Ikinamangha ng Binata ang Lihim ng Dalawang Batang Pilay na Nakasalubong Niya sa Park
Nagtatrabaho sa Bonifacio Global City sa Taguig ang binatang si Donny. Kapag wala naman siyang pasok ay ginugugol niya ang oras sa pagjojogging at inilalakad ang alagang aso sa malapit na park. Ito ang kanyang stress reliever. Malayo naman kasi ang probinsiya nila at minsan sa isang buwan lang siya kung umuwi, pareho nang pumanaw ang kanyang mga magulang. Isang araw, habang inilalakad ni Donny ang kanyang aso ay may napansin siyang mag iina na namamasyal. Ang dalawang bata, na nasa 7 at 9 ang edad ay parehong pipilay pilay kung maglakad. Ang 9 taong gulang na batang lalaki ay maiksi ang isang paa, habang ang 7 taong gulang naman na batang babae ay pantay, pero pipilay pilay rin ito. Siguro naaksidente, sa isip isip ni Donny habang nababalot ng awa ang puso para sa mga bata. Naupo siya sa isang bangkuan na malapit sa mga ito. Sakto naman na nakita ng mga bata ang kanyang alagang aso at nilapitan. “Mommy cute cute ng dog po!” sabi ng batang lalaki. “Magpaalam kayo kay kuya kung pwedeng hawakan ang dog anak.” sabi naman ng ina ng mga ito habang nakangiti sa kanya. “Sige lang po, mabait yan. Toffee,play kayo o.” sabi niya naman sa alagang aso. Habang hinihimas himas ng mga bata ang aso niya na tila tuwang tuwa naman ay muling nagsalita ang nanay ng mga ito. “Pasensya ka na makukulit,ngayon na lang kasi makalabas ang dalawang yan na wala sa wheelchair ang panganay ko.” paghingi nito ng paumanhin. “Wala ho iyon.. if you don’t mind.. ano po ba’ng..” nananantya siya kung ayos lang ba na itanong dito ang nangyari sa mga anak. “Ang panganay ko, na-polio siya noong maliit pa. Ang bunso ko naman, si Mikyla ay nakakalakad ng maayos.” sabi lang ng babae na tila naunawaan na ang gusto niyang itanong. “Pero bakit po parang….?” turo niya sa batang babae. Napangiti naman ito at tila naintindihan ang ibig niyang sabihin. “Ahh. Nagpipilay pilayan lang siya. Palagi niya yang ginagawa para hindi mapahiya ang kuya niya at lumakas ang loob.” proud na proud na sabi ng ina. Kahit siguro sino ay magiging proud kung mayroong anak na ang puso ay kasing busilak ng kay ni Mikyla. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.