Inday TrendingInday Trending
Isang Misteryosong Tao ang Palaging Nag-iiwan ng Paper Bag na May Pagkain Para sa Matandang Security Guard, Hindi Niya Inaasahan Kung Sino Iyon

Isang Misteryosong Tao ang Palaging Nag-iiwan ng Paper Bag na May Pagkain Para sa Matandang Security Guard, Hindi Niya Inaasahan Kung Sino Iyon

Security guard si Boyet sa isang kumpanya, laking pasasalamat niya dahil kahit 59 years old na siya ay tinanggap pa rin siya dito. Wala naman din kasing ibang bubuhay sa pamilya niya, ang isa niyang anak ay nabuntis ng maaga pero iniwan sa kanila ang dalawa nitong anak at hindi na nagpakita pang muli. Ang isa naman niyang anak ay may sarili na ring pamilya at di na sila matulungan dahil mahirap din ang buhay. Ang misis ni Boyet ay isang mananahi, sila lang ng misis ang bumubuhay sa dalawa nilang maliit na apo. Maagang gumigising ang lalaki para pumasok sa trabaho, tuwing umaga ay masigla na siyang nakatayo sa tabi ng pinto ng building. “Goodmorning Sir!” masiglang bati niya sa amo na sa tantya niya ay nasa 40 taong gulang. Dire-diretso lang ang lalaki at hindi siya pinansin, napahiya man ay hinayaan nalang ni Boyet iyon. Ano nga naman ba ang pakialam ng mayaman sa isang hamak na security guard? Araw araw ay binabati niya ito, pero araw araw rin siya nitong hindi pinapansin. Itinuloy niya na lang ang pagbabantay, saglit siyang naihi kaya pinabantayan niya muna sa kasama ang pwesto niya. Pabalik na siya, hindi pa man tuluyang nakakalapit sa pwesto ay umalis na kaagad ang kaibigan niyang security guard. Nagulat na lang siya nang may paper bag doon. Ni-radyo niya ito sa kanyang kasama. “Jon, naiwan mo atang baon mo rito.” sabi niya. “Wala akong dala dyan tatang.” sagot naman nito. Kung gayon ay kanino ito? Papasok sana siya sa loob ng building para ibigay iyon sa babae sa helpdesk pero napansin niyang may note sa gilid. Kuya Boyet, tanghalian po. Nagtataka man ay binuksan niya iyon, aba at kay sarap na manok at kanin! Sino ba naman siya para tumanggi sa grasya? Tutal ay matagal na rin simula nang huli siyang makatikim ng manok. Wala naman sigurong lason iyon. Ganoon rin ang nangyari kinabukasan, bigla na lang sumulpot ang supot pagkabalik niya mula sa lunch break. Naisip niyang ayaw talagang magpakita ng nagbibigay nito. Pero kung sino man iyon, napakabuti naman ng puso nito. Sa halip na kainin ay inuwi niya ang pagkain para mapaghatian ng misis niya at mga apo. Tuwang tuwa ang pamilya ni Boyet. Sa mga sumunod na araw ay walang palya ang pag iiwan ng paper bag na may lamang pagkain. Hanggang isang huwebes, maghapon ang lumipas ay walang dumating na pagkain. Ganoon talaga ang buhay, hindi naman laging may biyaya. Pero salamat pa rin aa napakabuting tao na nagbibigay sa akin, kung makikilala ko lang siya ay masuklian ko man lang ng pagkakaibigan ang kabutihan niya, sa isip isip ni Boyet. Biyernes, wala pa ring dumating. Sabado, wala. Sana makilala ko lang ang taong iyon, para kung siya naman ang mangailangan ay ako naman ang makatulong, hiling niya sa isipan. Naputol ang pagmumuni muni niya nang magsalita ang kaibigang security guard na hindi niya namalayang nakalapit na pala. “Psst. Tatang, nabalitaan mo na ba?” tanong nito. “Ano?” tanong niya rito. “Baka daw dumating na ang bagong boss natin sa isang linggo.” pagbabalita nito. “Bakit anong nangyari kay Sir?” tanong niyang muli na ang tinutukoy ay ang amo nila na hindi siya pinapansin. “Ay hindi nyo ho ba alam? Nako, nahuhuli pala kayo. Naaksidente si Sir Miguel, nabangga ang sasakyan, dead on arrival daw sa ospital, nitong Miyerkules ng gabi lang daw.” sabi nito. Gulat na gulat si Boyet, palibhasa ay naroon lang siya lagi sa pwesto ay di na niya alam ang nangyayari sa paligid. Umalis na ang kaibigan niya at naiwan siyang nakaupo, pilit pa ring inaalala ang amo. Saktong labas ni Rita ng pintuan, ito ang babae sa helpdesk sa unahan ng building. “Tatang lunch lang po ako.” sabi nito. “Sige po ma’am.” sagot niya rito. “Ikaw? Ay malungkot ka siguro ano tatang, wala na si sir Miguel para mag iwan ng pagkain mo.” ikinagulat ni Boyet ang sinabi ng dalaga. Tila naintindihan naman ng dalaga ang reaksyon ng matanda kaya nagpaliwanag ito. “Ay hindi nyo po ba alam? Siya ang nag iiwan ng paper bag dyan sa pwesto mo pag wala ka, ayaw magpakita sayo dahil alam niyang mahihiya ka sa kanya. Naaawa raw po kasi sayo dahil may edad kana pero nagtatrabaho ka pa.” Halos mapaluha si Boyet, ang amo na akala niyang walang pakialam sa kanya pala ang nag iiwan ng pagkain na araw araw bumubusog sa tiyan ng kanyang pamilya.Habang nabubuhay sya ay hahangaan niya ang kabutihan ng amo.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement