Inday TrendingInday Trending
Tinatawag ng Laman ang Binatang Ito nang Mahiwalay sa Nobya; Tama bang sa Iba Niya Ito Iraos?

Tinatawag ng Laman ang Binatang Ito nang Mahiwalay sa Nobya; Tama bang sa Iba Niya Ito Iraos?

Ngayong ilang buwan nang hindi nakakasama ng binatang si JP ang kaniyang nobya, hindi na niya matiis na hindi mailabas ang kaniyang pagkalalaki.

Ngayon lang kasi sila naghiwalay pagkalipas ng tatlong taon nilang pagsasama sa isang bahay dahilan para ganoon na lang siya mangulila sa presensya at katawan nito na noon ay malaya niyang nagagamit anumang oras niya gustuhin.

Una palang talaga, ayaw na niya itong payagang mangibang bansa at doon magtrabaho dahil bukod sa natatakot siyang baka may makilala itong mas higit sa kaniya, alam niya pang mararanasan niya ang pangungulilang ito.

Kaya lang, nang maisip niyang sa loob ng tatlong taong pagsasama nila, ni katiting na pag-angat sa kanilang buhay ay wala silang nadadama, roon na niya nagdesisyong payagan ito.

“Basta, ipangako mo sa aking araw-araw mo akong tatawagan, ha? Huwag kang titingin sa ibang lalaki roon! Dapat umuwi ka rito nang walang ibang nagmamahal sayo!” bilin niya rito habang binababa nila ang mga gamit nito mula sa taxi.

“Makakaasa ka, mahal! Ikaw din, ha, huwag na huwag kang mambababae, dahil kung hindi, makikita mo bangis ng isang galit na OFW!” babala nito sa kaniya na ikinatawa niya.

“Oo naman, mahal! Halika ka nga rito, payakap muna bago ka umalis!” sambit niya pa rito. Mahigpit niya nga itong niyakap saka na niya ito hinayaang makapasok sa airport.

Noong mga unang linggo nang pagkakahiwalay nila ng landas, labis siyang nakaranas ng pangungulila rito. Hindi niya mapigilang hindi malungkot dahilan para magdesisyon siyang makitira muna sa bahay ng kaniyang kapatid na babae. Wala man siyang sariling kwarto roon at madalas niyang pinagsisiksikan ang sarili sa maliit na sofa, tiniis niya iyon para lang mabawasan ang kalungkutang nararamdaman niya.

Kaya lang, paglipas pa ng ilang buwan, kasabay ng pangungulila niya sa kaniyang kasintahan, pakiwari niya’y hindi na niya kayang pigilan ang tawag ng laman. Dito na siya naghanap sa social media ng mga tagong bar na pupwedeng niyang puntahan. Ngunit kahit ilang oras na siyang naghahanap, walang bar ang sumakto sa panlasa niya.

Habang naiinis na siya dahil wala siyang mahanap na bar na may mga magagandang babae at mura lang, napansin niyang nakadapa habang nagbabasa ang kaniyang kapatid na dalaga. Nakasuot lang ito ng bestida dahilan para matanaw niya ang dibdib nito at siya’y agad na makaisip nang masama.

“Bahala na, hindi naman siguro magsusumbong ‘to kila mama!” sabi niya sa sarili habang binubuo sa isipan niya ang masamang plano.

Upang makasigurong walang makakakita sa gagawin niya, sinuyod niya muna ang buong bahay ng kaniyang kapatid dahil alam niyang minsan, may pinapatuloy itong mga kaklase roon. Sakto namang napag-alamanan niyang kakauwi lang ng mga kakalse nito at silang magkapatid lang ang tao roon kaya agad niyang sinarhan ang pinto at unti-unting hinimas ang braso ng kapatid.

Habang ginagawa niya ito, hinahawakan niya na rin nang patago ang kaniyang pagkalalaki ngunit bago niya pa ito tuluyang mahawakan sa katawan, bigla itong tumayo saka siya inabutan ng bibliyang binabasa pala nito.

“Kuya, pwede mo bang ipaliwanag sa akin ang taludtod na ito? Hindi kasi klaro sa akin ang ibig sabihin,” sabi nito na ikinakamot niya ng ulo.

“Diyos ko naman! Hindi ako nagbabasa niyan!” sigaw niya rito dahil sa pagkadismaya.

“Sige na, kuya! Ipaliwanag mo na sa akin ‘yan para parehas tayong makapunta sa langit!” pagpupumilit nito dahilan para basahin niya ito kahit lingid sa kagustuhan niya.

Pagtingin niya sa mga taludtod na tinuro ng kapatid, mga katagang patungkol sa makasalanang taong may pagkamakamundo ang agad niyang nabasa kaya naihagis niya ito. Agad niyang napagtantong muntikan na siyang gumawa ng isang malaking kasalanan hindi lang sa nobya at kapatid niya kung hindi pati na rin sa Diyos na nakakaalam ng kaniyang mga plano.

“Bakit, kuya? Dem*nyo ka ba kaya natatakot ka sa bibliya?” tatawa-tawang tanong pa nito kaya siya’y lalong kinilabutan at agad na humingi ng tawad dito pati na sa Maykapal.

Upang makaiwas sa tuksong pumapasok sa isip niya, minabuti na niyang umuwi sa sarili niyang bahay nang hindi nagpapaliwanag sa kapatid. Doon din, naisip niyang kailangan niyang magkaroon ng isang mabuting libangan para huwag na siyang makaisip ng ganoong bagay.

Sakto namang biglang nagpadala ng pera ang kaniyang nobya at doon niya napagdesisyonang magtinda ng meryenda sa harap ng kaniyang bahay.

Sa ganitong paraan, natakasan na niya ang maling pag-iisip, kumikita pa siya kahit siya’y nasa bahay lang na labis namang ikinatuwa ng kaniyang nobyang nagpapakahirap sa ibang bansa para lang magkaroon sila ng magandang kinabukasan.

Advertisement