Matapos ang Mabigat na Hindi Pagkakaunawaan ay Naghiwalay ang Mag-asawang Ito, Hanggang sa May Nangyari na Kinailangan Nilang Magkabalikan
Sa loob ng anim na taong pagsasama, mas lamang yata ang pag aaway sa mag asawang Emil at Giselle. Kahit sa maliit na bagay ay hindi sila magkasundo, aaminin nilang mahal nila ang isa’t isa ngunit tila yata hindi talaga sila compatible. Malaking epekto rin siguro sa pagsasama nila ang hindi pa nila pagkakaroon ng anak, kahit anong subok ay hindi pa talaga binibigay sa kanila. Masyadong nagkakasalubong ang mga ugali nila lalo na kapag galit at nakakapag salita ng bagay na pagsisisihan rin naman sa huli. “Bakit ba kasi pinakasalan pa kita!” galit na sabi ni Giselle. “Oo nga, maling desisyon. Kung maibabalik ko lang ni hindi kita aalukin ng kasal!” sagot naman ni Emil, bagamat nasaktan siya sa sinabi ng asawa. “Yun pala eh. Di ayan ang singsing mo isaksak mo sa baga mo. Maghiwalay na tayo.” Hindi iyon gustong sabihin ni Giselle, pero nasaktan ang pride niya sa sinabi ng asawa. Inaasahan niya kasi na susuyuin siya nito. Itinapon niya rito ang singsing at pumasok na sa kwarto. Walang nagawa si Emil. Masyadong masakit magsalita ang misis niya at minsan ay nararamdaman niyang tila hindi na siya mahal nito. Umalis siya ng bahay, at handa nang harapin ang buhay mag isa. Wala pa naman silang anak kaya siguro ay magiging madali lang ang lahat. Si Giselle naman ay umiyak lang ng umiyak sa kwarto, kung sana lang pwede niyang pigilin ang asawa nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng gate. Pero huli na ang lahat, siguro ay ito na ang katapusan sa kanilang dalawa. Makalipas ang ilang lingo, nagising nalang si Giselle na suka siya ng suka. Dahil siguro sa stress, sa isip isip niya. Miss na miss niya na si Emil. Kahit nakakasalubong niya ito sa opisina at minsan ay nahuhuli niyang nakatingin sa kanya ay hindi sila nag usap. Nagpapataasan talaga ng pride ang mag asawa. Nakaupo sa kanyang desk si Giselle at akmang iihi nang pagtayo niya ay bigla siyang nahilo, at tumumba, mabuti na lang ay sakto nakasalubong niya ang isang kaopisina at nasalo siya nito. Pagkatapos ay dinala sa clinic. Pagdilat ng mata ni Giselle, unang una niyang namulatan si Emil. Nakatitig lang ito sa kanya. Hindi pa siya nagsasalita nang dumating ang doctor. “O gising na pala ang bagong mommy, since you are already 3 weeks pregnant at late mo na nalaman, ito ang mga vitamins mo..Folic Acid.. kailangan mo rin ng Iron, Calcium..bla….” Sabi ng doctor na hindi na naintindihan masyado ni Giselle dahil nag echo lang sa kanya ang mga salitang Mommy at pregnant. Namalayan na lang niyang umalis na ang doctor, at silang dalawa na lang ni Emil doon, nakatitig lang ito sa kanya, naroon sa mga mata nito ang…pangungulila? “Kumusta ka?” tanong nito. “I-I’m sorry. I’m sorry! Mahal pa rin kita hon I’m sorry!” siguro dahil sa kondisyon niya kaya nagging emosyonal ang babae. “Sabi nila kapag daw ang tao sinaktan ng isang beses at bumalik pa, nagmamahal iyon. Pero pag ang tao nasaktan na ng dalawa, maraming beses at bumalik pa, tanga na yon.” simpleng sabi ni Emil. Napaluha na lang si Giselle sa tinuran ng asawa, ibig sabihin at wala na talaga sila. Paano na sila ng magiging anak nila? Akmang tatalikod na ang babae nang biglang magsalita muli si Emil. “At isa ako sa mga tangang yon..” Sinubukan muli ng mag asawa na ayusin ang kanilang relasyon, naging maganda na ang pagsasama nila dahil marunong na silang magbigayan at intindihin ang isa’t isa. Ano ang natutunan mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong opinion sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.