Pilit na Pinag-TNT ng Ina ang Anak sa Ibang Bansa; Sa Pag-Uwi Nito ay Hindi Niya Inaasahan ang Matutunghayan

“‘Nay, natatakot po ako sa plano niyo ni Tiyang. Paano kapag nahuli ako? Baka hindi na ako makauwi dito,” nangangambang sambit ni Letty sa kaniyang inang si Mameng.

“Tigilan mo nga ang kaduwagan mo, Letty! Anong gusto mo habang buhay ka na lang na magtinda sa pelengke. Ito na nga, o! May paraan na para umasenso ang buhay natin tapos tatanggihan mo pa,” wika naman ni Aling Mameng.

“Natatakot lang po ako na mag-TNT ‘nay. Hindi po ba kayo natatakot sa buhay ko? Ilegla po ang gagawin ko. Paano kung mahuli ako? Sa kulungan po ang bagsak ko!” saad pa ng dalaga.

“Kaya ‘wag kang magpapahuli. Basta, tapos na ang usapan na ito. Aalis ka at sasama ka sa mga papaalisin ng tiyahin mo. Pagkakataon na nating magkapera, Letty. H’wag kang makasarili. ‘Wag sarili mo lang ang iisipin  mo!” giit pa ng ina. 

Panganay sa tatlong magkakapatid si Letty. Dahil sa hirap ng buihay ay hindi na siya nakapagtapos pa kahit ng hayskul at tumulong na kaagad sa kaniyang ina sa pagtaguyod ng pamilya. Matagal na kasing hiwalay ang kaniyang mga magulang. Natatandaan niya na madalas mag-away noon ang kaniyang nanay at tatay dahil sa pera.

Ngayon nga ay ipinagtutulakan si Letty ng kaniyang ina na magtrabaho sa ibang bansa. Payag naman ang dalaga sa gusto ng ina ngunit hindi kasi legal ang pagpasok niya sa bansa at doon siya lubusang kinakabahan. Lalo pa at hindi niya alam ang kaniyang dadatnan doon.

Ngunit buo na ang pasya ng kaniyang ina sa kaniyang pag-alis. Kung magtatrabaho nga naman ang anak sa ibang bansa ay tiyak na mas mabilis na uunlad ang kanilang buhay dahil mas mataas ang kita doon.

Makalipas ng isang dalawang linggo ay tuluyang lumipad si Letty patungong Hong Kong at nagtrabaho doon bilang isang tindera sa tindahan ng mga produkto na pang Pilipino. 

Advertisement

Hinding hindi matapos-tapos ang kaba ni Letty sa tuwing may banyaga siyang nakakaharap. Baka mamaya kasi ay may makapagturo sa kaniya dahilan para siya ay makasuhan at mapatapon pabalik ng bansa.

“‘Nay, gusto ko na pong umuwi. Ayoko na po rito,” pakiusap ng dalaga sa kaniyang ina. 

“Ayan ka na naman, Letty. Ayusin mo kasi ang sarili mo at h’wag kang magpahalata para hindi ka hanapan ng ID. Tapangan mo lang. Ano mangyayari sa iyo? Kapag ikaw ay umuwi dito ay puro utang ang dadatnan mo! Ganon ba ang gusto mo?” saad ngi Aling Mameng. 

“Bahala ka, Letty, sige, isipin mo na lang ang sarili mo at h’wag kaming pamilya mo. Hayaan mo na lang na masawi tayong lahat sa gutom dahil d’yan sa npagiging makasarili mo!” giit pa ng ina.

Dahil sa sinabi ni Aling Mameng ay wala nang nagawa pa ang dalaga kung hindi lakasan ang kaniyang loob. Ayaw niya kasi na maging sanhi pa siya ng isa pang problema.

Dumating ang mga araw at tila natutunan na ng dalaga ang mamuhay ng nagtatago sa mga awtoridad. Nagagawa na rin niyang magpadala sa kaniyang pamilya sa Pilipinas ng kanilang mga pangangailangan. 

“‘Nay, kaunting ipon pa po ay uuwi na po ako riyan. Mahirap po talaga ang buhay dito ng wala kang kaukulang papeles. Sabagay, nabayaran ko na rin naman po ang mga utang natin. Baka p’wede na po akong makauwi,” pakiusap niya muli sa ina. 

“Letty, ngayon pa nga lang tayo nakakabangon. Ngayon pa lang nararanasan ng mga kapatid mo ang hindi mamroblema sa makakakain. Ako, buong buhay ko ay wala akong ginawa kung hindi magtrabaho para lamang may maipang taguyod sa inyo. H’wag mo namang gawin ito ngayon, Letty,” mariing sambit ng ina. 

Advertisement

“Naisip ko lang naman po dahil kahit na natutunan ko ng umiwas dito at hindi mahalata ay hindi pa rin po ako ligtas sa mga awtoridad,” wika ni Letty sa ina.

“O siya, saka na lang natin pag-usapan ‘yan kapag tunay na mahigpit na talaga d’yan. Sikapin mo munang makapag-ipon lalo para pag-uwi mo dito ay hindi ka naman kahiya-hiya. H’wag mo palang kalimutan ang mga padala mo,” sambit muli ni Aling Mameng. 

Nasaktan si Letty sa sinabi ng kaniyang ina na tila walang pakialam sa kaniya. Ni hindi man lamang nito iniisip ang kaligtasan ng dalaga.

Isang araw ay hindi inaasahan ni Letty ang pagdating ng mga awtoridad. Sa pagkakataong ito ay hindi na siya nakatakbo pa at tuluyang nahuli.

Ang masakit pa dito ay may kapwa Pilipino na naiinggit sa kaniya na lalo siyang diniin sa iba pang kasalanan. 

Takot na takot si Letty sa p’wedeng mangyari sa kaniya. Kaya nang makakita ng pagkakataon ay pilit siyang tumakas at tinakbuhan ang mga awtoridad.

Dahil sa kaniyang ginawa ay hinabol siya ng mga ito at itinuring na banta sa kaligtasan ng marami. Sa pagkakataong iyon ay iniisip niya ang kaniyang pamilya. 

“Hindi ako p’wedeng mahuli. Hindi ako p’wedeng magdala ng kahihiyan sa pamilya namin!” sambit niya sa sarili.

Advertisement

Kaya pilit siyang lumaban. Hanggang sa kinailangan na siyang b@rilin ng isang pulis.

Dinala man sa ospital si Letty ay hindi na siya umabot. Hanggang sa huli ay ang kaniyang pamilya pa rin ang kaniyang iniisip.

Samantala, halos mapaluhod si Aling Mameng nang mabalitaan niya ang nangyari sa kaniyang panganay na anak. Nangangatog siya habang unti-unting lumalapit sa kahon na naglalaman ng katawan ng anak.

“Patawarin mo ako, anak. Ako ang may kasalanan sa sinapit mong ito. Hindi ko dapat ginawa ang bagay na iyon,” sambit ng ina sa wala ng buhay na anak.

Hindi akalain ni Aling Mameng na ang balikbayan box na kaniyang hinihintay ay laman pala ang katawan ng wala nang buhay na anak. Sising-sisi siya sa lahat ng kaniyang nagawang pagpilit sa anak. Kung maibabalik lang sana niya ang panahon ay papayag na siyang sumuko ang anak at mapauwi ng bansa. Ngunit tunay na nasa huli ang pagsisisi sapagkat ngayon, gustuhin man niya ay wala na siyang magagawa pa.