
Hataw sa Pagpapakita ng Alindog ang Dalaga sa Webcam; Tila Binuhusan Siya ng Malamig na Tubig Nang Makaharap ang Isang Kustomer
Sa edad na 18 ay natuto nang tumayo sa sarili niyang mga paa si Karen.
Palibhasa’y kahit musmos pa lamang ay siya na ang halos nagpalaki sa dalawang nakababatang kapatid na si Paolo, 7 taong gulang at Nina, 3 taong gulang.
Abala kasi ang ina nila sa pagtratrabaho at pang-aaliw sa mga kustomer nito sa pinapasukang bahay-aliwan.
Matagal na itong pinahihinto ng kanilang ama sa ganoong trabaho ngunit iniinsulto lamang siya ng misis at sinasabihang wala silang mapapala sa kaniya dahil isang hamak na construction worker lamang ito.
Hindi na nakayanan ng ama ang ganoong gawi ng kaniyang ina kaya’t naglayas ito at nabalitaan niyang may kinakasama na itong ibang babae.
Ilang buwan lamang ang lumipas mula nang abandonahin sila ng kanilang ama’y nagkaroon ng malalang karamdaman ang kaniyang ina. STD raw ito at nakukuha sa pagtatal*k.
Wala silang balita sa ama at hindi man lamang naibalita ni Karen dito na yumao na ang kaniyang ina.
Minsan ay namumulot na lamang si Karen ng tira-tirang pagkain sa basurahan.
Madalas siyang nababastos sa kalye at inaalok ng pera para gawing pamparaos ngunit nangako siya sa sarili na kailanma’y hindi niya bababuyin ang sarili at gusto niyang maipagmalaki pa rin siya ng mga kapatid balang araw.
Kaya naman nagsimula siyang tumanggap ng mga labada. Maski magkasugat-sugat pa ang kaniyang mga kamay ay wala na siyang pakialam.
“Ang seseksi naman ng mga baro mo, madam. Bagay sa iyo, nakakainggit ang kutis mong mala-porcelana,” inosenteng saad ni Karen sa suki niya sa pagpapalaba na si Princess.
“Girl, gamitin mo ang ganda mo kung talagang gusto mong maiahon sa hirap ang mga kapatid mo. Isa pa’y nasa wastong gulang ka naman na,” maarteng wika ni Princess sabay kindat sa pobreng labandera.
“Hindi ko po naiintindihan…”
“Hay naku, ganyan na ganyan din ako noon, limang taon na ang nakalipas nanlilimos ako sa kanto pambili ng tinapay,” tugon ni Princess habang natatawa sa kainosentehan ng kausap.
Bigla nitong hinatak ang dalaga patungo sa inuupahan nitong apartment.
Pagpasok doon ay napanganga si Karen sa nakita.
Mga babaeng magaganda ang naroon at wala silang saplot na pang-itaas. Ang iba naman ay naka-bra at panty lamang.
“Hi!” malalanding bati sa kaniya ng mga ito.
“Oh eto, turuan niyo. Kawawa naman e. Sayang ang ganda,” pagpapakilala ni Princess sa dalaga.
Lumipas ang isang buwan at naroon na rin si Karen kabilang ng mga babaeng nagpapakita ng katawan sa webcam.
Suki nila ang mga mayayamang foreigner at karamihan sa mga ito’y naghahanap ng panandaliang aliw o ‘di kaya naman ay mga makakausap at kalambingan.
Nang matapos ang unang kustomer sa araw na iyon ay nagulantang si Karen sa susunod na nakaharap sa webcam.
“Tay???”
Lalo namang napanganga ang ama sa nakita.
“Anak… Anong ginagawa mo riyan???” sagot ng naluluhang ama.
“Tay… Mula nang iwan ninyo kami ay wala na akong ibang maisip na paraan upang buhayin ang mga kapatid ko. Sa ngayon ay nakakakain na kami ng tatlong beses sa isang araw. May ipon na rin ako at kaunti na lamang ay makakalipat na kami sa mas disenteng apartment,” sagot ni Karen sa nanginginig na tono.
Bigla namang napahagulgol ang ama at nagsusuntok sa pader.
“Anak… Patawarin mo ako… Babalikan ko kayo at magpapaka-tatay na ako…”
“‘Tay, wala na si nanay… Hindi mo ba alam?”
Lalo namang bumulahaw ng iyak ang ama. “Hindi, anak… Hindi… Patawarin mo ako… Hindi sana ito mangyayari kung nagsumikap ako sa buhay…”
“Naku, Karen. Umuwi ka na muna at magpahinga… Sige na…” naaawang nilapitan ito ni Princess.
Pag-uwi sa kanilang tahanan ay agad na niyakap ni Karen ang mga kapatid.
“Aayusin natin ang ating buhay sa tamang paraan… Mahal na mahal ko kayo,” saad niya sa mga ito.
Ilang sandali pa lamang ay kumakatok na sa kanilang pintuan ang kaniyang tatay.
Pagbukas na pagbukas ng pinto ay naglumuhod ito.
“Mga anak… Magsisimula tayong muli. Hindi ko hahayaan na magkahiwa-hiwalay tayong muli. Patawarin ninyo ako…”
Mula noon ay sinipagan ni Mang Julius nang husto ang trabaho sa construction. At dahil sa ipinakita nitong tiyaga at husay sa pagtatrabaho ay kinuha itong foreman ng kaniyang kumpare.
Mula noon ay nangungumisyon na siya sa mga proyektong ginagawa nila.
Sa edad na 19 ay pumasok muli sa elementarya si Karen at dahil sa talino niya’y nilaktawan na niya ang hayskul at direktang nakapag-kolehiyo.
Ang dating palaging walang lamang sikmura niya at ng mga kapatid ay napuno ng pagkain at pagmamahal mula sa ama.
Sa lahat ng mga amang naligaw ng landas, hindi pa huli ang lahat. “Tomorrow is another day,” ‘ika nga.