Inday TrendingInday Trending
Naging Basagulero ang Binatang Ito Simula nang Pumanaw ang Ama, Hindi Niya Akalaing Magagamit Niya Ito sa Pag-asenso sa Buhay

Naging Basagulero ang Binatang Ito Simula nang Pumanaw ang Ama, Hindi Niya Akalaing Magagamit Niya Ito sa Pag-asenso sa Buhay

“Bakit ba palagi nalang basag-ulo ang hanap mo, Miko?” inis na turan ng kanyang ina matapos makita ang bagong pasa na naman niya sa mukha. “Sorry po, Ma,” hinging-paumanhin niya dito sabay mano. Pinagmasdan niya ang mama niya. Simula nang mawala ang papa nila ay lalong namayat ito at halata ang katandaan sa mukha. Tila dinibdib talaga nito ang pagkawala ng ama niya. Pareho sila ng nararamdaman. Tulad ng kanyang ina ay masyado niyang dinamdam ang pagkaulila niya sa papa niya kaya naman nahilig na siyang makipag-away. Wala siyang kapatid at tanging papa niya lang ang tinuturing niyang matalik na kaibigan. Kaya naman noong mawala ito ay hindi lang siya nawalan ng ama, kundi isang pinaka-pinagkakatiwalaang kaibigan. Nagalit siya sa mundo at hindi niya na rin namalayang napapabayaan niya na rin ang ina. Kinabukasan ay nagising siya sa malakas at matinding pag-ubo ng mama niya. Agad siyang bumangon at sinilip ito sa kabilang kwarto, “Ma, okay ka lang ba?” Hindi ito nakasagot at sa halip ay naging tuloy-tuloy pa ang pag-ubo. Doon na siya nataranta at saka tumawag ng tricycle. Dadalhin na niya sa ospital ang kanyang nanay. “Malala na ang pneumonia niya. Kailangan niya ng matinding gamutan para hindi na mas lumala.” Namroblema si Miko, estudyante palang siya at walang mapagkakakitaang sapat. Hanggang sa may naalala siya. Agad niyang pinuntahan ang bahay ni Mang Fred. “Mang Fred! Mang Fred!” sigaw niya habang kumakatok sa bahay nito. Agad siya nitong pinagbuksan ng pinto, “Tatanggapin ko na po yung inooffer niyo sakin.” Nagliwanag ang mukha nito, “Ano namang nakain mo at tinanggap mo ang offer ko?” Pinaliwanag niya dito ang nangyari. Agad naman siyang pina-advance nito ng pera. Malaking tulong iyon para sa hospital at medical bills ng mama niya. “Ready ka na ba sa training mo?” tanong ni Mang Fred sa kanyang isang linggo ang makalipas. Isang taekwondo trainer si Mang Fred. Naghahanap siya ng matapang na apprentice upang itrain at ipanlaban sa ibang atleta. Hindi niya naman ito binigo at ginalingan ang pag-eensayo. Hanggang sa ang unang pagkapanalo ay naging sunod-sunod na. Malaki agad ang kinita nila. Sa bawat pagkapanalo ay palagi siyang nabibigyan ng 40% ng premyo. Nakaipon na rin siya ng sapat na pera upang makapagpatayo ng maliit na tindahan. Natuwa naman ang ina niya dahil hindi na sa kalye nakikipag-away ang anak. Nag-aalala man kung minsan para sa anak, ay pinagdarasal niya itong palagi. Nagpapasalamat rin siya dahil nakikitaan na niya ng magandang kinabukasan ang anak. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement