Isang Lalaki ang Tumabi sa Tatay na Ito sa Park Habang Nagbabantay sa Anak na Nagbi-bisikleta at Isang Nakapanlulumong Sikreto ang Ibinahagi Niya Dito
Palaging nagpupunta sa park si Gerald kasama ang 5 taong gulang na anak na si Gelly. Nakagawian na ng bata ang magbike doon tuwing hapon habang ang ama naman ay tahimik na nakaupo sa isang bench habang binabantayan siya. Maraming tao sa park ngayong araw, palibhasa ay Linggo. Habang nagba-bike si Gelly, may isang lalaki na nakiupo sa tabi ni Gerald dahil wala nang bakanteng upuan. Ngumiti at tumango lang si Gerald sa lalaki. “Ang sasaya talaga ng mga bagets kapag nakakapaglaro,” wika ng lalaki. “Oo, ang anak ko mahilig magbike dito tuwing Linggo.” sagot naman ni Gerald. “Sino ang anak mo dyan? Ayun ang akin, yung nakablue na may towel sa likod. Nasa slide.” turo nito sa batang lalaki na masayang naglalaro. “Yun ang akin, yung naka-bike.” nakangiting turo ni Gerald kay Gelly. Saglit na sinulyapan ni Gerald ang relo sa braso at tinawag si Gelly para umuwi na, alas singko na ng hapon at magmemeryenda pa sila. “Anak! Uwi?” senyas nya rito dahil nasa malayo ito. Sumenyas din ang anak ng 5 minutes pa please, tumango lang naman si Gerald. Muli siyang naupo at naghintay pa ng ilang minuto, matapos ang ilang sandali ay saktong nasa malapit na nagba-bike si Gelly. “Gel, baby, uwi na tayo..” sabi ulit ng lalaki sa anak. “5 minutes pa papa please?” sagot naman ulit ng bata, na tinanguan lang ni Gerald at umupo na ulit. Pagkatapos ng ilan pang sandali, muling tinanong ni Gerald ang anak na wiling wili pa ring mag-bike. “Baby.. halika na uwi na tayo.” sabi nya ulit dito. “Papa last na 5 minutes please please.” pagpapaawa nito na may pagnguso pang kasama. “Sige na nga.” sabi na lang niya na napapailing habang nakaupo. “Ang haba ng pasensya mo pare,” sabi ulit ng lalaking katabi ni Gerald na kanina pa pala nagmamasid sa kanila. Ngumiti lang si Gerald dito at nagsalita, “Namatay ang kuya ni Gelly dito sa park dahil nabangga siya. Hindi ako nagkaroon ng oras para sa anak kong iyon, at ngayon ibibigay ko ang lahat makabawi lang ako, kahit 5 minutes lang basta makasama ko ulit si Gio. Pinangako ko sa sarili kong hindi ko na hahayaang maulit kay Gelly ang nangyari kay Gio. Akala ni Gelly may 5 minutes pa siya para magbike pero hindi niya alam mas masaya ako kasi may 5 minutes pa ako para makasama siya.” Maiksi lang ang buhay at wag natin itong sayangin sa mga hindi masyadong mahalaga, unahin ang pamilya. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.