
Pito na ang Anak ng Mag-Asawa Ngunit Ayaw Pa Ring Tantanan ni Mister si Misis; May Plano Pala ang Mister na Ikagugulat ng Ginang
“Marco, mamaya ka na lang gumawa ng assignment mo. Ayos lang ba? Pakibantayan mo muna si bunso. Tatlong araw na akong walang ligo. Nangangati na ako!” mahinahong pakiusap ni Lina sa panganay na anak.
“Sige, mama ako na ang bahala dito. Kumain at maligo ka na. “
Maski pagod na pagod na’y tila napawi ang busangot sa mukha ni Lina habang pinagmamasdan ang mga anak lalo na ang kaniyang panganay. Lumaki itong responsable at maaasahan gaya ng kaniyang asawang si Baldo.
Arkitekto ang kaniyang mister at malaki ang sinasahod nito. Magwawalong taon na ito sa pinapasukang construction company. ‘Yon nga lamang ay hindi pa rin sila talaga namumuhay ng sobrang luwag sapagkat tatlo ang kanilang estudyanteng anak at apat naman ang umiinom ng gatas. Maski gustuhin ni Lina na pasus*hin ang apat ay hindi na kaya ng katawan niya. Kaya’t tanging ang bunso na lamang niyang si Macy ang napapas*so niya.
May kaya ang mga magulang nila ngunit ayaw na ayaw ni Baldo na humingi ng tulong sa mga ito. Katwiran nito’y may sideline naman siyang buy and sell ng mga cellphone at iba’t-ibang gadgets at tuwing nakapagtatapos ng mga proyekto ay nakakakuha ito ng malaking bonus.
‘Di biro ang matrikula sa pribadong eskuwelahang pinapasukan ng tatlo nilang anak kaya’t madalas ay pinatatakbo na rin ni Lina ang online buy and sell na negosyo nilang mag-asawa.
Pawis na pawis si Baldo habang tinatapos ang disenyo ng bahay na ginagawa.
“Bakit hindi ka magbukas ng aircon, Baldo? Para kang stockholder sa kumpanya natin. Pati kuryente’y tinitipid mo,” wika ng milyonaryong boss nito na si Sir Arthur.
“Huwag kayong mag-alala sa akin, boss. Basta yong bonus ko sa susunod na taon, huwag mong kalilimutan ha,” nakangising saad ni Baldo.
Natawa naman si Arthur sa sinabi ng dakilang empleyado at naalala ang kanilang usapan limang taon na ang nakalipas.
“Ang lupit mo rin, p’re. Tatlong taon pa lang kayong kasal ni Lina, nakakatatlong anak na kayo. Naalala ko pa noong nagde-date pa lamang kayo ng misis mo. Hindi ko pa naitatayo itong kumpanyang ito. Talagang nakikipag-away ka sa mall dahil pinagtitinginan siya ng mga lalaki. Ngayon ay secured na secured ka na. Na-tatluhan mo na eh,” pagbibiro ni Arthur.
“Hindi pa tapos ‘yan,” nakangiting wika ni Baldo.
“Aba, ilan ba ang balak mo, p’re?”
“Kayo boss, naliliitan ba kayo sa kargada ko? Ilan ba sa tingin ninyo ang kaya ko?” humahalakhak na sagot ni Baldo.
“Sa ikawalong taon ng kumpanyang ito, kapag may walo ka nang anak ay bibigyan kita ng bonus na walong milyon. Kahit magpirmahan pa tayo!” nanghahamong saad ni Arthur.
Hindi naman naniniwala si Baldo at napahagalpak na lamang sa katatawa ngunit agad kumuha ng papel at bolpen si Arthur at saka siya pinapirma.
“Ako, si Arthur del Mundo, may-ari ng Strong Foundation by Architect Arthur ay nangangakong magbibigay ng P8,000,000.00 sa aking kumpare at empleyadong si John Robin “Baldo” Crisostomo kapag siya at ang asawa niyang si Rizalina Crisostomo ay nakapagsilang ng eksaktong walong anak sa ika-walong taong anibersaryo ng aking kumpanya .”
Naroon ang pirma ni Arthur at agad namang pinirmahan din iyon ni Baldo.
Agad namang tumungo si Arthur sa kanilang company lawyer at ipina-notaryo ito.
