Inday TrendingInday Trending
Nakursunadahan ng Dalaga ang Guwapong Seminarista, Pinagplanuhan Niya na Mapasakanya Ito

Nakursunadahan ng Dalaga ang Guwapong Seminarista, Pinagplanuhan Niya na Mapasakanya Ito

Bagong salta si Criselda sa boarding house ni Manang Gloria. Puro mga babae lang ang umuupa sa matandang babae dahil ayaw nito sa mga boarders na lalaki. Nadala na kasi ito nang may mga umupang magbabakardang lalaki at nagdala ng mga babae nang magkainuman ang mga ito.

Ang nangyari ay nabuntis ang dalawang menor de edad na babae ng dalawa sa boarders niyang lalaki at naeskandalo ang boarding house niya, kaya isinumpa nito na mga babae lang ang puwedeng umupa sa kanya. Isa nga sa mga bago niyang boarder ay si Criselda.

“Manang Gloria! Sira na naman po ang gripo sa kuwarto namin,” sigaw ng dalaga.

“Hayaan mo at magpapatawag ako ng mag-aayos, hija,” anito.

Nang may makisali sa usapan ng dalawa.

“Gusto niyo ako na ang mag-ayos?”

Napalingon si Manang Gloria sa kanyang likuran at nagulat kung kanino nanggaling ang boses.

“Alvin, apo!” masayang wika ng matanda.

Dumating ang kaisa-isang apo ni Manang Gloria na si Alvin. Guwapo, matangos ang ilong, may magandang mga mata, matangkad at makisig ang pangangatawan nito ngunit hindi na available ang binata.

“Kailan ka lumabas ng seminaryo?” tanong ng matanda.

“Kaninang umaga lang, Lola. Mayroon kaming isang linggong bakasyon kaya naisip kong dito tumuloy.”

Hindi nakaligtas sa paningin ni Criselda ang kagandahang lalaki ng apo ni Manang Gloria. Agad siyang nabighani ng binata.

“Mayroon pala kayong guwapong apo, Manang! Ipakilala niyo naman ako,” malanding sabi ng dalaga.

“Si Alvin nga pala, ang kaisa-isa kong apo. Apo, si Criselada isa sa mga boarders ko dito.”

Iniabot ng dalaga ang kamay sa binata. Agad naman iyong pinaunlakan ni Alvin.

“Kumusta ka, Criselda?” masayang bati nito.

“Hoy, hija, hindi na puwede ‘to, dahil magpapari na ang apo ko,” sabad ni Manang Gloria.

“Ows, sayang naman kung magpapari lang ang guwapong tulad mo,” aniya.

“Hay naku, tama na muna iyan. Halika na apo at ipagluluto kita ng paborito mong ulam.”

Habol tingin pa rin ni Criselda ang kabuuan ni Alvin. ‘Di sinasadyang napadako ang kanyang mga mata sa harapan ng binata. Bigla siyang napalunok sa nakita.

“P-parang ang laki, hihi!” natatawang wika niya sa sarili.

Nang sumunod na araw ay naabutan niya itong galing sa paglalaro ng basketbol. Gumana na naman ang kanyang imahinasyon nang makita ang magadang hubog ng katawan nito dahil sa pawisan nitong damit.

Mas lalong naglulundag ang kanyang puso nang simulang hubarin ng binata ang suot na sando at tumambad sa kanyang harapan ang pawisan nitong katawan na batak na batak sa muscles. Halos tumulo ang laway ng dalaga sa kakisigang taglay ng apo ni Manang Gloria. Ang akala niya ay siya lang ang nagpapasasa sa magandang tanawing iyon, titig na titig rin pala ang mga kasama niyang boarders sa kaguwapuhan ni Alvin.

Maya-maya ay nagulat siya nang tawagin siya nito.

“Criselda!”

Halos mabitawan niya ang pinamiling hawak sa lalaking-lalaking boses na tumawag sa pangalan niya.

“Criselda, ‘di ba? Ikaw iyong ipinakilala sa akin ni Lola”

“Ha, e ako nga. Bakit?” sa naglalanding tinig.

“Naalala ko lang ang sinabi ni Lola kahapon na sirang gripo. Ano, naayos na ba?” anito.

“Hindi nga e. Hindi tuloy namin magamit sa loob.”

“Aba, kung hindi mo naitatanong ay marunong akong gumawa ng sirang gripo.”

