Inday TrendingInday Trending
Idineklarang Wala nang Buhay ang Ginang sa Ospital; Nangilabot ang mga Nars nang Bigla Itong Bumangon Matapos Marinig ang Tinig ng Doktor

Idineklarang Wala nang Buhay ang Ginang sa Ospital; Nangilabot ang mga Nars nang Bigla Itong Bumangon Matapos Marinig ang Tinig ng Doktor

“Sige, ire! Isa pa, kaya mo yan!” pagpapalakas ng loob ng nars na si Janice sa matalik na kaibigang si Cathy.

“Iyan na nga, napakaguwapo. Kamukhang-kamukha ni Daniel,” nagtatatalon pang saad ni Janice.

Pinagmasdan niyang maigi ang anak kahit hinang-hina na siya. Agad na ipinatong sa ibabaw ng kaniyang dibdib ang sanggol. Kumpleto ito mula ulo hanggang paa at napakalakas ng iyak. May dalawang balat ito sa bisig na tila hugis puso. Mukhang napakalusog ng bata.

Tuluyan nang nawalan ng malay si Cathy matapos yakapin at titigan ang bagong silang na panganay.

“Eric Dan Romero. Iyan ang kabilin-bilinan ni Cathy na ipangalan sa inaanak ko, huwag na huwag kayong magkakamali sa ispeling!” mataray na utos ni Janice sa admin staff ng ospital.

Kahit matalik na magkaibigan ay magkaibang-magkaiba ang ugali nila Janice at Cathy. Si Janice ay bungangera at palaban samantalang si Cathy naman ay napakahaba ng pasensiya, mabait at tahimik lamang.

At dahil nga maraming kaaway si Janice sa pinagtratrabahuhang ospital ay naganap ang isang mapait na karanasan.

“Ihanda mo na yong bata. Alas dos, pagpapalitin na natin,” wika ni Mika sa kasamahang si Ferdie.

“Sure na ba tayo rito? Natatakot at nakukunsensya ako!” mahinang tugon ni Ferdie.

“Isipin mo na lang kung paano ka pinaasa at niloko ng malditang si Janice! Saka tandaan mo, kapag ‘di mo napaoperahan agad ang tatay mo… Alam mo na ang susunod na mangyayari,” naiiritang saad ni Mika.

Pinagpalit nila ang malusog na anak ni Cathy sa isang batang walang mga kamay at paa.

Kinontrata kasi sila ng misis ng isang mayamang negosyanteng intsik na si Mrs. Chua. Kapag nalaman daw kasi ng mister nito na hindi normal ang kanilang anak ay hihiwalayan siya nito at ni piso ay hindi siya makakatanggap ng mana. Kapalit nito ay makakatanggap sila ng tig-isang milyon.

“Hindi ako naniniwala na ito si Eric Dan! May nangyaring anomalya sa ospital na ito!” galit na galit na saad ni Janice.

Palibhasa’y hindi maganda ang kredibilidad ni Janice sa mga kasamahan ay walang naniwala rito.

Gumastos pa mismo si Janice ng malaking halaga upang ipa-DNA test ang may kapansanang sanggol nang mapatunayan ang tinutukoy na anomalya ngunit trinabaho ni Mrs. Chua ang lahat ng resulta ng mga iyon.

“Wala na tayong magagawa. Nang araw na iyon ay lasing na lasing ako sa isinaksak sa aking epidural at kung ano-ano pang pampamanhid. Ikaw naman ay wala pang tulog ng dalawang araw. Tanggapin na lang natin ang katotohanan, Janice,” mahinahong tugon ni Cathy sa kaibigan.

Sinisisi ni Janice ang sarili sa nangyari. Ngayon ay ang kaibigan niya ang nagdurusa dahil sa ginawa ng kaniyang mga kaaway ngunit wala siyang magawa sapagkat sa likod ng kaniyang pagtatangkang pagkakaso sa ospital ay minamanipula at tinutumbasan ng pera ni Mrs. Chua ang lahat ng taong nilalapitan niya maski ahensya ng gobyerno upang hindi masiwalat ang katotohanan.

Lumipas ang ilang taon at hirap na hirap si Cathy na palakihin ang anak na may kapansanan. Sinabihan pa siya ng mga doktor na sa tingin nila’y siya ay nagbibisyo habang nagdadalang-tao kaya’t nagkaganoon ang kaniyang anak.

Paniwalang-paniwala si Cathy na ang batang may kapansanan ang tunay niyang anak. Maski pinagdidiinan ni Janice ang katotohanan sa kanilang mag-asawa.

Mula umaga hanggang gabi ay todo kayod ang mister nito na si Daniel upang mabili ang mga pangangailangan ng anak na si Eric Dan. Bukod kasi sa kapansanan nito ay may sakit pa ito sa puso at late ang development ng isip nito.

Maging si Cathy ay nagtitinda na rin ng kung ano-ano upang mapagkasya ang kinikita ng mister sa kanilang mga pangangailangan.

“Cathy!!! Si Janice! Natagpuan daw na wala nang buhay sa ilalim ng tulay!” nanginginig na binalita ng mister kay Cathy ang nangyari sa kaibigan.

Tinapos ni Janice ang sarili niyang buhay. Marami raw kasi itong pagkakautang at kabit din daw ito ng isang pulis. Tinapos na raw ng pulis ang kanilang relasyon at hindi ito nakayanan ni Janice.