“Luh, baliw ka talaga boss! Seseryosohin ko ‘yan ha. Ngayon pa lang ay dodoblehin ko na ang dosage ng aking bitamina!” pananakay ni Baldo sa kaniyang boss.
Nagulat naman ang lalaki nang bigla siyang tapikin sa likod ni Arthur.
“P’re, kung may isang tao akong pag-aalayan ng buhay at lahat ng pera ko dito sa mundo, ikaw yon,” tila naluluha pa ito.
Katunaya’y kundi dahil kay Baldo ay hindi makapagtatapos ng pag-aaral si Arthur.
Nasa kolehiyo sila nang maghirap ang pamilya ni Arthur dahil nalulong sa sugal ang ama nito. Ngayon ay ulilang lubos na si Arthur at pinili nitong huwag mag-asawa sa ‘di malamang dahilan. Hindi naman na ito inusisa pa ni Baldo.
Palibhasa’y bata pa lamang ay mahilig na sa buy and sell si Baldo, lahat ng ipon nito’y inilalaan niya sa pag-aaral ng kaibigan.
Nangako ito na kahit anuman ang mangyari ay sabay silang magtatapos at aasenso sa buhay. Ngunit nang lumaon ay naungusan pa nga siya ni Arthur. Naging matagumpay kasi ang construction company na itinayo ng matalik na kaibigan.
Kahit ganoon ay walang sama ng loob si Baldo maging si Lani kay Arthur. Bagkus ay masayang-masaya pa silang mag-asawa para dito.
Minsan ay kinakapos ang mag-asawa sa dami ng hinuhulugan gaya ng kanilang bahay at sasakyan ngunit ni minsan ay hindi nangutang ang dalawa kay Arthur.
“Hindi binabayaran ang utang na loob, p’re. Ipinapasa iyan sa ibang tao,” ito ang prinsipyo ni Baldo na lubos na hinahangaan ni Arthur.
Hindi naman talaga inaasahan ni Baldo ang perang iyon mula sa kaibigan ngunit tuwing nakikita niya ang asawang pagod na pagod at labis na nahihirapan sa araw-araw, lalo pa’t walang nagtatagal na kasambahay sa kanila sapagkat napakakulit ng mga anak nilang maliliit ay nangangarap pa rin si Baldo na maging sadyang maluwag na ang kanilang buhay upang maalalayan naman niya ang asawa sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.
Isa lamang ang problema ni Baldo. Ayaw nang makipagtal*k ng misis sa kaniya dahil kadalasan ay pagod ito at walang gana.
Hanggang sa sumapit ang kaarawan ni Baldo. Maaga siyang natulog sa tabi ng bagong ligong misis at doon naganap ang kanilang muling pagtatabi.
Matapos ang tatlong buwan ay nadatnan niyang umiiyak ang misis habang hawak ang pregnancy test kit.
“Ito na naman tayo. Hindi ko na alam.”
Upang mapalakas ang loob ng misis ay napilitan nang ipagtapat ni Baldo ang lahat ngunit sinabi naman ni Lisa na hindi dapat asahan ito sapagkat baka nagbibiro lamang si Arthur. Gayunpaman ay itinuturing nilang blessing ang batang nasa sinapupunan ni Lisa.
“Kahit mahirap, kakayanin natin,” ito ang pangako nila sa isa’t-isa.
Habang masayang nanananghalian ang mag-asawa at pitong anak ay nakatanggap ng tawag si Baldo mula sa tiyahin ni Arthur.
“Wala na si Arthur, sumuko na siya sa kaniyang karamdaman,” malungkot na ibinalita ng ginang.
“Baldo, sa iyo niya ipinamana ang kaniyang mga ari-arian kasama ng kumpanyang itinaguyod niya. Gusto kong malaman mo na masaya ako para sa iyo at wala kaming balak maghabol na mga kapamilya niya. Nararapat lang ang ginawa ng aking pamangkin. Salamat sa iyo, hijo. Dahil sa iyo’y naranasan niya kung ano ang pakiramdam ng magkaroon ng kapatid at mabuting kaibigan,” umiiyak na saad ng ginang.
Napahagulgol na lamang si Baldo sa narinig at takang-taka si Lina kung bakit.
Nabitin ba kayo sa kuwento? Ang utang na loob ay hindi binabayaran bagkus ito’y ipinapasa sa ibang nangangailangan. Sang-ayon ba kayo rito?