Lihim na natuwa si Criselda. Mukhang magkakaroon siya ng pagkakataong masolo ang binata.

“Ganoon ba? Sige, baka puwede mo namang tignan mamaya kapag wala ka ng ginagawa.”

“Okay, ako ang bahala. Aayusin ko!”

Kinahapunan ay pumunta nga si Alvin sa kuwarto ng mga babaeng boarders para ayusin ang sirang gripo.

Kumatok ito sa pinto at mabilis naman iyong binuksan ni Criselda. Tumambad sa dalaga ang hapit na hapit na damit ng binata mula sa itaas paibaba. Napalunok na naman siya ng ilang beses sa kakisigan ni Alvin. Bito na lang at wala pang ibang tao sa kuwarto kundi ay pinagkaguluhan na ang guwapong apo ni Manang Gloria.

“Hi, nasaan ang sirang gripo?” tanong nito.

Sinamahan siya ng dalaga papasok sa banyo nang biglang nadulas si Criselda sa basang tiles. Hahawakan sana siya ng binata ngunit nahila niya ang braso nito at pareho silang natumba.

Ang hindi nila alam ay nasa labas ng kuwarto ang mga magulang ni Criselda. Araw ng pagdalaw ng mga ito sa anak. Pagpasok ng nanay at tatay ng dalaga sa kuwarto ay nagtaka ang dalawa kung bakit wala ang anak sa loob, samantalang kaka-text lang nito na maghihintay sa kuwarto. ‘Di sinasadyang nakarinig ng ingay sa banyo ang mga magulang at nang puntahan iyon ay laking gulat ng mga ito nang maaktuhang nakapatong si Alvin sa katawan ni Criselda.

“Ayy, susmaryosep!’ sigaw ng ina ng dalaga.

“Anong ibig sabihin nito, Criselda?” galit na sigaw naman ng ama.

“Tay! A-ano kasi, e.. nadulas ako sa banyo tapos sabay kaming napasalampak sa lapag. Hindi kami pareho makatayo kaya…”

“Kaya nakapatong ang lalaking ito sa iyo?! Hoy lalaki, kailangan mong panagutan ang anak ko!”

“Ho, wala pong nangyari sa amin!” paliwanag ng binata.

“Tay naman e!” maktol ng dalaga.

Narinig ni Manang Gloria ang malakas na boses sa kuwarto kaya nakisali na rin ang matanda.

“Ano po bang nangyayari dito?”

“Ang magaling na lakaking iyan, ginalaw ang anak ko!”

Halos himatayin si Mang Gloria sa sinabi ng ama ni Criselda.

“Hindi maaari dahil magpapari ang apo ko!” anas ng matanda.

Dahil sa matinding galit ay bumunot ng baril ang lalaki na ikinagulat ng lahat. Isa palang police general ang ama ni Criselda kaya ganoon na lang ito kahigpit pagdating sa anak at ayaw itong madehado.

“Ano, pakakasalan mo ba ang anak ko o maglalakad kang may bulak sa llong?”

Napakamot na lang sa ulo ang kawawang binata. Sa ayaw at sa gusto niya ay wala siyang magagawa kundi pakasalan ang anak nito.

Hindi na rin tumutol si Manang Gloria dahil sa maimpluwensiya ang pamilya ng dalaga ay naisip nitong baka siraan ng mag-asawa ang kanyang boarding house. Ayaw nito ng eskandalo dahil ang boarding house lang ang tangi nitong pinagkakakitaan.

Sa mga nangyari ay lihim na nagdiriwang si Criselda dahil nagtagumpay siya sa kanyang plano. Plinano niya talaga na madulas sa banyo at ang pagdating ng mga magulang para mapasakanya ang lalaking unang nagpatibok sa kanyang puso. Si Alvin, ang guwapong seminarista at kaisa-isang apo ni Manang Gloria.

Sino ba naman kasi ang hindi gagawa ng paraan para magka-love life kung parang isinumpa ang iyong mukha. Ginamit lang ni Criselda ang kanyang utak para magkaroon ng asawa. Kahit sa ganoong paraan ay natupad ang pangarap ng isang pangit na gaya niya.

Natutunan naman siyang mahalin ni Alvin dahil sa kabaitan niyang taglay kaya walang pinagsisihan ang binata nang pakasalan siya nito dahil nahanap nito sa kanya ang tunay at wagas na pagibig.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement