Itinapon ng Mag-Asawa ang Kanilang Anak na may Kapansanan; Nagsisi Sila Nang Muli Nila Itong Nakita Makalipas ang Ilang Taon

Itinapon ng Mag-Asawa ang Kanilang Anak na may Kapansanan; Nagsisi Sila Nang Muli Nila Itong Nakita Makalipas ang Ilang Taon

FamilyStoriesSuccess

“Dito ka lang ha? Huwag kang aalis dito hanggang sa hindi ako bumabalik,” utos ng kaniyang ina kay Chinggay bago ito umalis.

“Opo ‘nay,” sagot ng batang babae sa ina. Pagkarinig ng sagot ng anak ay agad ding umalis ang babae at iniwan ang anak sa labas ng simbahan.

Kinakabahan man dahil ito ang unang beses na umalis siya ng kanilang bahay at iniwan ng ina na mag-isa ay nanatili pa rin siya at matiyagang naghintay sa ina. Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin dumarating ang nanay niya kaya naman nag-uumpisa nang mangamba si Chinggay na baka naman ay tuluyan na talaga siyang iniwan ng nanay niya. Tuluyang itinapon na kaya siya nito?

Nasa tatlong taong gulang si Chinggay ng mabulag ito dahil sa isang aksidente. Walang nakapansin sa kaniya na lumabas at nagtungo sa kalsada. Nasa gilid lang kasi ng kalsada ang bahay nila at maraming dumadaang mga sasakyan. Nabigla ang driver ng malaking truck nang makita ang maliit na batang si Chinggay pero huli na at hindi niya agad napigilan ang preno.

Naligtas ang buhay ni Chinggay dahil agad din itong nadala sa ospital ngunit hindi na tuluyang gumaling pa ang kaniyang mga mata. Dahil na rin sa kakulangan sa pera ay hindi siya maipagamot ng mga magulang.

“Bata, okay ka lang ba?” tanong ng isang babae kay Chinggay.

Nasa labas pa rin siya ng simbahan kung saan siya iniwan ng nanay niya. Tatlong araw na ang nakalipas at sa loob ng panahon na iyon ay hindi pa siya kumakain dahilan para mawalan siya ng malay na ikinagulat ng babae at ng kasama nitong lalaki.

“Dok, ano pong lagay niya?” nag-aalalang tanong ng babae sa doctor. Nasa ospital sila kung saan nila dinala ang batang nawalan ng malay pagkatapos niyang tanungin ito.

“Pagod at gutom lamang ang dahilan ng pagkahimatay niya. Bigyan niyo lamang siya nang sapat na pagkain at pagpahingain ng ilang araw at magiging maayos na ang lagay niya,” sagot sa kaniya ng doctor.

“Mabuti naman po. Sobrang nag-aalala talaga ako dahil tatlong araw na namin siyang napapansin ng asawa ko sa labas ng simbahan. Nakatulala lamang siya at para bang may hinihintay. Hindi ko na nakayanan dahil mukhang anumang oras ay babagsak na ang katawan niya kaya naman nilapitan ko na siya. Hindi nga ako nagkamali dahil ng oras na nilapitan ko siya ay nawalan rin siya agad ng malay,” paliwanag ng ginang sa doctor.

Araw-araw nga naman sila ng asawa niya nagpupunta sa simbahan upang magdasal. Mahigit anim na taon na rin kasi silang kasal ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng kahit isang anak.

Tatlong araw na rin nilang napapansin ang batang babae na naghihintay sa labas ng simbahan. Nakatulala lang ito at nangangayayat na. Para bang ano mang oras ay bibigay na ang katawan nito.

“Mabuti na nga lang at naroroon kayo nang mawalan siya ng malay at nadala niyo siya agad dito sa ospital kundi ay paniguradong nasa panganib ang buhay niya. Sigurado akong may rason kung bakit kayo ang nakahanap sa batang ito at hindi isang simpleng pagkakataon lamang,” nakangiting saad ng doctor.

