Dahil Maganda ay Ubod ng Pintasera ang Babae, Hindi Niya Inakalang Sa Ganitong Paraan Siya Tatamaan ng Karma
Pitong buwan nang buntis si Marlene, ang asawa niya ay nasa abroad pero uuwi ito pagkapanganak niya. Mayroon siyang kasambahay upang umalalay sa kanya dahil nahihirapan na siyang kumilos sa bahay lalo at may kalakihan na ang kanyang tiyan. Kahit naman buntis na ay may mga napapalingon pa rin sa kanya, tisay kasi siya at maganda ang mukha. Sabi nga ng iba, bagay na bagay daw sila ng mister dahil gwapings naman ito at tisoy rin, kilig na kilig si Marlene tuwing naririnig iyon. Kapag araw ng Sabado, ugali na ng babae ang mamalengke, kahit pa may kasambahay naman ay mas gusto niyang maglakad lakad dahil mabuti raw iyon para hindi siya mamanas. Nasa gitna siya ng tindahan ng mga isda, nang isang ale ang mag alok sa kanya ng tilapia. “Ma’am bili na ho kayong tilapia,” sabi nito. Inirapan niya lang ito, sa isip isip niya, buntis naman siya kaya maiintindihan ng mga tao kung magsusungit siya. Naiinis kasi siya sa boses nito, at napapangitan rin siya sa mukha ng ale. “Mura lang po ma’am kuha na po,” sabi ulit nito. Dahil sa masikip ang daanan sa palengke, medyo nakaharap ang maliit na palanggana nito sa dadaanan ni Marlene. Bigla niyang sinipa ang palanggana nang walang dahilan, alam niya naman kasing di siya papalagan ng ale. “Ay!” nagulat na sabi nito. “Anong ay? Kausap ka ng kausap sakin ang panget mo naman!” sabi niya sabay talikod. Napapahiya naman ang kasambahay na sumunod na lang sa kanya. Sumenyas muna ito sa ale ng ‘sorry’ bago umalis. Mabilis lumipas ang dalawang buwan at narito na ngayon sa ospital si Marlene, pumutok na ang kanyang panubigan at anumang oras ay lalabas na ang kanyang anak. Pagsilang ng bata, excited ang mag asawa. Kay raming kaibigan at kamag anak nila ang naghihintay dahil tuyak nilang artistahin ang bata, gwapo at maganda ang magulang nito. Pero laking gulat nila nang masilayan ito, hindi katulad ng kanilang inaasahan. Maitim, sarat ang ilong at makapal ang labi. Mapagkakamalang hindi kay Marlene lumabas. “Ano’ng nangyari? Bakit? Paano?” halos di makapaniwalang sabi ni Marlene. Ang mister niya naman ay tulala lang, hindi malaman kung matutuwa o magdududa dahil parang nagtaksil ang asawa niya. Ang kasambahay naman ay napapailing nalang. Tiyak niyang ito ang karma ng kanyang amo sa ginawang pamimintas sa walang malay na tindera sa palengke. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.