Sumama ang Dalagang Ito sa Babaerong Binata, Katwiran Niya’y Baka Magbago pa Raw Ito

Sumama ang Dalagang Ito sa Babaerong Binata, Katwiran Niya’y Baka Magbago pa Raw Ito

KarmaLoveStories

“Hoy, ikaw, nakita kita kagabi kasama ‘yong babaerong binatang gustong-gusto mo. Binalaan na kita, hindi ba? Pustahan tayo, kapag nakuha na niyan ang loob mo at nagamit ka na, iiwan ka rin niyan katulad ng ginawa niya sa iba nating katrabaho!” inis na sambit ni Lea sa kaniyang kaibigan, isang umaga nang makasabay niya ito sa bus papasok sa kanilang trabaho. 

“Oo, alam ko naman ‘yon! Hindi naman ako t*nga para magpagamit sa kaniya! Gusto ko lang lumabas kasama siya para ipakalandakan sa iba na gwapo ang bago kong magiging nobyo,” giit ni Sanya habang panay pa ang lagay ng make-up sa kaniyang mukha. 

“Sigurado ka bang magiging nobyo mo ‘yon? Nililigawan ka ba no’n?” pang-uusisa pa nito na ikinatigil niya. 

“Ah, eh, hindi! Pero kapag nagtuloy-tuloy ang paglabas naming dalawa, baka mahulog na rin ‘yon sa akin!” tugon niya na ikinatawa nito. 

“Sa panaginip mo! Huwag ka nang umasa sa ganoong klaseng lalaki, Sanya, ikaw lang ang kawawa!” babala pa nito na hindi niya pinansin. 

“Kung siya naman ang kakawawa sa akin, bakit hindi?” biro niya habang nag-iisip nang malasw*ng bagay na lalong ikinainis nito dahilan para siya’y sabunutan nito. 

“Bahala ka nga sa buhay mo! Basta, hindi ako nagkulang sa pagpigil at pagpapaalala sa’yo!” sambit pa nito habang pilit niyang tinatanggal ang kamay nito sa kaniyang buhok. 

Kahit na alam ng dalagang si Sanya na babaero ang pinapangarap niyang binata, panay pa rin ang pagpapakitang gilas niya rito. Ilang beses man siyang binalaan ng kaniyang kaibigan noong bago pa lang siya sa trabaho, hindi niya ito inintindi dahil siya’y humaling na humaling sa kagwapuhang taglay nito nang unang beses niya itong nakita. Sa katunayan, nahuli na niya itong may kahalikan na ibang babae sa banyo ngunit kahit pa ganoon, hindi pa rin nagbago ang pagtingin niya rito. 

Katwiran niya pa, “Ang Diyos nga, nagpapatawad at nagbibigay ng napakaraming tiyansa, ako pa kaya na isang hamak na tao lamang?” dahilan para ganoon na lang siya agad na pumayag nang minsan siyang yayain nitong magkape pagkatapos ng kanilang trabaho na labis na ikinagalit ng kaniyang kaibigan. 

Nang araw na ‘yon, pagkadating na pagkadating nila sa opisina ng kaniyang kaibigan, agad siyang sinalubong ng mga ngiti ng binatang ito. 

“Pwede ka ba mamaya?” tanong nito dahilan para agad siyang kurutin ng kaibigan upang tumanggi siya. 

“Oo naman! Saan ba tayo?” sagot niya na labis na ikinadismaya ng kaniyang kaibigan dahilan para siya’y iwan nito. 

“Basta, sumama ka na lang!” wika pa nito na agad niyang sinang-ayunan. 

Sa isip-isip niya, baka tuluyan na itong nahulog sa kaniya dahil sa malalim at masaya nilang pag-uusap kagabi ngunit tila mali ang kaniyang akala dahil pagkasama niya rito, sa isang abandonadong gusali siya nito dinala. 

“Anong gagawin natin dito?” pagtataka niya. 

“Hinihintay ka ng mga kaibigan ko. Wala kasi silang mabingwit na babae ngayon,” tapat na wika nito saka nagsindi ng sigarilyo. 

“Ano? Akala ko naman tayong dalawa lang ang magsasama ngayong gabi!” inis niyang sambit. 

“Hoy, magising ka nga sa katotohanan at tumingin ka sa salamin! Talaga bang iniisip mo na papatulan kita? Magagandang babae lang ang gusto ko,” tugon nito na talagang ikinadurog ng puso niya, “O, ito na ang putahe niyo!” sambit pa nito sa mga binatang nakaabang sa kanila na labis niyang ikinatakot. 

“Diyos ko, ano ba itong pinasok ko? Sa sobrang landi ko, mapapahamak pa yata ako!” iyak niya habang unti-unting nilalapitan ng mga binatang iyon. 

Sa kabutihang palad, bigla na lang may dumating na patrol ng mga pulis kasama ang kaniyang kaibigan. Huling-huli sa akto ang balak na kahalayan sa kaniya ng mga binata dahilan para agad itong damputin ng mga pulis. 

“Mabuti na lang dumating ka,” nanghihina niyang wika sa kaibigan dahil sa labis na kaba. 

“Iba ang kutob ko talaga sa lalaking ‘yan, eh, sa susunod makinig ka na sa akin!” sermon nito sa kaniya saka siya mariing na niyakap. 

Doon niya labis na napagtantong kung papairalin niya ang kalandiang mayroon siya at patuloy na sasama sa mga lalaking kailan niya lang nakilala, maaaring hindi lang ito ang danasin niya dahilan para mangako siya sa sariling hindi na ito muling gagawin kahit pa gustong-gusto niya ang binatang muling makikilala. 

Upang mabigyan ng hustisya ang naranasan niya, hiniling niyang matanggal sa trabaho at nakulong ang mga binatang iyon kasama ang pinapangarap niyang binata na agad namang inaksyunan ng kanilang kumpanya at mga pulis. 

Simula noon, nanindigan na siyang hindi na muling magpapaloko sa lalaki at magiging wais sa pagpili ng lalaking papantasyahin niya na talaga nga namang ikinatuwa ng kaniyang kaibigang palaging nakaagapay sa kaniya.

More Stories