Inday TrendingInday Trending
Mag-isang Pumunta ang Babae sa Isang Beach Resort Upang Magbakasyon; Di Niya Inakalang Muling Makikita Doon ang Dating Nobyo

Mag-isang Pumunta ang Babae sa Isang Beach Resort Upang Magbakasyon; Di Niya Inakalang Muling Makikita Doon ang Dating Nobyo

Sa dami ng problema ni Shane ay naisipan niyang magbakasyong mag-isa upang makapag pahinga kahit ilang araw lang. Nagpasya siyang puntahan ang isang tahimik na resort sa Zambales. Ang lugar na madalas nilang puntahan noon ng dating kasintahan.

“Shane di ka man lang nagyaya.” Wika ng kaniyang kaibigan.

“Gusto ko lang sana muna mapagisa, sobrang stressed na ako sa trabaho pati sa bahay.” Sagot niya.

“Okay, basta ingat ka ha.”

Maaga siyang umalis upang maabutan ang unang biyahe papuntang Zambales. Sa kaniyang paglalakbay ay hindi niya maiwasang maalala ang mga panahong kasama niya ang dating nobyo sa ganoong mga lugar. Mayroon siyang balikat na masasandalan, kahawak ng kamay at kakwentuhan. Ilang oras pa ang lumipas at dumating na siya sa destinasyon.

“Hay napakaganda talaga dito, sariwa ang hangin at tahimik ang paligid.” bulong niya sa sarili habang naglalakad patungo sa tutuluyang resort. Pagdating niya ay agad siyang binati ng babae sa reception at inayos ang kaniyang reservation.

“5 days po yung ni reserve niyo ma’am, tama?” Wika nito.

“Oo, tsaka paki tingnan nlang din yung request ko na kwartong nakaharap sana sa dagat.”

“Sorry po ma’am wala na pong bakanteng beach front rooms.”

Sa inis ay halos masigawan niya ang babae, bago niya kasi ireserba ang kwarto ay sinigurado niya na beach front ito. Pinaghintay siya ng babae sa lobby at masaya itong bumalik upang ibalita na may isang kwarto ang nabakante para sa kaniya.

Maghapon niyang pinanood ang hampas ng mga alon sa dalampasigan mula sa kanyang silid.

“Sana ganito lang araw-araw.” wika niya.

Kinagabihan ay lumabas siya upang maghapunan, pagdating niya sa restaurant ay napabuntong hininga siya sa ganda nito, pagpasok pa lamang niya ay inasikaso na siya ng isang tauhan at dinala sa nakareserbang lamesa para sa kaniya.

“Isang pasta at isang mainit na tsaa, yun lang po ba ma’am?” tanong ng waiter. Marahan siyang tumango habang pinapanood ang bandang tumutugtog.

Sa ikalawang araw niya sa resort ay pawang VIP ang turing sa kaniya ng mga tauhan, kagaya ng pagpapadala sa kaniya ng fruit shakes kahit hindi naman niya ito inoorder. Sa araw na iyon ay napagpasyahan niyang maglakad lakad sa tabing dagat.

Hindi pa man siya nakakalayo sa resort ay napansin niyang may lalaking sumusunod sa kaniya. Binilisan niya ang kaniyang lakad ngunit hindi ito matinag. Laking gulat niya nang lingunin ito at makita ang dating nobyo.

“Ang bilis mo maglakad Shane hiningal ako.”

“Raymond? Anong ginagawa mo dito bakit mo kasi ako sinusundan?” tanong niya.

Ipinaliwanag nito na ito ang manager ng resort at simula ng dumating si Shane ay sinusundan na siya nito. Lingid sa kaalaman ni Shane ay kwarto ni Raymond ang ipinagamit sa kaniya at ito rin ang may pakana kung bakit VIP ang trato sa kaniya sa resort.

“Dito kana pala nagtatrabaho. Kailan pa?”

“Mga limang buwan na, mas tahimik kasi dito at payapa, ikaw ba’t napadpad ka magisa dito?”

“Bakasyon lang, alam mo na, nakakapagod magtrabaho.”

Maghahatinggabi na nang sila ay matapos magkwentuhan, inihatid ni Raymond si Shane sa kaniyang kwarto at nagpaalam. Kinabukasan ay maaga niya itong sinundo para mag ski at paddle boat. Araw-araw silang magkasama at tila nanumbalik ang dating pag-iibigan na matagal nang kinalimutan.

“Ang bilis ng limang araw, uuwi ka na kaagad. Balik ka ah.” Paalam ni Raymond.

“Salamat ha, sa libreng fruit shakes.” sabay tawa nilang dalawa.

Isang buwan ang lumipas at pareho nilang hindi malimutan ang isa’t-isa. Ilang beses na pinigilan ni Shane ang sarili na bumalik habang araw-araw namang naghihintay si Raymond sa kaniya. Nagkakausap naman sila sa telepono simula nang muli silang magkita ngunit parang kulang pa rin para sa kanila. Hindi na nga natiis ni Shane ang sarili at bumalik sa resort.

“Shane! Sabi ko na nga ba babalik ka eh.” bungad ng lalaki.

“May libreng fruit shakes ba ulit?” biro niya.

Simula noon ay napadalas na ang kaniyang pagbalik sa resort. Di nga nagtagal ay muli silang nagkabalikan at niyaya na siya ni Raymond na manatili roon kasama nito. Sa tulong nito ay agad na natanggap si Shane sa nabakanteng posisyon at masayang nanirahan sa mapayapang lugar. Di niya akalaing ang kaniyang isang simpleng bakasyon ang magbabalik sa naudlot niyang pag-ibig.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement