Inday TrendingInday Trending
Likas na sa Ugali ng Lalaki ang Tumulong, Kahit Nga Hindi Niya Kasalanan ay Kaniyang Inaako; May Pag-asa pa Kayang Magbago ang Kaniyang Buhay?

Likas na sa Ugali ng Lalaki ang Tumulong, Kahit Nga Hindi Niya Kasalanan ay Kaniyang Inaako; May Pag-asa pa Kayang Magbago ang Kaniyang Buhay?

Tirik na tirik na ang araw, bukod sa masakit nang tumatama ang sikat ng araw sa balat ni Ernesto at nakakaramdam na rin siya ng gutom, kaya nagdesisyon siyang itigil muna ang pangangalakal at maghahanap ng masisilungan upang makakain at makapagpahinga na rin.

Nang may lalaking tumatawag sa kaniya— hindi niya ito kilala, kaya nagdadalawang-isip siya kung siya nga ba ang sadya ng lalaki.

“Kuya,” patuloy sa pagtawag ng lalaki.

Huminto si Ernesto upang siguraduhing siya nga ang tinatawag ng lalaki. “Ako ba ang tinatawag mo?” Turo niya sa sarili.

Agad namang tumango ang lalaking mukhang kanina pa siya sinusundan, dahil hingal na hingal na ito. Hindi niya kilala ang lalaki at wala siyang maisip na dahilan upang habulin siya nito.

“Kuya, manghihingi lang sana ako ng tulong sa inyo…” hinihingal na sambit ng lalaki

Anong tulong ang kailangan nito? Kung pera’y wala itong maaasahan sa kaniya.

“Nasiraan kasi ako kuya,” anito sabay turo sa motor na iniwan sa ‘di kalayuan. “Kanina pa ako naghihintay na may dumaang sasakyan o kahit tao man lang upang humingi ng saklolo kaso dalawang oras na yata akong nakababad sa initan, hanggang ngayon ay wala man lang akong nakitang may sasakyan o taong nagawi sa lugar kung saan nasira ang motor ko,” paliwanag nito.

“Naku! Wala po talagang dumaraan na sasakyan o tao man riyan, dahil sarado na ang daanang iyan,” wika ni Ernesto. “Ano bang nangyari sa motor mo?”

Ipinaliwanag ng lalaki ang nangyari sa motor nito saka nagtanong kung saan ang mas malapit na repair shop sa naturang lugar.

“Tapunan na lang kasi ng basura ang lugar na ito, hijo, kaya kung mapapansin mo’y puro nangangalakal na lang ang napaparaan rito. Malayo-layo pa ang repair shop na sinasabi mo, kung gusto mo’y sasamahan na lang kita, para hindi ka na maligaw ulit,” wika ni Ernesto.

“Baka maabala kayo, kuya?”

“Hayaan mo na. Kaysa iwanan kita rito,” wika ni Ernesto.

Hila-hila ang motor ng lalaki’y sinamahan niya ito sa sinasabi nitong repair shop. Habang naglalakad ay nagkakwentuhan sila ng lalaking nakilala niya sa pangalang Jeovan.

“Naku! Imbes na kakain at magpapahinga na kayo’y inabala ko pa tuloy kayo Kuya Ernesto,” nahihiyang wika ni Jeovan.

“Sus! Ayos lang iyon, hijo, mas maiging samahan kita baka kasi maligaw ka na naman sa lugar na ito. Mas kabisado ko rito kaya alam kong hindi ka mapapahamak, sa susunod ay mag-iingat ka sa mga lugar na hindi mo kabisado.

Iyong tinatahak mong daan kanina’y tapunan na iyon ng kung ano-ano at delikado ang dulo ng daang iyon, baka iyon ang naging dahilan kaya nasira ang motor mo. Prinotektahan ka pa rin ng anghel mo,” nakangiting wika ni Ernesto.

“Gano’n po ba?” Maiksing wika ni Jeovan. “Mag-isa na lang ba kayo sa buhay, Kuya Ernesto?”

Agad namang tumango si Ernesto. “Oo. Mula noong nakulong ako’t nakalaya matapos ang ilang taon ay sinanay ko na rin ang sarili kong mag-isa,” kwento ni Ernesto. “Pitong taon rin akong nakulong sa kasalanang inako ko lang, dahil ayokong makulong ang babaeng mahal ko.

Kaso habang nasa kulungan ako’t pinagdudusahan ang kasalanan niya’y nabalitaan kong nakipagtanan siya sa ibang lalaki, kaya mula noon ay hindi na ulit ako muling umibig. Pinagkasya ko na lang ang sarili ko na mag-isa’t walang kasama, at dahil ex-convict walang sinuman ang tumatanggap na trabaho sa’kin, kaya nangangakal na lang ako,” malungkot na ngumiti si Ernesto.

Agad namang nakaramdam ng awa ang binatang si Jeovan dahil sa ikinuwento ni Ernesto. Hindi kaila sa lahat na kapag galing sa kulungan ang isang tao’y kinakatakutan na’t hinuhusgahan ng karamihan.

“Ano bang alam mong trabaho, Kuya Nestor?” maya-maya’y tanong ni Jeovan.

“Marami,” walang gatol na sagot ni Nestor.

Hindi kaya’y may dahilan kaya dinala si Jeovan sa daang iyon? Isang palaisipang gumugulo sa isipan ng binata hanggang sa marating nila ang repair shop na maaaring umayos sa kaniyang nasirang motor.

Bago tuluyang maghiwalay sina Jeovan at Ernesto ay nangako siyang babalikan ang lalaki at tutulungang makahanap ng trabaho. Makalipas nga dalawang araw ay naging panauhin ni Ernesto si Jeovan sa kanyang maliit na bahay.

May dala itong damit, bagong sapatos at bag na kaniyang gagamitin. Dahil papasok na ito bilang driber ng pamilya ni Jeovan. Umiiyak na pinasalamatan ni Ernesto si Jeovan.

Apat na taon na ang lumipas mula noong nakalaya siya sa bilangguan, at hindi na kailanman inisip na pwede pang magbago ang buhay niya matapos siya makulong sa kasong may kinalaman sa dr0ga na hindi naman niya ginawa. Alam niyang wala nang magtitiwala sa kaniya, pero kakaiba nga talagang mag-isip ng paraan ang Panginoong Hesus.

“Salamat, Joevan, hindi ko kayang pigilan ang huwag maiyak. May dahilan nga yata kung bakit ka napadpad sa lugar na iyon. Nagpapasalamat ako dahil ikaw ang lalaking tinulungan ko, utang ko sa’yo ang pagbabago ng buhay ko, Jeovan,” tumatangis na wika ni Ernesto.

Sa panahong nawawalan ka na ng pag-asa’y laging pakatatandaan na nand’yan ang Diyos Ama, upang tulungan tayo sa paraang hindi natin inaasahan.

Advertisement