Nanggigil ang Kustomer nang Makitang Pumutok ang Nguso nito Matapos Niyang Suntukin; Ngunit Bakit ito ang Nasa Loob Ngayon ng Selda
Nanginginig ang mga kamay ni Sheena habang mariin iyong nakatikom. Kung susundin niya ang sinasabi ng kaniyang damdamin sa mga oras na iyon ay baka kanina pa niya binigyan ng malakas na suntok sa mukha ng babaeng hanggang ngayoon ay ayaw paawat sa pagngawa at panay ang singhal sa mga opisyal ng barangay na nag-aayos sa kanila.
“Teka lang, miss!” galit na singhal ni Inspektor Alvarez, ang pulis na siyang nasa gitna upang maging maayos ang simple nilang problema.
Hindi na kasi kaya ng punong barangay ang bunganga ng babae kaya humingi na ito ng tulong sa mga pulis na naroon lamang sa malapit.
“Sumosobra ka na yata sa kakasinghal sa’kin!” gigil na wika ni Inspektor Alvarez. “Kinakausap ko nga kayo ng maayos para maayos anng problemang ito, ngunit wala ka yatang balak na maayos ito. Ano bang gusto mo?!” hamon pa nito sa babae.
Kustomer nila ang babae, kung tutuusin ay suki nila ito, ngunit ngayon lamang nangyaring nag-amok ito at nagwawala sa dahilang hindi nila alam na dahillan. Pagdating pa lamang nito sa kanilang tindahan kanina’y napansin na niyang masama na ang timplada nito, dahila kaya hindi niya ito masyadong kinausap, hindi gaya nang nakasanayan na sobrang chika sa tuwing naroroon ito sa tindahan nila.
Habang namimili ito ng frames para sa ipapagawa nitong salamin ay bigla na lamang umasim lalo ang mukha nito matapos basahin ang natanggap na mensahe mula sa hawak nitong selpon. Umupo ito sa bakanteng upuan at ilang oras ang nakalipas ay bigla na lamang itong nag-amok at galit na galit na humarap sa kaniya habang nanghahamon ng suntukan na para bang may nagawa siya ritong kasalanan.
Hinayaan lang niya ito at pilit na inunawa, ngunit hindi na niya napigilan ang sarili nang sapakin siya nito. Doon na niya hindi napigilan ang sarili, sinapak niya rin ito dahilan kaya dumudugo ngayon ang ilong nito. At ang mas masaklap, ito na nga ang naunang manakit, ito pa ang may lakas ng loob na isumbong siya sa pinakamalapit na barangay.
“Hindi mo ba nakikita ang pagputok ng mukha ko!? Alangan naman kumalma ako!” galit na singhal ng babae. “Wala kang ibang gagawin kung ‘di ang tanungin ako ng tanungin!? Hindi ba halata kung bakit ako naririto? Gusto kong magbayad ang babaeng iyan sa ginawa niyang pagsuntok sa’kin!”
Salubong ang kilay na tinitigann niya ang babae saka nagsalita upang ipaliwanag ang sarili. “Hoy! Miss, hindi kita susuntukin at hindi puputok ang nguso’t ilong mo kung hindi mo ako sinapak! Sino ka ba at anong karapatan mong manakit ng kapwa mo? Ginantihan lang kita, shunga!” inis niyang wika.
“At talagang wala kayong balak na tumigil?” mahina ngunit may riing tanong ni Inspektor Alvarez sa kanilang dalawa.
“Ayaw ko naman po talaga ng gulo, sir,” ani Sheena. “Maayos ko naman siyang pinakiharapan kanina, kaya nagulat na lang ako’t bigla na lang siyang umakto ng ganyan. Alangan naman hindi ko depensahan ang sarili ko, sir? Tindera po ako, at palaging itinatanim sa utak namin na customer’s always right, pero kung sobra na po ang pambabastos at nananakit pa ang kustomer, siguro naman, sir ay pwede mo nang baliin ang kasabihang iyon, at iyon lang po ang ginawa ko, napalakas lang kaya pumutok ang nguso niya,” mahabang paliwanag ni Sheena.
Marahang tumango ang inspektor tanda ng pag-unawa. Kita naman sa mukha nitong na stress na rin ito sa babae, at gaya niya’y napuno rin ito sa kabastusan nito. Sadyang mahaba lang siguro ang pasensya nito, kaysa sa kaniya.
Ngunit mukhang hindi pa rin talaga nauubos ang galit ng babae sa mundo dahil ngumangawa pa rin ito at panay ang duro sa kaniya. Isang mabigat na desisyon ang nabuo sa isip ni Inspektor Alvarez at ng mga opisyal ng barangay, at iyon ay ang pansamantalang ikulong ang babae. Makakalabas lamang ito kapagmalamig na ang ulo nito at kapag naalala na nito kung paano ang humingi ng pasensya sa ginawang pangbabastos at pang-iiskandalo.
Ginawa nila iyon upang bigyan ng leksyon ang babae, pansamantala lang naman iyon at wala namang balak si Sheena na palakihin ang nangyari. Hindi na niya nagawang malaman kung ano ba talaga ang dahilan at bakit mainit ang ulo nito. Ngunit sana naman… kung magyaring hindi maganda ang gising mo sa araw na iyon at galit ka sa mundo, huwag na sanang mandamay ng iba.
May kaniya-kaniya tayong problemang kinakaharap, nasa atin na lang kung paano natin iyon dadalhin.