Tinapatan ng Pera ng Negosyante ang Matandang May-ari ng Property na Gusto Niyang Bilhin, Napahiya Siya sa Isinagot Nito sa Kanya
Dahil maganda ang takbo ng negosyo ni Louie ay nag eexpand ito, kailangan na nilang bumili pa ng mga lupain upang may mapagtayuan ng bagong branches. Lahat ng may ari ng target nilang lupa ay pumayag na ngunit isang matanda ang sadyang makulit at ayaw ipagbenta ang lupa nito, iyon pa naman ang pinaka maganda, sa tabing ilog. Napag isipan ni Louie na pupuntahan niya ng personal ang matanda at alukin ito ng tripleng halaga para pumayag ito, sigurado naman siyang pera lang ang katapat. Sa totoo lang, naniniwala si Louie na lahat ng bagay sa mundong ito ay nabibili ng pera. Bago bumaba ng kotse at nagbilin ang kanyang attorney, “Galingan mong kausapin si Mr. De Quiroz, Louie. Matalino ang matandang yan.” sabi lang nito na tinanguan niya naman. Kumatok siya sa bahay at pinagbuksan siya ni Mrs. De Quiroz, wala raw ang asawa nito doon at nasa tabing ilog, namamansing. Ilang metro lang ang nilakad niya at natanaw na nga niya ang matanda. Payapa itong nangingisda, nakaisip ng ibang paraan si Louie para kausapin ito. Marahil ayaw nito ng harap harapang tinatapatan ng pera kaya uunti untiin niya iyon hanggang marealize mismo nito sa sarili na maganda ang inooffer niya. “Mr. De Quiroz?” tanong niya rito. Sinulyapan siya nito sandali tapos at ibinalik na ang tingin sa tubig. “Taga roon ka ba sa kumpanyang iyon? Hindi ko ipagbibili. Salamat.” simpleng sagot nito. “Mayaman ako.” simpleng sabi ni Louie. Dahil doon at napalingon ang matanda, kaya itinuloy na ni Louie ang sinasabi. “Kaya rin kitang payamanin. Kapag binenta mo to sa amin hindi lang pera ang ibibigay ko sayo. Kaalaman, maniwala ka, master ako sa business kaya kitang turuang yumaman.” paninimula ni Louie. “Tapos?” simpleng tanong ng matanda. “Pag mayaman ka na, mabibili mo na lahat ng gusto mo, bahay, kotse, sariling ilog mo.” tuloy ulit ng negosyante. “Tapos?” sabi ng matanda. “Mabubuhay kang hari, mapapasunod mo lahat hanggang magtagumpay ka.” tuloy ni Louie, tingin niya at nakukumbinsi niya na ito. “Tapos non?” tanong ulit. “Tapos wala ka nang gagawin! Hindi mo na kailangang magtrabaho, magrerelax ka nalang sa bahay mo, mangingisda kapag may bakanteng oras. Hindi ba maganda yon?” nakangiti si Louie. “Hindi ba iyon ang ginagawa ko ngayon?” nakangiti rin ang matanda. Wala naisagot si Louie, tinuloy ng ni Mr. De Quiroz ang paliwanag. “Pinipilit mo kong ibenta ang pag aari ko, tapos magtrabaho, para magkaroon ng buhay na sinasabi mong maganda. Pero ang buhay na yon, iyon ang buhay ko ngayon. Kaya bakit mo aalisin sa akin?” simpleng tanong nito sa kanya. Nakatungong nilisan ni Louie ang lugar na yon. Wala na syang masasabi pa para magbago ang isip ni Mr. De Quiroz, marahil ay tama nga ito. Ano ang aral na napulot mo sa kwentong ito? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, I-like lamang ang aming Facebook page.