Inday TrendingInday Trending
Sinugod ng mga Tao ang Pinagbibintangan Nilang Mangkukulam; Mali Pala ang Kanilang Hinala

Sinugod ng mga Tao ang Pinagbibintangan Nilang Mangkukulam; Mali Pala ang Kanilang Hinala

Kalat na kalat na ang tsismis na may mangkukulam daw sa bayan ng San Miguel.

Ito ang usap-usapan ng mga taga-roon sa isang umpukan. Ngunit naantala ang kanilang pag-uusap nang makita nilang parating sa kanilang kinaroroonan ang kapitbahay nilang si Martha na humahangos.

“May pinasl*ng na naman ang mangkukulam!” sigaw ng ale.

Dali-daling huminto sa kanilang ginagawa ang mga kapitbahay niya at nakisimpatiya.

“Totoo ba ‘yan, Martha?” tanong ni Aling Baleng.

“Si lasenggerong si Igme, natagpuang walang buhay sa loob ng bahay niya. Nakamulagat ang mata at labas pa ang dila!” bulalas ng babae.

Nagkagulo ang mga kapitbahay dahil naminsala na naman ang malupit na mangkukulam sa kanila.

“Ano? Kailan ba titigil sa pagpasl*ng ang mangkukulam na ‘yan! Kahit lasenggo ‘yang si Igme ay masipag at mahusay makisama ang kapitbahay nating ‘yan. Bakit naman pati siya ay dinale pa?” nagtatakang tanong ni Mang Gaspar.

“Ang sabi kasi ng albularyong si Mang Uni nang makita ang bangk*y ni Igme ay kinulam daw talaga ito. Sa tingin niya ay malaki ang galit ng mangkukulam kay Igme,” sagot ni Martha.

Kapag may nawawalan ng buhay sa kanilang lugar ay alam na nila kung ano ang ikinas*wi nito. At iyon ay kagagawan ng isang mangkukulam. Mayroon silang pinagdududahan kung sino ang mapaminsalang nilalang at iyon ay walang iba kundi si Mang Domeng. Mula kasi nang mapadpad sa kanilang lugar ang matandang lalaki ay nagsimula na ang pagpasl*ng sa kanilang lugar. Hindi naman nila mawari kung ano’ng kasalanan ng mga nasas*wi sa mangkukulam.

Si Mang Domeng ay iniilagan ng mga kapitbahay dahil sa naiibang hitsura ng matanda. Mayroon itong napakahabang buhok at mahahabang kuko sa kamay. Kung tawagin nga ito ng mga bata sa kanila ay matandang ermitanyo. Malakas ang kutob nila na ito ang salot na mangkukulam. Wala pa silang sapat na ebidensiya kaya hindi pa sila nakakagawa ng hakbang para mapaalis ito.

Isang araw, ‘di sinasadyang mabunggo ni Mang Gaspar ang matandang lalaki.

“P-pasensiya na po,” tanging tugon ni Mang Gaspar.

“Tinitingan siya ng matanda nang makahulugan.

“Sa susunod ay tumingin ka nang mabuti sa iyong dinadaanan, hijo,” sagot ng matanda.

Kinagabihan ay nakaramdam ng panlalamig si Mang Gaspar at ‘di nagtagal ay inapoy na ng lagnat. Kinaumagahan ay nabalitaan na lang mga kapitbahay na wala nang buhay si Mang Gaspar at gaya nang inasahan nia, kagagawan iyon ng mangkukulam.

“Noong nakaraang araw ay si Igme ngayon naman ay si Gaspar? Nakakaalarma na ito!” nangangambang sabi ni Aling Baleng.

“Ano kaya ang atraso ni Mang Gaspar sa mangkukulam?” tanong ni Martha.

Mayamaya ay may lumapit sa mga kapitbahay na nag-uusap sa umpukan.

“Kilala ko kung sino ang pumasl*ng kay Mang Gaspar!”

Nang lingunin nila ang nagsalita ay laking gulat nila nang makita si Mang Mando. Ang isa sa kanilang matandang kapitbahay.

“S-sino, Mang Mando? Sino ang mangkukulam?” tanong ni Aling Baleng.

“Si Domeng ang mangkukulam! Nakita ko na nakabungguan ni Gaspar si Domeng at nagalit ang matandang iyon sa ginawa ni Gaspar kaya pinasl*ng niya ito sa pamamagitan ng kulam!” bunyag ng matanda.

“Sinasabi na nga ba, e. Si Mang Domeng ang pesteng mangkukulam sa ating lugar. Kailangang gumawa na tayo ng paraan bago pa siya makapambiktima pa ng inosenteng tao,” sabad ng kapitbahay nilang si Mang Hilario.

Sabay sabay nilang pinuntahan ang bahay ni Mang Domeng. Masuwerte silang naabutan doon ang matanda at kinuyog ito. Walang-awa nilang pinagbubugb*g si Mang Domeng, pinagsisipa at pinagsusuntok ang walang kalaban-laban na matanda. Tinantanan lamang nila ito nang makita nilang duguan na ang katawan ni Mang Domeng at ugmok na sa lupa.

Mayamaya ay dumating ang pinuno ng bayan ng San Miguel na si Kapitan Waldo.

“Anong ginawa niyo kay Mang Domeng?” galit nitong tanong.

“Kapitan, tama lang iyan sa kaniya, dahil mangkukulam ang matandang iyan!” sagot ni Martha.

“Nagkakamali kayo! Mabuting tao si Manang Domeng, hindi siya mangkukulam!”

“Pero Kapitan, hindi pa ba sapat ang pagkamat*y ni Igme, Mang Gaspar at ng iba pa nating kapitbahay na naging bitkima ng matandang iyan?” wika ni Mang Hilario.

“Sigurado kaming siya ang mangkukulam dahil saksi si Mang Mando sa naging engkentro nila ni Mang Gaspar bago ito bawian ng buhay,” sabi naman ni Aling Baleng.

“Totoo iyon, Kapitan. Nakita kong masama ang tingin ni Domeng kay Gaspar kaya alam kong siya ang walang awang kumulam sa kaniya,” sabad ni Mang Mando.

“Hindi siya ang mangkukulam na sinasabi ninyo. Kilala ko na kung sino ang totoong mangkukulam sa ating lugar at hindi iyon si Mang Domeng. Ang pesteng mangkukulam na kumik*til ng buhay sa ating mga kapitbahay ay walang iba kundi si Mang Mando!” bunyag ng Kapitan.

Hindi makapaniwala ang mga kapitbahay sa ibinunyag ni Kapitan Waldo.

“T-teka, bakit ako ang pinagbibintangan mo na mangkukulam? Ano’ng ebidensya mo?” gulat na tanong ni Mang Mando.

“Umamin na sa akin ang asawa mong si Biring. Sinabi niya sa akin na ikaw ang totoong mangkukulam sa lugar na ito. Hindi na kasi masikmura ng iyong asawa ang iyong ginagawa at nakukunsensiya na siya. Malaki ang galit mo kay Igme dahil napagsalitaan nito ang asawa mo ng hindi maganda noong lasing ito. Malaki rin ang galit mo kay Mang Gaspar dahil hindi pa rin siya nakakabayad ng utang sa iyo. Malaki rin ang galit mo sa iba pa nating kapitbahay na pinasl*ng mo sa pamamagitan ng kulam dahil hindi ka nila sinuportahan nang tumakbo ka bilang Kapitan sa ating lugar. Umamin din ang asawa mo na ako na ang isusunod mong biktimahin para mawala ako sa posisyon. Ipinagtapat rin ni Biring na ibinunton mo kay Mang Domeng ang sisi dahil malaki ang selos mo sa kaniya, dahil hanggang ngayon ay ‘di mo pa rin matanggap na siya ang unang minahal ng iyong asawa at hindi ikaw kaya siniraan mo siya sa mga tao para siya ang mapagbintangang mangkukulam. Napakasama mong tao, ginagamit mo pa ang karunungan mong itim sa pamiminsala at pagkit*l sa buhay ng mga inosenteng tao. Ikaw ang tunay na salot!” bunyag pa ng Kapitan.

Magtatangka pa sanang tumakas si Mang Mando ngunit nasukol na siya ng mga kapitbahay at pinagbubugbog. Dinampot rin siya ng mga kinauukalan para panagutin sa mga ginawa niyang kasalanan.

Labis naman na napahiya ang mga kapitbahay sa ginawa nila kay Mang Domeng. Maling tao pala ang kanilang hinusgahan. Ang inakala nilang mangkukulam ay isang mabuting tao. Agad na humingi ng tawad ang mga kapitbahay sa matanda at ipinagamot siya ng mga ito sa malapit na ospital. Dahil sadyang mabuti ang puso ng matanda ay napatawad na niya ang ginawa sa kaniya ng mga kapitbahay niya. Mula noon ay naging tahimik na ang bayan ng San Miguel. Wala na ang mangkukulam na namemerhuwisyo sa kanila.

Advertisement