Inday TrendingInday Trending
Laging Ipinagtatanggol ang Batang Mahilig Mang-alipusta; Tameme sila Nang Makita ang Ebidensya ng Pagiging Salbahe ng Anak

Laging Ipinagtatanggol ang Batang Mahilig Mang-alipusta; Tameme sila Nang Makita ang Ebidensya ng Pagiging Salbahe ng Anak

Simula nang mag-aral si Jomar ay ilang ulit nang naipatawag ng prinsipal ang kaniyang mga magulang dahil sa paulit-ulit niyang pambubully sa kaniyang mga kaklase.

“Jomar sinabi ko sa’yo kung gagawa ka ng kalokohan ‘wag kang nagpapahuli, kita mo ‘yan pinatawag na naman kami sa school ng mama mo.”

“Hindi naman totoo ‘yong binibintang nila sa ‘kin papa.”

Madalas niyang ibully ang mga kaklaseng mas maliliit sa kaniya at hindi makalaban. Kinukuha niya ang kanilang mga baon at ilang gamit sa eskwela.

“Akin na sabi yang pera mo, kung ayaw mong masaktan!”

“Jomar, ‘wag! Pambili ko yan ng pagkain!” Sagot nito.

“Wala akong pake!” Sabay hablot niya sa pitaka nito.

Hindi na sya natatakot na ipatawag ang kaniyang magulang dahil hindi naman siya dinidisiplina ng mga ito. Ni hindi rin siya magawang pagsabihan ng mga ito dahil parehong abala ang kaniyang ama’t ina sa kanilang negosyo. Muli na naman silang ipinatawag ng eskwelahan dahil sa kaniyang pangingikil.

“Sir at ma’am, kung hindi pa po magbabago si Jomar sa school year na ito ay maaring hindi na siya tanggapin ulit ng paaralang ito, napakarami na niyang hindi magagandang records dito.”

“Totoo ba lahat ng binibintang niyo sa anak ko? Baka naman nagiimbento lang kayo.” Wika ng kaniyang ama.

“Mga estudyante na mismo ang nagsusumbong sa kaniya, hindi naman siguro sila gagawa ng kwento.”

“Oras na malaman kong pinagtutulungan niyo lang dito ang anak ko ay idedemanda ko kayo.” Galit na sagot ng kaniyang ina.

Buong akala nila ay napakabuting bata ng kanilang anak dahil mabait naman ito kapag nasa kanilang tahanan. Kaya’t hindi nila matanggap ang ibinibintang ng mga bata dito, hanggang sa dumating ang araw na nagpabago ng lahat.

Maagang pumasok si Jomar sa eskwela, sa gate pa lamang ng kanilang paaralan ay inabangan niya na ang isang batang lalaki.

“Akin na laman ng bulsa mo, lahat ng baon mo.” Wika niya habang hawak ng kamao ang kwelyo nito.

“Eto na Jomar.” Sabay abot sa kanya ng batang natatakot.

Hindi pa nga siya nakuntento at inabangan din ang isang batang babae. Sa liit ng bata ay madali niya itong nahawakan sa leeg at hinila papunta sa isang sulok. Kinapkapan niya ang bata at sapilitang kinuha ang pagkain at perang nasa bag nito. Sa takot nito sa kaniya ay tumakbo ito papasok ng umiiyak. Pagdating ng hapon ay agad na ipinatawag ang kaniyang mga magulang.

“Ano na naman ang ibibintang niyo sa anak ko ha?” Galit na bungad ng kaniyang ama.

“Kaninang umaga ay dalawang bata ang pinag-initan ng anak ninyo. Kinuha niya ang kanilang mga baon.”

“Kung wala kayong ebidensiyang mapapakita sa ‘min ay hindi kami maniniwala!”

Hindi na sumagot ang prinsipal ng paaralan at iniharap sa kanila ang CCTV footage ng pangingikil ni Jomar, kitang-kita dito kung paanong tinakot at hinuthutan ni Jomar ang mga batang walang kalaban-laban. Natahimik ang mag-asawa matapos itong mapanood at halos lamunin sila ng lupa sa pagkapahiya.

“Wala na akong magagawa pa, kailangan kong i-expell si Jomar dahil kung hindi ay magpoprotesta naman ang mga magulang ng mga batang binully niya.”

“Paano na ang pag-aaral niya? Baka wala nang tumanggap sa kaniya na paralan.”

“I’m sorry, pero yun na din ang desisyon ng mga guro dito.”

Hindi na nakapalag ang kaniyang mga magulang at galit na iniuwi si Jomar.

“Doon ka na muna titira sa lolo’t lola mo sa probinsya para maturuan ka ng leksiyon.”

“Ayoko doon papa, magpapakabait na ako, pinapalo ako ni lolo eh.”

Napaka strikto ng kaniyang lolo na isang retiradong sundalo kaya naman takot si Jomar na maipadala siya doon para manirahan. Ayaw man niya ay agad siyang hinatid sa probinsya. Sa pamamalagi niya roon ay dinisiplina siya ng matanda, kailangan niyang gumising ng madaling araw, magluto ng almusal at tumulong sa gawaing bukid.

Unti-unti ay natutunan niyang makipag-kapwa tao sa mga batang naroon dahil nakita niya ang hirap na pinagdadaanan ng mga ito.

“Mabuti naman at nabawasan na ang pagiging sutil mo Jomar, sana naiintidihan mo na naging istrikto lang ako para madisiplina ka.” Wika nito.

“Salamat po lolo, napakadami kong natutunan sa inyo.”

Sa katagalan ay napamahal na rin siya sa mga naging kaibigan at tuluyan ng nagbago ang kaniyang masamang ugali. Masaya naman ang kaniyang lolo sa pagbabagong nakita sa apo at binawasan na ang pagiging strikto rito. Don na rin niya ipinagpatuloy ang pag-aaral at tuluyang tinalikuran ang masamang gawi.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement