Nang Makatungtong sa Amerika ay Binusog Niya sa Balikbayan Box ang Pamilya, Ito Pala ang Sisira sa Kanila
Si Lorna ay isang inang pinalad na makapagtrabaho sa Amerika bilang house helper. Sa loob ng isang taong paninilbihan niya sa lupain ng ibang lahi, ay nairaos na niya sa gutom ang naiwang pamilya sa Pilipinas.
Buwan-buwan niyang pinapadalhan ng balikbayan box ang kanyang asawa at dalawang anak. Tuwang-tuwa naman ang mga ito sa tuwing nakakausap niya sa Facebook.
“Mama, salamat po sa pinadala niyong bagong tablet! Lagi po ako naglalaro ng games dun,” ika ng kanyang bunso.
“You’re welcome, anak. Lahat gagawin ni Mama para sayo.”
“Ma, sana next na padala niyo, kasama na yung laptop ko,” pagmamaktol naman ng panganay niyang babae.
“Oo, Sandra anak. Promise ni Mama ‘yan.”
Pinagtuunan niya naman ng pansin ang asawa, “Ikaw honey, kamusta ka naman? May bilin ka ba para sa next na padala ko?”
“Pabango nalang, hon. Yung mahal at sikat na pabango d’yan.”
Napangiti si Lorna sa kanyang pamilya. Tuwang-tuwa siya dahil nasusunod niya na ang mga pangarap lang ng pamilya niya dati.
Lingid sa kaalaman niya na unti-unti na palang sinisira ng mga padala niya ang kanyang pamilya.
Dahil branded at galing Amerika ang mga sinusuot at gamit ng kanyang asawa si Mario ay natuto na itong magyabang sa mga kasamahan sa opisina. Binibigyang-pansin niya na rin ang mga babaeng lumalapit sa kanya. Natuto na siyang mambabae nang walang kaalam-alam ang kanyang asawang si Lorna.
“Ma, thank you po! Ang ganda po ng laptop na pinadala niyo,” masayang-masaya ang kanyang dalagang si Sandra nang sa wakas ay matanggap nito ang hinihiling na laptop.
Hindi nila akalaing ito pala ang magiging mitsa ng buhay ng kanyang anak. Dahil nang minsang gabihin sa daan galing eskwela ang kanyang dalagang anak ay naholdap ito at nang manlaban at sinaksak ito sa tagiliran.
Gulat na gulat si Lorna nang mabalitaan ang pangyayari. Lalo pa nang sumabay na maospital ang kanyang bunsong anak dahil sa umano’y pagsusuka. Ito ay dahil daw sa magdamag nitong paglalaro ng tablet at nalilipasan ng gutom.
Hindi mapigilan ni Lorna ang pag-iyak. Hindi niya lubos maisip na ang pinangarap niyang buhay noon para sa pamilya ay siya pang sisira sa kanila. Agad siyang nagdesisyon na umuwi ng Pilipinas.
Doon ay natuklasan niya rin ang pangangaliwa ng kanyang asawa. Tila siya pinagbagsakan ng langit at lupa sa mga nangyayari. Gusto na niyang sumuko noon ngunit napanaginapan niya ang kanyang yumaong ina.
“Huwag mong sukuan ang mga problema, Lorna. Magpakatatag ka at huwag kang papasilaw sa malaking halaga. Mas mahalaga ang iyong pamilya.”
Dahil doon ay nagdesisyon siyang tuluyang huwag nang balikan ang trabaho sa Amerika. Sa halip ay mas pinagtuunan niya nalang ng pansin ang kanyang pamilya. Pinatawad at mas minahal niya pa ang kanyang asawa. Samantalang inalagaan at pinag-alayan niya naman ng oras at panahon ang kanilang mga anak.
Simula noon ay mas naging masaya si Lorna at ang kanyang asawa’t mga anak. Naging mas matatag ito at pinagbuklod ng pagsasama’t pagmamahalan.
Talaga ngang wala nang ibang yamang tutumbas sa iyong pinakamamahal na pamilya.