Pinanganak ang Lalaking Ito na Walang Tenga, Ngunit sa Kanyang Paglaki ay May Mas Malungkot Siyang Nalaman
Ang mag-asawang si Randy at Milagrosa ay matagal nang nananalanging magkaroon ng anak.
Sa tatlong taon nilang pagiging mag-asawa ay tila medyo hirap silang makabuo ng bata.
Kaya naman nang mabuo ang kanilang loob ay nagpasya silang magpakonsulta na sa doktor.
“Mas okey siguro hon kung dumeretso na tayo sa doktor ano?” sambit ni Milagrosa.
“Sige hon, kung anong sa tingin mo ang makakabuti sa atin, go na ako,” sagot naman ng asawa nito.
At tama nga ang naging desisyon ng dalawa. Dahil makalipas lamang ang ilang buwan ay dumating ang araw na hindi na dinadatnan ng buwanang dalaw ang misis.
Naiiyak nitong ibinalita sa asawa ang kanyang kalagayan kaya naman bumisita muli sila sa kanilang doktor.
“Oh basta don’t forget ang mga bilin ko. Always take lahat ng vitamins prescribed. And make sure you have enough rest. Pag may naramdamang kakaiba, just text me, okay?” bilin ng kanilang mabait na doktor.
Naging maayos ang pagbubuntis ni Milagrosa. Hindi siya masyadong nagkakaroon ng morning sickness pero talagang parati siyang gutom.
Mas naging malambing rin siya sa kanyang asawa kaya naman inaasar ito ng mister, “Sigurado ako, kamukha ko yan,” anito.
“At bakit naman, aber?” nakangiting sagot ng misis.
“Eh tignan mo naman ang dikit mo sa ‘kin o, talagang mahal na mahal mo ata ako. Yiee,” pang aasar nito.
“Che! Ewan ko sayo, korni mo!” natatawang sagot ng misis.
Ilang buwan pa ang nakalipas at paparating na ang araw kung kailan maipapanganak na si Jan Michael. Napakasaya ng mag-asawa dahil kasama sa kanilang dasal na sana’y lalaki ang kanilang maging panganay.
Mabuti ang Diyos sa kanila dahil napakinggan ang kanilang hiling.
“Pwede ko na po bang makita ang anak ko?” tanong ni Milagrosa sa mga doktor sa delivery area.
Kitang-kita ang pananabik sa mga mata ng isang ina. Ngunit hindi rin nagtagal ang ngiti sa kanilang mga mukha ng makita ang sanggol.
Tila hindi ata nakita sa mga ultrasound ang tunay na kalagayan nito.
Ang sanggol na matagal na nilang pinagdadasal ay lumabas na walang tenga.
Sa paglipas ng mga taon ay napatunayan namang walang problema sa pamdinig ng batang ito.
Lumaking masiyahing bata si Jan Michael, hanggang dumating ang isang araw na naging napakasakit para sa kanyang ina.
Umiiyak na pumasok ng bahay ang bata at dumeretso sa yakap ng kanyang ina.
“Tinawag nila akong abormal, ma. Alien daw ako,” umiiyak na sambit nito.
Hindi makasagot si Milagrosa at niyakap lamang na mahigpit ang kanyang anak.
Unti-unti mang natatanggap ng pamilya ang sitwasyon ng kanilang anak ay hindi pa rin maitatago ang lungkot sa mata ng bata.
Isang araw, habang sila’y nasa ospital para sa check-up ni Jan Michael, tinanong ni Randy ang kanyang doktor, “May pwede pa ho ba tayong magawa, dok?”
“Naaawa na ho talaga ako sa anak ko. Matalino, napakatalented pagdating sa musika, pero parang hindi na magiging normal ang buhay niya dahil sa kung paano siya tignan ng ibang bata,” naiiyak na sambit ng misis.
“Actually, there is still something that we can do. Ang kaso, we need a willing donor,” sagot naman ng doktor.
Dalawang taon ang lumipas at natapos rin ang matyagang paghahanap.
Kinausap ni Randy ang kanyang anak, “’Nak, magbihis ka kasi pupunta tayo sa ospital. Meron nang magdodonate ng tenga para sa’yo, pero secret lang namin kung sino,” nakangiting sabi niya.
Ang kanyang operasyon ay naging matagumpay.
Naging mas masigla si Jan Michael sa kanyang paaralan. Nawala ang pagiging mahiyain nito at naging kilala pa siya bilang isang napakatalinong mag-aaral.
Siya’y nakatapos sa kursong Engineering at di naglaon ay nakapagpakasal pa siya sa isang napakaganda at napakabait na babae.
Bagay na bagay sila dahil itong si Jan Michael ay napakakisig at napakaguwapo rin namang lalaki.
“Sige na pa, please naman. Kailangan kong malaman, gusto ko lang mag pasalamat,” pag pupumilit pa rin niya sa kanyang ama ukol sa butihing nilalang na nagdonate ng tenga sa kaniya.
“Ang usapang e usapan Jan Michael, hindi mo pa maaaring malaman. Hindi pa sa ngayon,” nakangiting sagot ng ama.
Nanatiling sikreto ang pagkatao ng mabait na donor ng lalaki sa mga lumipas pang taon.
Dumating ang araw na pinakamasakit para sa isang asawa at isang anak. Kailangan niyang kayanin ang pagkawala ng babaeng unang nagmahal ng buo sa kanya, noong mga panahong hindi pa kumpleto ang kanyang tenga – ang pagyao ng kanyang ina.
Si Randy at Jan Michael ay magkatabing nakatayo sa harap ng libingan ng kanilang mahal na Milagrosa. Inakbayan ng tatay ang kanyang anak habang ito’y tahimik na humahagulgol.
Dahan-dahang inalis ni Randy ang buhok na nakaharang sa tenga ni Milagrosa. Nagulat si Jan Michael sa kanyang nakita – walang tenga ang nanay nito.
“Masaya ang mama mo kasi hindi na daw siya magpapagupit simula noon. Mas lalo pa nga siyang gumanda, hindi ba?” nakangiting sabi ni Randy sa kanyang anak.
Hindi maka-imik ang binata sa nalaman niya.
Ang kanyang tahimik na pag-iyak ay lumakas at siya’y napaluhod na lamang.
Ngunit ang mga iyak niya’y hindi iyak ng paghihinagpis. Ito’y pagluha ng dahil sa pagmamahal ng kanyang inang ramdam na ramdam niya hanggang sa pagkakataong iyon.
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.