Inday TrendingInday Trending
Hindi Natanggap sa Trabaho ang Lalaking Ito dahil sa Kakulangan ng Kaalaman, Ito Pala ang Magiging Daan Para sa Kanyang Tagumpay

Hindi Natanggap sa Trabaho ang Lalaking Ito dahil sa Kakulangan ng Kaalaman, Ito Pala ang Magiging Daan Para sa Kanyang Tagumpay

Nawawalan na ng pag- asa si Mel dahil hindi siya makahanap ng trabaho, kung kailan namang may sakit ang anak niya at kailangang kailangan niya ng pera. Madiskarte naman siya sa buhay, at talaga naming masipag, nangako rin siya sa Panginoon na basta bigyan lang siya ng matinong trabaho at pagbubutihin niya. Isang magandang kumpanya sa Ortigas ang naisipan niyang apply-an, sabi roon, hindi kailangan ng college graduate. Atleast 2 years na vocational raw at maaari na, at nakaabot naman ng kahit 2 years si Mel. Agad agad niyang pinuntahan ang tanggapan at nang kausapin na siya ng manager ay agad tinanong sa kanya kung ano ang kanyang e-mail address. “Ano ho iyon ser?” tanong ni Mel. “Hala, hindi mo alam ang e-mail? Paano ang mga transactions natin nyan, paano kita tatanggapin simpleng e-mail hindi mo alam?” hindi na nga natanggap sa trabaho at nakutya pa si Mel. Nakatungo siyang umalis sa opisinang iyon habang rinig na rinig niya ang bulung bulungan ng iba pang aplikante. Napakaliit ng tingin niya sa sarili. Tanging 300 pesos na lang ang laman ng wallet niya na kailangan niya pang pagkasyahin sa apat na araw. Hanggang nakasakay siya sa bus at napadaan iyon sa isang palengke, nakita ni Mel ang nagtitinda ng gulay. Bakit nga ba hindi niya subukan? Wala naming nakakahiya, at baka naroon ang swerte niya. Nagsimula si Mel sa kaunting gulay, 300 pesos ang puhunan. Dahil magaling silang magbudget ng misis ay lumago ang negosyo, hindi na masama. Paglipas ng maraming taon at nakabili ang mag asawa ng sariling farm, at mayroon na ring ilan pang maliliit na negosyo. Naisipan ni Mel na ayusin ang mga papeles sa mana ng kanilang mga anak , at nang tanungin siya ng attorney, “Sir ano po ang e-mail address ninyo para mai-send ko ang mga files?” habang nagtatype sa laptop. “Wala akong e-mail address,”simpleng sagot ni Mel. “Grabe, wala pa kayong e-mail address at computer pero yumaman na kayo, ano pa kaya kung mayroon kayong e-mail address sir?” manghang sabi ng abogado. “Edi nasa opisina siguro ako ngayon at hindi mayaman.” nakangiting sagot ng lalaki. Huwag huhusgahan ang kakayahan ng isang tao sa simpleng pagkukulang niya lang, minsan, kailangan lang bigyan ng pagkakataon dahil sa konting suporta, lalago ang natatagong kakayahan. Ano ang aral na napulot mo sa kwentong ito? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, I-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement