Kahit Anong Pilit ay Ayaw Lapitan ng Mabait na Bata ang Lolo, May Iba na Pala Siyang Nakikita Dito
Anim na taon nang naninirahan sa Maynila ang mag asawang Gail at Yong, mayroon silang dalawang taong gulang na anak na lalaki, si Johan. Bibo ang bata at matanong, ayos lang naman iyon sa mag-asawa dahil ibig sabihin raw ay matalino ang anak at maraming gustong malaman tungkol sa mga bagay na bago sa kanyang paningin. Sabado ng madaling araw ngayon at nasa byahe sila papuntang Bacolod. Dadalawin nila ang lolo ni Gail, tumawag kasi ang tita niya na hinahanap sila ng matanda. Pupunta rin ang kanyang mga pinsan at kamag anak, magiging mini reunion ito ng kanyang pamilya para matuwa ang kanyang 86 years old na lolo. Tulad ng inaasahan ay masigla si Johan, bawat madaanan nilang hayop ay tinatanong kung ano iyon, baka, kalabaw, kambing. Napapangiti ang mag asawa dahil tiyak nilang matutuwa ang kanilang mga kamag anak sa bata, lalo na ang kanilang lolo. Matapos ang mahabang oras na byahe ay nakarating rin sila sa Bacolod, pero kabaligtaran sa inaasahan ay biglang natahimik si Johan at mahigpit ang kapit sa blouse ng kanyang ina. Ayaw niya ring magpababa, palagi lang siyang kinakarga. Dahil chubby at cute ang bata ay pinanggigilan ito ng mga pinsan ni Gail, at nang oras na para lapitan ang kanilang lolo, na noo’y nakahiga sa kama at hindi na makatayo dahil sa katandaan, nagulat silang lahat nang umayaw si Johan. “Anak, lolo yan. Bless ka,” napapahiyang sabi ni Yong sa anak. “Ayaw daddy,” at umiyak ang bata. Naalarma naman si Gail, mabait ang kanyang anak at kahit sa matandang magtataho pag sinabi nilang bless ay magbe-bless ito. “Baby okay lang ba ikaw? Bakit mo ayaw?” tanong ni Gail rito. Nakikinig naman ang iba nilang kamag anak. “Light mommy, silaw ako sa light ni lolo. Ayaw ko mommy.” umiiyak pa rin ang bata, inisip nalang nila na pagod ito sa byahe kaya pinabayaan nalang muna nila. Nakangiti lang naman ang matanda sa kama. Kinabukasan, nagising ang pamilya sa maingay na iyak ng kanilang tiya, wala na raw ang kanilang lolo. Pumanaw ito habang natutulog. Nagkatinginan sila dalawa, iyon kaya ang ibig sabihin ng anak nilang si Johan? Imposible. Nang maiayos ang burol, at kumalma na ang lahat ay naupo sila sa salas, habang nagluluksa ay nagkwentuhan sila tungkol sa alaala nila noong kabataan kasama ang kanilang lolo. Gulat silang lahat nang biglang magsalita ang batang si Johan. “Wala na. Wala na light, kuha na si Lolo ng light, bye lolo, love you! Bait ako lolo, bye light!” wika nito habang nakaharap sa kwarto ng matanda. Nanlaki naman ang mata ng pamilya, ngayon alam na nilang nakita ng bata ang sundo ng matanda kaya ayaw nitong lumapit. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.