Inday TrendingInday Trending
Takot na Umuwing Lasing ang Under sa Misis na Lalaki, Laking Pagtataka Niya at Napaka-sweet ng Asawa Kinabukasan

Takot na Umuwing Lasing ang Under sa Misis na Lalaki, Laking Pagtataka Niya at Napaka-sweet ng Asawa Kinabukasan

“Mahal, alis lang kami nila pareng Ricky ah?” kinakabahan na paalam ni Russel sa kanyang asawa. Isang linggo niya nang pina-praktis ang pagpapaalam sa asawa upang makasama sa get-together ng mga kaibigan. Hanggang sa mapagpasyahan niya nalang na magpaalam sa mismong araw ng pag-alis nila. “Bahala na,” ika niya sa sarili. “Anong oras ka uuwi?” tanong ng kanyang asawa. “Mga alas-onse ng gabi, Mahal. Nandito na rin ako,” sagot naman niya. Hindi naman maipagkakaila ni Russel na isa siya sa mga tinatawag na “under” sa asawa. Hindi rin niya kinakahiya iyon dahil naniniwala siyang iyon ang sikreto sa magandang pagsasama. Isa pa ay mahal na mahal niya rin ang kanyang asawa, kahit pa napaka-selosa nito. Ngunit nang mapasama na siya sa kanyang mga kaibigan ay tila masyado ‘ata siyang nag-enjoy kasama ang mga ito. Dahil doon ay napasobra siya ng inom at hindi na namalayan kung saan nakatulog. “Ang sakit ng ulo ko,” ika niya pagkagising kinaumagahan. Tinigyan ang kanyang relo. At ganoon nalang ang pagkataranta nya nang makitang alas-otso na nang umaga. “Pare, bakit hindi niyo ako ginising?” sigaw niya sa mga kaibigan. Natatawa naman ang mga ito nang sagutin siya, “Paano ka namin gigisingin eh tulog mantika ka? Yari ka na naman kay misis n’yan!” Lalo siyang nainis at kinabahan sa pambubuska ng mga ito. Napapakamot nalang siya sa ulo nang makitang malapit na siya sa kanilang tahanan. Halos sabayan niya na ng dasal ang paglalakad. “Mahal, sorry…” para siyang maamong tupa habang humihingi ng tawad sa misis niya. Magpapaliwanag palang sana siya nang bigla siya nito yakapin. Gulat na gulat siya sa inakto nito, “Mahal anong ginagawa mo?” “Ano pa, edi papalitan ka ng damit mahal. Amoy alak ka eh. Mag-almusal ka muna dun. Pinaghanda kita ng soup pampawala ng hang-over mo.” Lalo siyang kinabahan sa inaakto ng kanyang misis. Ngunit hindi nalang siya ng nagsalita hanggang sa matapos siyang kumain. “Nananaginip ba ko?” nasabi niya nalang sa sarili. “Hindi mahal,” para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang sagot ng asawa at maramdaman ang yakap nito mula sa likuran. “I love you, mahal. Thank you sa pagiging loyal mo. Kagabi, galit na galit na ako. Hinahanap kita sa mga kaibigan mo, tapos nag-videocall kami.” Kinakabahan siya habang hinihintay ang mga susunod na pangyayari. “Sino ‘yang babaeng ‘yan? Ayokong makichat o videocall sa iba! Magagalit misis ko! Uuwi na ako, uuwi na ako!” “Sinabi ko sa kanila na huwag ka nang pauuwiin dahil delikado na. Kaya mahal, salamat sa pagiging loyal mo sakin. Pangako, ganoon rin ako sayo panghabambuhay.” Nakahinga nang maluwag si Russel. Ginantihan niya ng yakap ang kanyang asawa. Kasabay ng pangakong pang-habambuhay. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement