Inday TrendingInday Trending
Buong Buhay ng Lalaking Ito na Nagke-kwento ang Lolo Niya Tungkol sa Isang Pantasya, Hanggang sa Madiskubre Niyang Totoo Pala Ito

Buong Buhay ng Lalaking Ito na Nagke-kwento ang Lolo Niya Tungkol sa Isang Pantasya, Hanggang sa Madiskubre Niyang Totoo Pala Ito

Parehong nasa abroad ang magulang ng 8 taong gulang na batang si Jace kaya lolo at lola ang nag aalaga sa kanya, mapagmahal ang mga ito at kailan man ay hindi niya naramdamang may kulang sa kanya kahit pa nasa abroad ang mga magulang, iyon ay dahil sa pag aalaga ng dalawang matanda. Tuwang tuwa ang dalawa sa kanya dahil masunurin at mabait ang bata, palaging tinutulungan ang lola sa gawaing bahay at palaging inaabot sa lolo ang mga bagay dahil hirap itong kunin iyon, pilay ang kanyang lolo at palagi lang nasa wheelchair. Tuwing hapon, uupo ang tatlo sa tabi ng bintana, kakainin ang banana cue na luto ng kanyang lola at magkukwentuhan habang nagmemeryenda. Nakangiti lang naman ang kanyang lola habang kumakagat sa banana cue at nakikinig sa kanila. “Matikas at makisig ang bumbero, matapang siyang pumasok sa nasusunog na building at iniligtas ang magandang babae..” kwento ng lolo niya na may action pa, hindi pa ito tapos magsalita ay sumigaw na ang bata, “Ako rin lolo gusto ko maging bumbero para pag may sunog ako ang tatawagin tapos ma-pogi din ako at macho at matapang po!” masiglang sagot ni Jace. Tatawa lang naman ang dalawang matanda at itutuloy na ang pagkain habang giliw na giliw sa apo. Makalipas ang 10 taon, pabalik na si Jace sa probinsya para bisitahin ang lolo at lola. Kinailangan niyang lumayo sa mga ito 4 na taon na ang nakalilipas upang mag aral ng kolehiyo sa Maynila. Katakut takot na bilin at iyakan ang naganap pero proud na proud naman ang dalawang matanda na may apo silang nag aral sa Maynila. Excited na si Jace na kumain ng banana cue kasama ang dalawa, na-miss niya rin ang mga istorya ng kanyang lolo tungkol sa magiting na bumbero . Kahit na hindi siya naging bumbero, ang kwentong iyon ang nagpalakas ng loob niya sa kanyang paglaki. Naabutan niya sa bintana ang dalawang matanda na nagkukwentuhan at may hawak na mga lumang litrato. Paglapit niya ay agad nanlaki ang mata ng mga ito at niyakap siya. “Apo! Halika nga rito!” sabi ng dalawa at ginulo pa ng kanyang lolo ang buhok niya. “Na-miss ko po kayo. Ano yan?” tanong nya rito pagkatapos ng kanilang yakapan. “Ahh, mga lumang larawan. alam mo na memories. tignan mo o.” ipinakita sa kanya ng lola ang ilang litrato niya noong siya’y baby pa, pero pinakanapansin niya ang pinakalumang litrato, tila wala pang kulay iyon, na nang titigan niyang mabuti ay isang bumbero.Napakatikas at makisig ito. “Sino to ‘nay?” tanong niya sa kanyang lola. Ngumiti lang ang kanyang lola, at napansin niyang hinawakan nito ang kamay ng lolo niya. “Alam mo ba kung bakit pilay ang lolo mo? Dahil iyon sa akin.. ” mahinang sabi nito. “Ano ka ba mahal, kung hindi ko yon ginawa ay hindi magiging ganito kaligaya ang buhay ko. Kung uulitin ang buhay ko ay ililigtas pa rin kita sa sunog at mapipilay ako nang paulit ulit para sayo.” masuyong sagot naman ng lolo. “Po? ibig sabihin hindi in born ang pagkapilay ng lolo? At anong sunog?” naguguluhang tanong ni Jace. Nakangiti na ang kanyang lolo at inulit sa kanya ang kwento ng bumbero, na kahit kailan ay hindi natapos dahil palagi siyang sumasabat ng AKO RIN GUSTO KONG MAGING BUMBERO! “Matikas at makisig ang bumbero, matapang siyang pumasok sa nasusunog na building at iniligtas ang magandang babae.. …dahil doon ay napilay ang bumbero ngunit nakuha niya naman ang pinaka magandang premyo sa kanyang kabayanihan, pinakasalan siya ng magandang babae..at ang magandang babaeng iyon, ay ang lola mo.” ikinagulat ni Jace iyon, kaya pala ganoon na lang ang pagmamahalan ng dalawa, at ganoon na lang kung alagaan ng lola ang kanyang lolo. Mayroon pala talagang tunay na pag ibig. Ano ang masasabi ninyo sa kwentong ito? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement