Inday TrendingInday Trending
Mainit ang Ulo ng Mister nang Mawalan Sila ng Internet sa Bahay, Ngunit Kataka-takang Napakalaking Pagbabago ang Nagawa Nito sa Buhay Nila

Mainit ang Ulo ng Mister nang Mawalan Sila ng Internet sa Bahay, Ngunit Kataka-takang Napakalaking Pagbabago ang Nagawa Nito sa Buhay Nila

Anim na taon nang kasal si Jophet at Maila, biniyayaan sila ng tatlong anak. Sa bahay lang si Maila upang bantayan ang kanilang mga supling habang si Jophet naman ang bumubuhay sa pamilya sa pagiging isang manager. Lunes hanggang Biyernes ang pasok ni Jophet sa opisina, Sabado at Linggo naman ang kanyang pahinga. Kumakain sila isang Biyernes ng gabi, nasa hapag kainan sila noon habang nakaharap sa cellphone si Jophet. Nakakaramdam na siya ng inis dahil kanina niya pa paulit-ulit na pinapatay sindi ang WiFi ay hindi pa rin siya maka-connect sa internet. “Ma, ano ba to? Bakit walang internet?” tanong ni Jophet sa asawa. “Tatawag ako bukas, pag wala pa rin bukas ng umaga,” sabi naman ng kanyang misis. Tahimik na naiusal ni Jophet na sana ay mayroon na bukas, kung hindi ay mananatili siya dito sa bahay ng dalawang araw dahil rest day niya, na walang internet. Para siyang nasa bundok! Parang pinagtitripan nga siya ng tadhana dahil ganoon nga ang nangyari. Nagising siya kinabukasan na wala pa ring internet, hindi siya makapag Facebook, YouTube, at kahit ano pang games. Napilitan siyang ilapag ang cellphone at sumabay mag-almusal sa tatlong anak at sa kanyang misis. Nalaman niyang marunong na palang gumamit ng kutsara ang 2 taong gulang niyang bunso. Hindi pala nagke-ketchup ang panganay niya, at behave naman pala sa hapag kainan ang kanyang ikalawang anak. Ang misis naman niya, aminin man o hindi ay may kakaibang sigla habang kakwentuhan siyang kumakain. Kung dati ay tahimik at tunog ng pinggan lang ang maririnig sa hapag kainan, ngayon ay mga halakhak ang umuugong sa kusina. Pagkatapos kumain ay tinulungan niya ang misis magligpit. Ito ang naghugas at nilaro niya ang mga bata na kataka-takang yakap ng yakap sa kanya. Tila ba na-miss siya kahit pa kasama naman siya ng mga ito araw araw. “Papa thank you po,” sabi ng ikalawa niyang anak. Nagtaka naman si Jophet kung para saan ang pagsasalamat na iyon. “Kasi nagkaroon ka po ng time sa amin.” nakangiting sabi ng kanyang panganay. Napansin niya rin ang misis niya na nakangiting napalingon sa kanila. Na-realize ni Jophet na napakarami palang oras niya ang nauubos sa paggamit ng cellphone, at sa sandaling panahon na nawala ang internet ay kay rami niyang natuklasan tungkol sa kanyang pamilya. Mga bagay na hindi niya napapansin noon. Bumalik na ang kanilang WiFi connection pero di na iyon masyadong mahalaga kay Jophet, dinadampot niya nalang ang cellphone tuwing may kailangan sa opisina pero bukod doon, ang oras niya ay inilaan niya na lang sa kanyang pamilya. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. Ibahagi sa amin ang inyongnsagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement