Inday TrendingInday Trending
Pinahiya ng Mayabang na Driver ng Magarang Kotse ang Gasoline Boy, sa Huli’y Nabisto ang Tunay na Pagkatao Niya

Pinahiya ng Mayabang na Driver ng Magarang Kotse ang Gasoline Boy, sa Huli’y Nabisto ang Tunay na Pagkatao Niya

Maaga palang ay mainit agad ang ulo ni Miguel dahil bukod sa mainit na ay trapik pa. Bagong-bago pa naman ang sasakyang dina-drive niya ngayon. “Bwisit! Paubos na pala ang gas!” inis niyang minaniobra ang sasakyang paliko sa may gasoline station. “Full tank, diesel.” Napansin niyang tila wala sa sarili ang lalaki dahil sa dami ng nagpapagas. Ngunit wala siyang pakialam doon. Sa halip ay minadali pa ang gasoline boy sa pagbibigay ng sukli niya. “Pahingi ako ng resibo,” utos niya pa dito. Maya-maya’y nakareceive siya ng isang text message sa cellphone, kaya naman muli niyang tinuon ang atensyon sa lalaki, “Pakibilisan mo ha.” “Saglit lang po boss, irerequest ko pa po sa cashier.” Doon agad na nag-init ang ulo niya, “Hindi ba sinabi kong bilisan mo? Tapos sasabihan mo akong saglit lang? Tanga ka ba?” at minura-mura niya pa ang kawawang lalaki. Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan sila ng mga tao sa paligid. Hindi naman sumagot ang gasoline boy at sa halip ay humingi pa ng pasensya sa paghihintay niya. Pagkaalis nito ay biglang may tumawag sa kanyang cellphone. Naabutan siya ng gasoline boy na may kausap sa telepono, “Boss bawal po ang cellphone dito.” Nagpaalam siya saglit sa kausap at saka tumingin sa lalaki, “Pakialam mo ba? Asan na ‘yung resibo ko?” Ngumiti ito, “Ginagawa na po boss. Saglit nalang po ‘yun. Boss, pakipatay nalang po ang cellphone, bawal po talaga dito ‘yan.” Kumulo ang dugo niya at tila nagdilim ang paningin na binato ang cellphone sa lalaki, “Sinabi nang huwag kang makialam eh!” Natamaan sa ulo ang kawawang gasoline boy. Ngunit nang damputin ng kawawang lalaki ang cellphone ay nabigla ang lahat dahil biglang may nagsalita mula sa cellphone ng mayabang na driver. Puro pagmumura ang binabanggit nito sa lalaki. Halos mamutla naman siya nang marinig ng lahat kung paano siya hamakin at murahin ng kanyang amo–ang tunay na may-ari ng bagong kotseng dina-drive niya. “Driver lang pala, akala mo kung sino makapagsalita.” “Akala mo mataas na kung makapanghamak ng iba.” “Buti nga sa kanya.” Hindi malaman ni Miguel ang gagawin. Pahiyang-pahiya siya sa nangyari. Nagsisi siyang binato niya pa sa gasoline boy ang kanyang cellphone. Dahil doo’y nabisto tuloy siya ng mga tao. “Boss ito na po ‘yung resibo niyo,” mapagkumbaba pa ring sabi ng gasoline boy. “S-salamat…” mahina at nauutal na sabi niya dito. Dahil doo’y napagtanto ni Miguel ang pinakamahalagang aral na natutunan niya sa buhay. Ito ay huwag manghamak ng kapwa, manatiling mahinahon at palaging maging mapagkumbaba sa lahat ng oras. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement