Puro Hingi ang Magkakapatid sa Kanilang Ateng OFW; Nang Mawalan Siya ng Trabaho ay Ito ang Napagtanto Niya

“Ate, wala naman dito sa balikbayan box ‘yung sapatos na hinihingi ko sa’yo. Ano ba ‘yan, hintay pa naman ako ng hintay!” naiinis na sambit ni Gilbert sa kaniyang Ate Haydee.

“Pasensiya ka na hindi ko nga pala nasabi sa’yo. Wala kasi sa budget ‘yung gusto mong sapatos. Siguro sa susunod na lang na padala ko. Pag-iipunan ko talaga,” tugon naman ng panganay na kapatid.

“Aasahan ko ‘yan, ate, a? Baka pasahin mo na naman ako,” wika pa ng binata.

“Sige, bahala na,” wika pa ni Haydee.

“Ito nga pala si Kuya Ronald, may sasabihin daw sa’yo,” wika ng binata.

“Ate, maraming salamat sa padala mo, ah. Pero baka p’wede mo namang dagdagan ‘yung perang padala mo sa akin. Pinagawa ko kasi ‘yung mga ilaw ng sasakyan para maibyahe ko, ang taas ng inabot kaya nakautang na naman ako,” pahayag ng kapatid.

“Magkano ba ang nautang mo? Hindi ba kakapadala ko lang nung isang linggo. Ubos na ba kaagad ‘yun?” tanong ni Haydee.

“Sa mga bata pa lang ubos na ‘yun, ate. Saka binigyan ko din itong si Gilbert para sa mga kailangan daw sa eskwela. Nang makatunog pa si Tiya Loleng na nagpadala ka ay nanghingi pa sa akin ng dalawang libo. Nangako ka raw sa kaniya. Kaya binigyan ko na,” paliwanang ng kapatid. 

Advertisement

“Singkwenta mil ‘yun, Ronald, naubos niyo kaagad? Hinay-hinay naman sa paggastos. Hindi naman ako basta lang namumulot ng pera dito,” pakiusap ng panganay.

“Anong gagawin ko, ate? Kailangan talagang gumastos, e. Sige, hayaan mo sa susunod ay hindi na namin ipapaalam sa iyo mga problema namin. Baka nakakaistorbo na kami, e. Parang magkano lang naman ang hinihingi ko. Kawawa naman ang mga pamangkin mo kapag walang makain,” saad pa ni Ronald. 

“Wala naman akong sinabi na ganiyan. O siya, sige, magpapadala ako sa susunod na linggo,” wika pa ni Haydee.

Halos sampung taon ng nagtatrabaho si Haydee sa ibang bansa bilang isang executive sa isang kumpanya sa Amerika. Kahit na may kalakihan ang kaniyang sahod ay hindi pa rin ito sapat para sa malaking gastusin niya sa ibang bansa at pati na rin sa pangangailangan ng kaniyang pamilya. 

Wala na kasi ang mga magulang ng tatlong magkakapatid kaya bilang panganay ay si Haydee na ang nagbibigay ng kanilang pantustos. Dahil nga nasanay na ang mga kapatid na laging nandiyan ang kanilang ate ay hindi sila marunong magtipid at hindi man lamang sila kumikilos para sa kanilang mga sarili.

Maya’t maya sila kung manghingi sa panganay na kapatid at kahit na may sarili nang pamilya itong si Ronald ay sa ate pa rin niya nakaasa. Ilang taon na rin si Gilbert sa kolehiyo ay hindi pa rin ito nakakatapos sa pag-aaral.

Ito ang dahilan kaya hanggang ngayon ay wala pang ipon ang dalaga.

“Ronald, nakuha mo na ba ang padala ko? Tipirin niyo na iyan sapagkat wala na talaga akong maipapadala. Mapapalayas ako sa tinutuluyan ko kapag hindi ako nakabayad,” wika ni Haydee sa kapatid.

Advertisement

“Sige, ate. Pero ‘di ba magpapadala ka pa naman sa susunod na buwan?” tanong ni Ronald.

“Baka hindi na rin, Ronald. ‘Yan na ang lahat ng padala ko. Kailangan ko kasing pag-ipunan naman ang mga bayarin ko rito sa Amerika. Wala kasi akong ibang huhugutan kasi wala akong naiipon,” pahayag ni Haydee. 

“Ang ibig mo bang sabihin, ate, ay dahil sa amin kaya hindi ka nakakaipon. Sa laki ng sahod mo ay kakarampot lang naman ang hinihingi namin sa iyo. At ikaw ang nagsabi na ikaw ang bahala sa amin. Bakit parang nanunumbat ka?” ani Ronald.

“Hindi sa ganun. Sinasabi ko lang naman kasi baka mamaya ay kung ano ang mangyari. Kapag ako ang walang pera ay baka kung saan tayo pulutin. P’wede ko namang hilingin sana sa inyo na magtipid kayo kahit paano, ‘di ba?” sambit ng panganay. 

Imbis na intindihin ay parang sumama pa ang loob ng mga kapatid niya sa kaniya. Ang akala ng mga ito ay nagyayabang at nagdadamot lamang ang kapatid.

Isang araw ay nagkaroon ng pagbagsak ng ekonomiya sa Amerika at maraming kumpanya ang naapektuhan. Isa na rito ang pinagtatrabahuhan ni Haydee. Sa kasamaang palad ay isa siya sa mga kailangan tanggalin sa trabaho.

Lubos ang lungkot ni Haydee at naawa siya sa kaniyang sarili nang makita ang laman ng kaniyang account sa bangko. Sapat lamang ito para mabuhay siya ng kalahating buwan.

Maya-maya ay biglang tumawag ang mga kapatid at nanghihingi na naman pera para sa mga sari-sarili nilang dahilan.

Advertisement

“Wala akong ibibigay. Natanggal ako sa trabaho. Hindi ko na nga alam kung paano ako mabubuhay rito. Ang pera ko ay sapat lamang para sa kalahating buwan,” paliwanag ni Haydee. 

Ngunit imbis na maawa ang mga kapatid ay nais pa rin nito itong kuhain sa kanilang ate.

“Mangutang ka na lang diyan. Kailangan ko talaga ng pera, ate, para sa gatas at diaper ng mga anak ko,” sambit ni Ronald.

Doon napagtanto ni Haydee na kapag pala siya ang nawalan ay wala siyang aasahan. Nadismaya siya masyado sa kaniyang mga kapatid dahil hindi man lamang naisip ng mga ito ang kaniyang kalagayan at sila pa ang galit.

Ilang buwang hindi nagparamdam si Haydee sa mga ito. Kahit na naiisip niya ang pangako niya sa kanilang mga magulang na siya na ang bahala sa kaniyang mga kapatid ay naisip din niyang nagampanan naman niya ang pagiging ate niya.

Panahon na para isipin naman niya ang kanilang sarili.

Sa tulong ng ilang kaibigan na nagpatuloy sa kaniya ay nakabangong muli si Haydee. Nakahanap siya ng bagong trabaho. Samantala, dahil hindi na nagpapadala ang panganay ay natuto naman ang dalawa na gumawa ng paraan para sa kanilang mga sarili.

Sa mga panahon na ito ay napagnilayan ng bawat isa ang kanilang mga kalabisan at pagkukulang.

Advertisement

Nang makausap ng dalawang kapatid ang kanilang ate ay lubos ang kanilang paghingi ng tawad. Dahil naman matitiis ni Haydee ang mga mahal niyang kapatid ay pinatawad niya ang mga ito. 

Simula noon ay nagpapadala na lamang si Haydee ng sobrang pera mula sa kaniyang iniimpok. Natuto na ang dalawang nakababatang kapatid na maging responsable para sa kanilang sarili at sariling pamilya.