Napagkamalang Baliw ang Ginang na Ito Dahil sa Pagka-inosente Niya sa Maraming Bagay, May Kinalaman Pala Ito sa Kanyang Nakaraan
Masayang-masaya si Nenita habang nasa biyahe. Hindi niya akalaing darating pa ang ganito-kasayang pangyayari sa buhay niya. Kasama niya ang asawa habang patungo sila sa lupang-sinilangan niya–ang probinsya ng Masbate. Ilang taon rin siyang hindi nakauwi dito ay ngayon ay sobrang excited siya sa pag-uwi baon ang isang surpresang dala niya para sa naiwang pamilya. “Mahal, ang ganda ng puno oh!” tuwang-tuwa nitong bigkas. “Mahal, ganyan pala ang rainbow sobrang ganda, grabe!” Masaya rin ang kanyang asawa na si Jerome para sa kanya, “Oo mahal, ganyan sila kaganda.” “Eh mahal tignan mo ‘yun. Ano tawag dun?” “Yan ang itsura ng jeep, mahal.” “Ah, yung sinasakyan natin palagi?” inosenteng tanong nito. Hindi lingid sa kaalaman ni Jerome na pinagtatawanan na sila ng mga kapwa-pasahero sa bus. Nang makatulog ang asawa sa pagod ay naramdaman niyang kinalabit siya ng ginang sa gilid nila, “Patingin niyo na ho kaya sa doktor ‘yang misis mo?” “Ano ‘ho?” balik-tanong niya dito. “May-sayad ho ‘ata sa utak ‘yan eh. Patingin niyo na hangga’t maaga.” Imbes na magalit ay inintindi nalang ito ni Jerome, “Pasensya na kayo, alam ko hong nagmamalasakit lang kayo. Pero walang sira sa ulo ang misis ko.” “Eh bakit napakainosente naman ‘ho sa itsura ng kapaligiran ‘yan?” Huminga siya nang malalim, “Pinanganak kasi siyang bulag, at ngayon lang siya nakakita. Kaya bago sa kanya lahat ng tanawin.” Natulala ang ginang sa sinabi niya, “Sorry ‘ho.” “Okay lang.” Nang magising si Nenita ay nagulat siya dahil naging magiliw sa kanya ang halos lahat ng pasahero ng bus. Lahat ay binati siya at halos lahat din ay naluluhang niyakap siya. “Napakaswerte mo sa buhay at sa asawa, nanay.” “Good luck po sa new journey…” Naguguluhan man ay gumanti na lamang ng ngiti si Nenita. Habang hawak ang kamay ng asawa ay sumandal siya sa balikat nito at sinabing, “Salamat, mahal.” Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.