Inday TrendingInday Trending
Gipit sa Buhay ang Ginang Dahil sa Maagang Pagkawala ng Kaniyang Mister; Ang Anak Nilang May Sakit sa Utak ang Mag-aahon Pa Pala sa Kaniya sa Hirap

Gipit sa Buhay ang Ginang Dahil sa Maagang Pagkawala ng Kaniyang Mister; Ang Anak Nilang May Sakit sa Utak ang Mag-aahon Pa Pala sa Kaniya sa Hirap

“Andeng! Halika na’t nandito na si Mang Boy dala ang mga materyales!” sa isang bahay sa isang iskwater, maririnig ang boses ni Aling Uring na tinatawag ang kaniyang labing siyam na taong gulang na anak na babae.

Nag-iisang anak ito at hindi na nasundan pa dahil may edad na rin ng magdalantao si Aling Uring. Ang kaniyang asawa naman ay maagang namayapa. Tanging ang pag eextra na lamang sa may karinderya ang kanilang nagiging pantawid sa pang-araw araw na pangangailangan. Kung minsan naman ay kumikita sila sa mga kandilang ginagawa ni Andeng.

Sa tuwing nagtatrabaho si Aling Uring sa karinderya, naiiwan mag-isa si Andeng sa kanilang bahay. Umuuwi na lamang ang ina tuwing tanghali upang pakainin ito at paliguan. May sakit kasi sa pag-iisip ang dalaga, subalit paggawa ng mababangong kandila ang kaniyang paboritong gawin at talaga namang napakahusay ng kaniyang pagkakagawa sa mga ito.

Tuwang-tuwa si Andeng na makita si Mang Boy. Ang tagal na rin kasi mula nang hindi siya nakakagawa ng kandila. Madalas ay nagwawala ito. Nagipit kasi sila masyado at hindi na makabili si Aling Uring ng mga materyales. Hindi rin niya maibenta ang kandila dahil walang may gusting bumili sa kanilang lugar.

“Oh, ayan na ha? Binilihan ka na ni nanay ng panggawa mo ng kandila. Basta pangako mo kay nanay dito ka lang sa bahay ha? Huwag ka lalabas ng pinto natin at baka kung ano pa ang mangyari sa’yo habang nasa trabaho ako,” mga bilin na may pag-aalala ni Aling Uring sa kaniyang dalaga. Habang ito’y nakangiti lamang na hawak hawak ang mga materyales na kaka deliver lamang ni Mang Boy. Tumungo naman ito sa kaniyang ina.

Sa tuwina, ang tanging dasal at hiling ni Aling Uring, ay bigyan pa siya ng mahabang buhay dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari kay Andeng kapag nawala siya. At sa tuwing naaalala niyang limampu’t pitong taong gulang na siya’t marami ng iniinda sa katawan, naiiyak na lamang siya sa kanilang sitwasyon na mag-ina.

Kinabukasan, maagang gumising si Aling Uring upang maghanda na sa kaniyang pagpasok sa karinderya. Siniguro niya munang nakakain na ng umagahan si Andeng bago siya tuluyang umalis. Paulit-ulit ang bilin ng ina sa kaniyang dalaga na huwag itong lalabas. Nangako naman si Andeng na susundin ang bilin ng ina.

Ilang oras lamang ang nakalilipas, malaki ang tuwa ni Andeng sa kaniyang mukha habang inaamoy-amoy ang bagong gawang kandila na hawak niya. Ito na lang ata ang tunay na nakapagpapasaya sa kaniya at marahil, ang nagpapaalala sa kaniya ng kaniyang ama. Iyon kasi ang nagturo sa kaniyang gumawa ng mababangong kandila.

Subalit maya-maya lamang, isang tunog ng umiiyak na aso ang kaniyang narinig sa tapat lamang ng pinto. Napakunot ng kilay ang dalaga. Binitawan niya ang hawak na kandila at agad na lumabas ng bahay. Hindi na niya naalala ang bilin ng ina. Sobra kasing mapagmahal si Andeng sa mga hayop lalo na sa aso.

Paglabas niya, nagulat siya nang makita ang kulay puti at kakaibang uri ng aso. Mukha itong kambing at maliit lamang ito. May suot itong laso sa leeg nito na siya sumabit sa may yero na kanilang bakuran. Naawa si Andeng sa kalagayan ng aso at agad na sinaklolohan ito.