Inalagaan ng mag-asawa si Chinggay at itinuring na sariling anak. Bagamat nagulat ng malaman ang kapansansanan ng bata ay hindi naman ito naging hadlang para mahalin nila ang batang babae. Mabilis na lumipas ang isang taon.

“Anak, gusto ka sana naming kausapin ng daddy mo,” saad ni Lorma, ang babaeng nagligtas sa buhay ni Chinggay at tumayong ina sa kaniya sa nakalipas na isang taon simula nang mawalan siya ng malay sa simbahan.

“Ano po iyon?” magalang na sagot ng batang babae.

“Alam mo naman na mag-iisang taon na rin nating hinahanap at nanay mong nang-iwan sa’yo sa simbahan hanggang ngayon ay hindi pa rin natin siya nahahanap at wala pa ring nakakakita sa kaniya na bumalik sa simbahang iniwanan niya sa’yo,” hinawakan ng ginang ang kamay ni Chinggay bago nagpatuloy sa kaniyang sasabihin, “Anak, alam mo namang mahal na mahal ka namin ng Daddy Arnold mo ‘di ba? Para sa amin ay ikaw na ang biyayang regalo sa amin ng Diyos na kaytagal naming hiningi sa kaniya.”

“Alam ko po, kaya nga po sobrang nagpapasalamat ako sa inyo ng daddy dahil kung hindi po dahil sa inyo ay baka matagal na akong nawala sa mundong ito. Mahal na mahal ko rin po kayo,”puno ng sinseridad na tugon ni Chinggay sa ina. Napangiti naman si Lorna sa narinig sa batang babae.

“Na-promote sa trabaho ang daddy mo at na re-assign sa Amerika. Gusto ka sana naming legal na ampunin at isama sa’min sa Amerika. Mas madali rin tayong makakahanap ng donor o makahanap ng paraan para maipagamot ang mga mata mo doon. Magsimula muli tayo doon anak,” nagulat si Lorna ng biglang may mga luhang naglaglagan sa mga mata ni Chinggay at niyakap siya nito.

“Maraming salamat po, mommy! Utang ko po sa inyo ng daddy ang buhay ko. Sobrang nagpapasalamat po ako at nakilala ko kayong dalawa. Sobrang swerte kop o dahil kahit na ganito ako ay minahal at itinuturing niyo pa rin akong anak. Pangako ko po sa inyo gagawin ko po ang best ko para maipagmalaki kayong dalawa. Hindi kop o kayo bibiguin,” umiiyak na pangako ni Chinggay kay Lorna habang mahigpit na nakayakap sa babaeng mas minahal pa siya kaysa sa kaniyang tunay na ina.

Nagpunta ng Amerika si Chinggay kasama ang kaniyang bagong pamilya at doon nanirahan. Gaya nga ng sabi ng Mommy Lorna niya ay nagsimula muli silang mag-anak at kinalimutan ang mga masasamang alaala sa Pilipinas.

Naging masaya si Chinggay sa bago niyang pamilya. Labis labis ang pagmamahal ng dalawa sa kaniya at talaga naming ibinigay sa kaniya ang lahat. Naging matagumpay din ang operasyon sa kaniyang mga mata at muling nakakita na si Chinggay.

“Congratulations anak! Ngayon ay natupad mo na rin sa wakas ang pangarap mong maging isang doctor!” masayang bati ng mommy Lorna niya sa kay Chinggay.

“Ngayon ay paniguradong mas marami pa ang iyong matutulungan. We’re very proud of you anak,” naluluhang saad naman ng daddy Arnold niya.

“Thank you very much po mommy, daddy. I couldn’t have done it without you. Kung hindi dahil po sa inyo ay hindi ko mararating kung nasaan ako ngayon. Utang ko po sa inyo ang buhay ko, at gaya ninyong dalawa ay gusto ko rin pong makatulong sa iba. Gusto ko rin pong magbigyang pag-asa sa ibang tao. Kayong dalawa po ang inspirasyon ko sa buhay. I’m very proud din po to be your daughter. Mahal na mahal kop o kayong dalawa,” nakangiting pahayag ni Chinggay sa mga magulang na nagpaluha sa dalawa at niyakap siya ng mahigpit.