Duda ang mister na si Daniel sa nabalitaan. Lalo namang nagpuyos ang damdamin ng mag-asawa sa nangyari.

Pinabuksan nila ang kaso ukol sa naganap sa ospital ngunit nanatiling makapangyarihan ang angkan nila Mrs. Chua.

Wala silang kamalay-malay na ang tunay nilang anak ay isa na palang doktor. Pinangalanan itong Andrew.

Sa sobrang sama ng loob at pagod ni Cathy ay tuluyang bumigay ang puso ng ginang. Nawalan ito ng malay at agad isinugod ni Daniel sa ospital.

“Sir, wala na hong pulso ang asawa ninyo ngunit gagawin namin ang lahat upang irevive siya,” maamong tinig ng doktor na si Doc Andrew Chua.

Natulala si Daniel sa mukha ng doktor na iyon. Tila nakaharap siya sa salamin habang kausap ito.

Malaki ang mga mata, matangos ang ilong at makitid ang bibig.

Tila nakaramdam ang lalaki ng matinding lukso ng dugo.

“Time of de@th: 1:07 AM,” malungkot na saad ni Dr. Chua.

Palabas na sana ng emergency room si Andrew nang biglang bumangon ang nakaratay na si Cathy.

“Anak…..” mahinang wika niya.

Napatayo ang mga nars at doktor na nakasalampak sa sahig na pagod na pagod sa kaka-CPR sa ginang ng halos dalawampung minuto.

“This is a miracle! Bumalik ang heartbeat!” nanlalamig na sigaw ni Andrew.

“Anak, yakapin mo ako…”

Nagtinginan ang mga staff sa loob ng emergency room.

“Doc, naghahallucinate po siya. Inject po ba tayo ng pampakalma?” pinagpapawisang tanong ng isang baguhang nars.

“Wait. Stop.”

Agad lumapit si Andrew sa di kilalang ginang at niyakap ito.

Lalong napanganga ang mga nars at doktor na nakapalibot sa kanila.

Hindi man siya umiimik ay alam niya ang tunay niyang pagkatao.

Mahigit tatlong dekada na rin niyang hinahanap ang tunay niyang mga magulang. Kakaiba ang naramdaman niya nang makaharap si Daniel at lalo nang mayakap si Cathy.

“Ikaw ang tunay kong anak. Ikaw.” Sabay himas sa dalawang balat nito sa bisig.

Kinilabutan sa narinig si Andrew.

Matapos niyang kausapin ang tunay na mga magulang ay naglatag siya ng plano.

“Mom, I’m very busy these past few weeks. I will just go to the United States to refresh,” pagpapaalam ni Andrew sa inang si Mrs. Chua.

“Go ahead, son. Do you need more money?”

“Mom, I am planning to buy a house there. ‘Di ba sabi mo nga gusto mo mayaman ang mapangasawa ko? May ipapakilala ako sa iyo. US citizen at mayamang-mayaman ang mga magulang. Isa pa’y intsik din siya gaya ko. I need 20 million pesos,” nakangiting saad ng binata.

“Of course, son. Anything… Anything you want,” at agad itong nag-abot ng cheke.

Nang maayos ang lahat ay dinala ni Andrew si Cathy at Daniel sa Amerika at doon nagpasailalim sa DNA test.

Siniguro niyang hindi na mapapakialaman pa ng ina ang kaniyang mga plano kaya’t sa matalik na kaibigang si Regine siya lumapit.

May-ari kasi ito ng isang malaking klinika at laboratoryo sa California.

Nang lumabas ang resulta’y masayang-masaya ang mag-iina.

Agad silang umuwi at nagsampa ng kaso laban kay Mrs. Chua. Ilang araw lamang ang lumipas ay naaresto na ito. Napatunayan ding hindi tinapos ni Janice ang sarili niyang buhay bagkus ay pinaligpit ito ni Mrs. Chua.

Muhing-muhi naman ang nakagisnan niyang ama na si Mr. Chua sa misis.

Maski nalaman nitong ‘di niya tunay na anak si Andrew ay patuloy pa rin niya itong sinuportahan.

Napahagulgol pa ang mayamang negosyante nang magtagpo sila ng tunay na anak na nakagisnan na nilang tawaging Eric Dan.

“Anak, hindi kita ikinakahiya kahit pa ano’ng lagay mo. Babawi ako sa iyo,” umaagos pa ang luha ng mayamang negosyante.

Maski hindi nakakapagsalita ng tuwid ay mababatid sa mukha ni Eric Dan na tuwang-tuwa ito sa nangyayari. Umaagos na rin ang luha sa mga mata ng pobreng binata.

Sunod nilang ipinahanap at ipinaaresto si Ferdie at Mika.

Ang lahat ng kinasuhan nila’y nahatulan ng panghabangbuhay na pagkakabilanggo.

Masayang-masayang namuhay ang pamilya nila Cathy at Daniel kasama ang anak na si Andrew. Hindi na nila pinalitan pa ang pangalan ng anak kahit ngayon ay napakarami na nilang pera sapagkat binigyan sila ng malaking halaga ni Mr. Chua upang makatulong sa kanilang pamilya.

Minsan ay dinadalaw nila si Eric Dan sa poder ni Mr. Chua at masayang-masaya at buhay prinsipe ito roon.

Naniniwala ba kayong walang sikretong hindi nabubunyag?

Advertisement