Halos hindi magawan ng paraan ni Andeng ang pag-alis ng laso nito. Nagsisimula na siyang mainis at umatungal ng mga oras na iyon. Mabuti na lamang ay dumating na ang kaniyang ina na nagulat sa sitwasyon naabutan. Dito na tuluyang na resolba ang kanilang problema.

Dahil sa pangungulit ni Andeng, kinupkop nila ang asong ito na pinangalanan ng dalagang Pitpit. Pumayag na rin si Aling Uring upang hindi malungkot si Andeng sa tuwing nagtatrabaho siya. Sa tuwing uuwi ang ina galing karenderya, nag uuwi ito ng mga tira tiring pagkain upang may makain si Pitpit.

“Pitpit! Gawa na tayo ng kandila! Pitpit! Habulin mo si Andeng!” ang palaging bukang bigbig ng dalaga sa kanilang aso. Sa tuwing nakikita ito ni Aling Uring, napupuno siya ng kaligayahan. Parang nagkaroon kasi si Andeng ng kapatid a kalaro. Maya maya itong ngumingiti’t tumatawa.

Ilang araw pa ang lumipas, napapansin ni Aling Uring ang paglagas ng mga balahibo ni Pitpit. Ganoon din ay nagkakaroon ito ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan. Regular naman ang pagligo nito, ngunit namamaho ito nang husto at hindi niya maintindihan kung bakit ganoon.

Maaga na namang umalis si Aling Uring upang pumasok sa karenderya. Naiwan muli sa bahay ang kaniyang dalaga at ang kanilang aso. Ang mga ngiti ni Andeng habang nagpapaalam sa kaniya ang huling sulyap ni Aling Uring matapos siya umalis sa bahay na iyon.

Lumipas ang tanghaling tapat, maghahapon na’t maya maya lamang ay maggagabi na. Gutom na si Andeng kung kaya naman kinain na niya ang lahat ng tinapay na mayroon sila. Panay na ang tanaw ni Andeng sa pinto at bintana ngunit wala pa ring Aling Uring na dumadating.

Ilang sandali lamang, bumukas ang pinto. Sumigla ang mukha ni Andeng dahil dumating na ang kaniyang ina. Subalit, isang babae at dalawang lalaki ang bumungad sa kaniya.

“Andeng, hello. Kumusta ka? Pwede ka ba sumama sa amin? Huwag ka mag-alala, mabubuting tao kami,” mahinahong wika ng babae kay Andeng.

“Sabi po ni nanay huwag daw ako sasama sa hindi ko kilala eh. Nasaan po ba si nanay ko?” umiiling na tugon ni Andeng sa mga ito.

“Dadalhin ka naming sa kaniya, Andeng…” banggit naman ng isang lalaki na nagpapayag sa dalagang sumama sa kanila. Hindi pumayag si Andeng na hindi kasama si Pitpit. Napansin din ng mga taong iyon na matagal nang hinahanap ang asong iyon. Kung kaya naman, agad nilang tinawagan ang may-ari nito.

Nakatayo si Andeng sa tapat ng salamin habang nakatingin sa kaniyang ina na nakaratay sa kama ng ospital. Nasagasaan daw si Aling Uring habang pauwi ito noong tanghali. Hawak hawak ni Andeng ang kandila na imahe ni Pitpit habang umiiyak.

Maya-maya lamang, dumating na ang isang ginang na nagmamay-ari ng aso. Isa pala itong espesyal na uri ng aso. Labis ang pasasalamat nito kay Andeng at Aling Uring. Niyakap nito nang mahigpit ang dalaga na umaatungal ng mga oras na iyon. Nang makita ng ginang ang hawak na kandila at ang talento ni Andeng, nangako itong magbubukas ng tindahan para kay Andeng at Aling Uring.

Pagkalipas ng halos limang buwan, masayang binisita ng ginang at ni Pitpit ang tindahan nila Andeng at Aling Uring. Maganda ang lagay nito at marami ang tumatangkilik sa kaniyang mga kandila. Labis ang pasasalamat ni Aling Uring sa ginang na tumulong sa kanilang makaahon. Hindi na niya kailangan pang mag-alala sa kalagayan ng anak. Naisip niyang wala talagang sinuman ang nalulugi sa huli kung papairalin lamang natin ang kabutihan sa kahit na sino man.

Advertisement