Inday TrendingInday Trending
Nabigla ang Binata nang Mapagkamalan Siyang Doktor, Pero mas Nabigla ang mga Pasyente nang Magbigay Siya ng Kakaibang ‘Gamot’ Para sa Karamdaman Nila

Nabigla ang Binata nang Mapagkamalan Siyang Doktor, Pero mas Nabigla ang mga Pasyente nang Magbigay Siya ng Kakaibang ‘Gamot’ Para sa Karamdaman Nila

Masayahing tao si Ivan, nagtatrabaho si Ivan bilang assistant ng isang Psychologist, si Dr. Soriano. Maraming beses na niyang nasaksihan ang pagkonsulta rito ng mga pasyenteng may depresyon, o kahit na anong problemang emosyonal.

Hindi nurse si Ivan, isa siya sa mga scholar na pinag aaral ng doktor at nakilala niya ito nang minsang bumisita ito sa bahay ampunan kung saan siya nakatira.

Madalas din siyang isama ng doktor sa mga seminar gaya ng ngayon, kung saan ang mga tagapakinig ay mga taong stressed at nade-depress sa buhay. Magaling si doktor magseminar, kaya lang ay napansin ni Ivan na tila hindi maganda ang pakiramdam ng matanda sa araw na ito.

Umaga pa lang ay dumadaing na itong nahihilo at masakit ang ulo.

“Sobrang pagod ho siguro yan Doc, ang dami po nating seminar nitong nakaraan eh.” sabi niya rito sabay abot ng paracetamol.

“Siguro nga, pero nakakahiya naman sa mga tao kung ica-cancel natin, alam mo na,dapat palaging professional.” sabi lang nito. Iyon naman ang bilib niya sa doktor, talagang dedicated ito sa trabaho.

Limang minuto na lang bago ito magsalita sa stage ay napatakbo ito sa CR dahil nasusuka raw. Walang nagawa si Ivan kundi ang tumayo roon at hintayin ang matanda, ipinahawak pa nito sa kanya ang puting amerikana para raw hindi madumihan na isinaklay niya naman sa kanyang braso.

“Palakpakan po natin ang ating guest speaker, Psychologyst, Dr.Soriano!” narinig niyang sabi ng kasalukuyang host.

Bigla namang may lumapit sa kanyang lalaki na nag abot sa kanya ng mic.

“Teka muna, h-hindi ako si–” nasabi niya na lang pero huli na dahil inakay na siya nito at naroon na siya sa harapan, nagpapalakpakan ang mga tao.

“Ehem.” sabi niya, ano naman ang alam niya sa pagresolba ng problema ng mga tao? Pero hindi niya pwedeng ipahiya si doktor. Nakatitig sa kanya ang mga tao at naghihintay ng mga sasabihin niya. Sa halip ay may ideyang biglang lumabas,

“A-anong puno ang hindi pwedeng akyatin?” tanong niya.

Tila nagulat namana ang mga tao dahil nakatulala lang lahat ito sa kanya.

“Ano?” maya maya ay sabay sabay na tanong ng mga ito.

“Edi yung nakatumba!” sabi ni Ivan.

Nanlaki ang mata ng mga ito at maya maya ay napuno ng tawanan ang kwartong iyon.

Maya maya ay tinanong ulit sila ni Ivan, ng kaparehong tanong. At kaparehong sagot.

“Edi yung nakatumba!” sabi niya, ngunit wala nang tumawa.

Nakatingin lang sa kanya ang mga tao at muling nagsalita si Ivan.

“Hindi nyo na magawang tumawa sa paulit ulit na joke, kaya wag na kayong malungkot sa paulit ulit na problema.”

Nagpalakpakan ang mga tao, maging ang doktor, na kanina pa pala nakikinig sa kanya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Advertisement