“Mahal na mahal ka rin namin anak,” puno ng emosyon na sagot ng mag-asawa sa anak nilang si Chinggay.

Tatlong taon na ang nakalipas mula ng maging isang ganap na doctor si Chinggay ay naisipan niyang umuwi ng Pilipinas para doon magtrabaho. Hindi niya na rin sinubukan pang hanappin ulit ang tunay niyang pamilya. Wala na rin siyang makitang rason para gawin iyon, malinaw na sa kaniya na itinapon siya ng mga ito dahil sa kapansanan niya. Bata pa siya noon pero naaalala niyang sobrang hirap ng buhay nila at marami silang magkakapatid, para sa kaniyang pamilya ay isa lamang siyang pabigat.

“Dok, kumusta po ang lagay ng anak ko?” nag-aalalang tanong ng isang babae sa kaniya.

“Huwag kang mag-alala, ligtas na ang anak mo. Mabuti na lamang at nadala mo siya agad dito. Pagkagising niya ay makakauwi na rin siya agad, “ paliwanag niya sa ginang.

“Naku, maraming salamat po dok,” pasasalamat sa kaniya ng ginang na sinuklian niya naman ng isang ngiti.

Nagpatayo si Chinggay ng isang maliit na clinic para sa mahihirap kung saan ay libre lamang ang check-up. Ito ang kaniyang pangarap, ang makatulong ng libre sa kapwa at ngayon ay natupad niya na ito.

“Ah dok, pwede po pa akong magtanong sa inyo? Kung okay lang,” nag-aalinlangang taong ng babae kay Chinggay.

“Sure, ano iyon?” sagot niya rito.

“Napansin ko po kasi yung kwintas niyo, pwede ko po bang matanong kung saan po galing ang kwintas niyo?” tukoy nito sa kwintas niya.

“Ah ito ba? Bigay ito sa akin ng ina ko noong bata pa ako. Hindi ko maalala ang mukha ng nanay ko dahil nabulag ako noong bata pa ako dahil sa isang aksidente kaya naman wala akong maalala hanggang sa tuluyan na kaming nagkahiwalay,” sagot niya sa babae.

Hindi alam ni Chinggay kung paano niya na kwento na para bang wala lang ang masakit niyang nakaraan sa estrangherong ito. Nakakapagtakang magaan din ang loob niya sa babae at sa anak nito.

“Chi-chinggay?” nagulat si Chinggay ng marinig ang palayaw niya sa babae. Pero mas nagulat siya ng makita ang malalaking luhang naglaglagan sa mga mata nito.

Napag-alaman ni Chinggay na ang babaeng iyon pala ay ang nakatatanda niyang kapatid na si Clarissa. Gaya ng inakala niya ay plinano talaga ng mga magulang niya na iwanan siya sa simbahan na iyon para abandunahin, pero makalipas lamang ng ilang araw ay hindi nakayanan ng nanay niya at binalikan siya pero wala na siya roon.

Bumagsak ang katawan ng nanay niya sa pag-aakalang may masamang nangyari sa kaniya at makalipas lamang ng ilang buwan ay binawian ng buhay. Hindi nakayaan ng konsyensya nito ang ginawa sa sariling anak.

Nasaktan man sa nalaman ay pinili na lamang ni Chinggay na magpatawad. Binisita niya ang puntod ng kaniyang tunay na ina. Ibinuhos niya ang lahat ng hinanakit dito at nagpasalamat na rin siya dito dahil ito pa rin ang nagbigay buhay sa kaniya sa mundong ito.

Noong araw na iyon ay umuwi si Chinggay ng may ngiti sa labi dahil sa wakas ay nahanap niya na rin ang kapatawaran sa puso niyang napuno ng sugat ng kaniyang nakaraan.

More Stories