habang ‘Irene’ naman ang sinabi niya ritong pangalan niya. Ewan niya ba, ayaw niya munang sabihin dito ang tunay niyang pangalan hanggang di niya ito nakikita sa personal. Luminga linga si Ivy sa paligid, elegante ang lugar. Maraming kumakain at may security guard kaya safe naman. Parang bata naman ako. Pang teenager lang ang ginagawa ko, ano ba naman ito! Mukha ako’ng desperadang makapag-asawa, katawa tawa! Nagmumurang kamiyas! Yan ang mga naglalaro sa isipan ni Ivy kaya napatayo siya sa inuupuan, siguro mas mabuting huwag niya nang ituloy ito. Sa pagmamadali niyang makaalis ay di niya napansin na sumabit ang laylayan ng dress na suot niya sa design ng eleganteng upuan, at dahil malambot ang tela noon ay agad napunit ang damit. Kita ang panty niya! “P*tang-” hindi naituloy ni Ivy ang sasabihin dahil agad na may nagtakip ng jacket sa likuran niya, na pinagpipiyestahan na ng mata ng mga kumakain roon. “Miss, ayos ka lang?” sabi ng pamilyar na boses. “Nahubaran ako tapos itatanong mo kung ayos lang? Akin na nga yan!” masungit na sabi niya sa lalaking nagmagandang loob lang naman, nakatungo siya sa sobrang hiya. Ayaw niya naman sanang magtaray kaya lang ay iyon lang ang paraan niya para pagtakpan ang hiyang nararamdaman. Tatawa tawa ang lalaki, hindi alam ni Ivy pero parang pamilyar talaga ito. Unti-unti niyang iniangat ang kanyang ulo, at katulad niya, sabay silang nanlaki ang mga mata. “Ivy?!” “Harley?!” Ang first love niya! Si Harley na nag-abroad, si Harley na iniyakan niya nang maraming taon! “Ano’ng ginagawa mo rito?” halos sabay nilang tanong. Nahihiya man siya, siya na ang naunang sumagot. “May ime-meet kasi akong, uhm, t-textmate..” halos pabulong na lang na sabi niya. Natahimik ang lalaki, maya-maya ay biglang nanlaki muli ang mga mata nito. “Ikaw si Irene?” sabi nito. “Ikaw si Von?” sabi niya naman dito. Doon nila napagtantong sinet-up pala sila ng pamangkin niyang si Janine, alam kasi nito ang love story nila. At nang maging boss nito si Harley ay ganoon na lang ang pagkatuwa nito dahil alam ng dalaga na ang boss niya ay ang lalaking matagal nang minamahal ng tiyahin. Hindi na rin pala nakapag asawa si Harley mula nang maghiwalay sila, pero hindi na nagkalakas ng loob na hanapin siya dahil buong akala nito ay nag asawa na siya. Pero ngayon, dahil sa makulit niyang pamangkin ay muli silang nagtagpo. Ilang buwan pa ang lumipas at muling ibinalik ng dalawa ang kanilang relasyon. Pagkatapos ng isang taon ay nagpakasal na ang dalawa at tila pinapaburan ng tadhana dahil sa kabila ng edad ay nakabuo pa rin sila ng anak, ngayon ay abala sila sa pamimili ng gamit ng kanilang baby girl. “Honey, ano kaya ang ipapangalan natin sa baby?” tanong ni Harley. “Parang gusto ko something na magpapaalala sa atin kung paano tayo muling nagtagpo. ” sabi ni Janine habang nakayakap sa baywang ng asawa. Hinimas naman ng lalaki ang tiyan niya na ngayon ay pitong buwan na. “Janine, dahil siya ang naging tulay sa atin.” sabi ni Harley. “Tama, siya si Baby Janine.”

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement