Nagkaroon ng Panibagong Pag-asa sa Buhay ang Kumadrona nang Balikan Siya ng Sanggol na Tinulungan Niyang Mailabas sa Bus
Mahigit 40 taon nagsilbi bilang midwife o kumadrona si Aling Marife sa kanilang barangay. Noong mga panahong may kaya lamang sa buhay ang nanganganak sa ospital, siya ang takbuhan ng mga buntis. Ngayon ay may PhilHealth na at iba’t ibang programa ng gobyerno na tumutulong sa mahirap kaya nagiging madali na para sa kanila ang magpa-ospital. Ibig sabihin naman noon, mas humina ang kita ni Aling Marife. Bukod doon, may edad na siya kaya kahit malungkot ay wala na siyang magagawa kung hindi magpaalam sa propesyon. Hindi naman ganoon kalaki ang nakukuha niyang pera tuwing may pinapaanak siya pero ang kaligayahang makatulong na magsilang ng bagong buhay sa mundo, ang iyak ng bawat sanggol, ang nakakapagbigay ng ligaya sa kanya. Ligayang di matutumbasan ng pera. Umiiyak pa siya ng isara ang gate ng kanyang ‘lying in’ at ipaskil ang karatulang CLOSED. Pakiramdam niya ay nawalan na ng silbi ang buhay niya. Naglalakad na siya patungo sa sakayan ng tricycle, uuwi na siya sa kanyang anak sa Maynila. May isang magandang kotse ang kanina pa pala nakasunod sa kanya, nang makahanap ng tyempo ay bumaba ang may ari noon at kinausap siya. “Aling Marife?” tawag nito. Minsadan ni Marife ang babae,mahahalatang may kaya ito sa buhay hindi lang dahil sa pananamit kung hindi dahil sa kutis. “A-ako nga. Ano ho iyon?” inisip ni Marife na baka magtatanong lang ng direksyon pero nagtaka sya na alam nito ang pangalan niya. “Ako po si Georgia, anak ni Elsa.” pakilala nito. Pilit inalala ni Marife ang tinutukoy nito. Sa dami ng napaanak niya ay hindi na niya matandaan ang pangalan ng mga ito isa isa. “K-kayo po ang tumulong sa nanay ko na ilabas ako. 28 years old na po ako ngayon,” nakangiting sabi nito. Mangha naman si Marife. “Ako po iyong inilabas sa pampublikong bus, nagle-labor na daw po ang nanay ko at papunta nang ospital pero di na umabot at pumutok na ang panubigan niya, buti ay naroon kayo na isa palang midwife at tinulungan nyo ang mama. Alam nyo po ba kung hindi dahil sa tulong nyo ay baka wala na ako, sabi ni mama.” mahabang kwento nito. Naalala nya na! Ang batang babae na nakapulupot ang pusod sa leeg, kung hinintay pa nilang makarating sa ospital ay baka wala na ito. “Hindi kita malilimutan, first time ko noong magpaanak sa bus,” natatawang sabi niya. Natatawa na rin ang babae. Maya-maya ay muli itong nagsalita. “Alam nyo ho ba, dahil sa kadakilaan po ninyo ay kayo ang naging inspirasyon ko. Mula nang ikwento sa akin ni mama kung paano ako nabuhay ay naging pangarap ko na maging tulad nyo balang araw, kaya nag aral po ako ngayon at isa na akong OB gyne, doktor po ng mga buntis.” “Doktor ka?” manghang sabi ni Marife. Tumango naman ang babae.Di akalain ni Marife na para rin pala siyang ina, pakiramdam niya ngayon ay nakapagpalaki na siya ng isang doktor. Talagang binigyan siya ng nasa itaas ng dahilan upang hindi na malungkot sa kanyang buhay dahil alam niya na ngayon, na sa 45 years ng kanyang trabaho, malaking bagay ang kanyang nagawa. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. Ibahagi samin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.