Nagtataka ang Lalaki Kung Bakit Tinatawag Siyang “Dada” ng Nawawalang Bata sa Mall, Laking Gulat Niya nang Malamang Anak nga Niya Ito
Tatlong taong namalagi sa Amerika si Chard para hilumin ang pusong nasaktan. Natatandaan niya pa noong huling tungtong niya sa Pilipinas, halos mabaliw siya sa kakahanap sa nobyang lumayo sa kanya. Nakatakda na silang ikasal noon pero siniraan siya ng bestfriend nito, sinabi ng babae na mayroon daw silang relasyon kahit ang totoo ay wala naman talaga. Naniwala agad ang kanyang nobya at iniwan siya sa ere. Heto siya ngayon, muling nagbabalik sa Pilipinas para magsimula na ng bagong buhay. Aaminin niyang mahal niya pa rin ang nobya at masakit pa rin, pero wala na naman siyang magagawa. Dalawang araw pa lang siyang nakakauwi sa Manila nang maisipan niyang mag-mall. Napadaan siya sa bilihan ng laruan at saglit napatigil doon. Kung natuloy ang kasal namin ni Ciella, siguro ay may anak na kami ngayon. Kasabay niyon ay ang mapait niyang mga ngiti. Sa pagmumuni-muni ay bigla niya na lang naramdaman ang mga kalabit mula sa munting kamay. Napatungo siya at nakita ang isang chubby at cute na bata, siguro ay nasa dalawang taon at titig na titig sa kanya,nakangiti ito ng bahagya. Nakakatuwa dahil pareho silang may dimples. “Dada dada.” sabi nito sa kanya. Natawa naman siya at bahagyang yumuko, upang maging magkatapat ang mukha nila. “Nasan ang mommy mo baby? Ang daddy mo?” sabi niya rito. Napatitig siya sa munting hintuturo nito na itinutok sa kanya. “Dada.” sabi ulit nito. Napalingon si Chard sa paligid, pero walang tao roon. Binitbit niya ang bata at dumiretso sa customer service ng mall upang i-announce doon na may napulot siyang bata at kung ano ang suot nito. Hindi pa nakakalagpas ang sampung minuto isang babae ang humahangos na pumunta doon. “Miss, ako ang nanay! Nasaan ang bata?” ininterview muna ang babae at hiningian ng mga katunayan na ito nga ang ina tulad ng pictures, at ID. Maya maya pa ay pinapasok na ito sa opisina kung saan nandoon si Chard at bitbit ang bata, nakita agad nito ang nakatalikod na anak. “Diyos ko Baby Chad! Mababaliw ang mommy kahahanap sayo, bakit bigla kang nawala sa tabi ko. Anak naman eh!” naiiyak nitong sabi habang pahablot na niyakap ang anak, hindi napansin ang lalaking nanlaki ang mata nang makita siya. “C-Ciella?” sabi ni Chard. Nagpabalik-balik ang tingin niya rito at sa batang hawak nito. “Chard?!” di malaman ng babae ang gagawin kung tatalikod ba o tatakbo pero huli na dahil agad tumayo si Chard sa harapan nito. “Dada.” muling turo ng bata kay Chard. Nasa dalawang taon na ito… at tatlong taon siyang nasa Amerika, ibig sabihin.. “A-akin siya?” nanginginig na tanong ni Chard. Wala nang nagawa si Ciella kung hindi sabihin ang totoo. “Buntis pala ako noong umalis ka, sinabi sa akin ni Sharmaine ang totoo, na siniraan ka lang niya kasi siya ang may gusto sayo. Pinuntahan kita noon pero wala ka na sa inyo, hindi rin kita naabutan sa airport. Wala kang Facebook o kahit ano para ma-contact kita..” sabi ng babae. Totoo naman iyon, tinanggal niya ang Facebook at nagpalit siya ng number dahil gusto na niyang makalimot. “Pero bakit kilala niya ako?” mangha niyang tanong kay Ciella. “Pinapakita ko ang picture mo palagi..” mahina at nahihiyang wika nito. “Magkaaway lang pala ang mag asawa, tatay pala ng bata ang nakakita.” narinig nilang bulungan ng mga saleslady. Nahiya naman sila at umalis na sa lugar na iyon. Palihim na kinikilig at nakangiti si Chard, habang akay ang mag ina niya. Nagkasundo sila na pwede niyang dalawin si Baby Chad anytime niya gustuhin,ang totoo ay hindi lang ang anak ang gusto niyang makita kung hindi maging nanay nito. Hindi nagtagal ay muli nilang binalik ang relasyon, na ngayon ay mas matibay na ang pundasyon ng tiwala sa isa’t isa. Natuloy ang kanilang kasal at buntis na ngayon si Ciella sa ikalawa nilang anak. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.