Inakala ng Flight Attendant na Magkagalit Lamang ang Pasaherong Magkasintahan, Pero May Nakakapangilabot na Lihim Pala ang Dalawang Ito
Magda-dalawang taon nang flight attendant si Alexa, masayang masaya ang dalaga dahil bata pa man siya ay ito na ang pangarap niyang trabaho. Ang sumakay sa eroplano, maglingkod sa mga pasahero habang suut-suot ang napaka-kikay at magandang uniporme. Ipinangako niya sa sarili na basta matupad lang ang pangarap niya ay aalagaan niya ang trabaho at hindi magsasawa. Tinupad naman niya iyon, kahit na anong oras, kahit anong pagod, o kahit anong sungit pa ng mga pasahero ay palaging nakangiti si Alexa sa mga ito at handang maglingkod. Mag a-alas otso na ng gabi at nasa isang eroplano si Alexa na papuntang America. Kasalukuyan siyang naglalakad upang mag offer ng pagkain sa mga pasahero at magtanong kung may kailangan ang mga ito nang tawagin siya ng isang lalaking nasa 25-26 ang edad. Makisig ito at mukhang mabait. “Miss, favor?” tanong nito. “Yes po Sir?” nakangiti naming sabi ni Alexa. “Pwede mo bang pakisabi sa girlfriend ko na inumin na niya ang gamot niya? Mag-8pm na kasi, makakalimutin iyan eh.” Mahabang sabi nito. Bagamat nagtaka ang dalaga kung bakit hindi magkatabi ang mga ito, o kung bakit hindi ito nalang mismo ang magsabi ay tumahimik na lang siya at tumango. Baka magkaaway, o baka naman gustong i-surprise, sa isip isip ng dalaga. “Nasaan po ba siya nakaupo Sir?” tanong niya ulit. “Yung nasa unahan, sa tabi ng bintana. The beautiful girl wearing white.” sabi nito na napangiti pa sa paglalarawan sa nobya. Pinuntahan naman agad ni Alexa ang babae, nakatakip ang mata nito at ayaw niya mang gisingin ay hindi niya naman matanggihan ang pakiusap ng mabait na nobyo nito. “Ma’am, excuse me..” marahang tapik niya. Tinanggal ng babae ang takip sa mata at napansin ni Alexa na namumugto ang mga iyon, ahh, magkaaway nga siguro, LQ, naisip ulit ng dalaga. “Y-yes?” namamaos pang tanong nito. “Pinapasabi po ng boyfriend ninyo na oras na raw pong uminom ng gamot.Baka daw po kasi makalimutan nyo, he’s very thoughtful.” sabi niya rito, umaasang makakatulong iyon para magbati ang dalawa. “M-miss? Anong sinasabi mo?” naluluha ito, baka talagang nasaktan ng nobyo. “Andun po si Sir sa dulo, pinaalala niya lang sakin. Siguro po takot na baka galit pa rin kayo sa kanya.” sabi niya lang ulit. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng babae. “H-hindi ako galit, kung pwede ko lang siyang makita ulit gagawin ko. Hanggang sa huli, ako pa rin ang iniisip niya. May sakit kasi ako sa puso..Kaya ako papuntang America ngayon dahil I have to move on miss. Mababaliw ako sa pagkawala niya! Hindi ako makapaniwalang patay na siya. ” Talagang mahal na mahal ng boyfriend ang babae, dahil kahit nasa kabilang buhay na ito ay kaligtasan pa rin ng nobya ang iniisip. Ano ang napulot mong aral sa kwentong ito? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, I-like lamang ang aming Facebook page.