Inday TrendingInday Trending
Ang Akala ng Binata ay Mananatili Siyang Car Wash Boy sa Poder ng mga Umampon sa Kaniya; Magandang Kapalaran Pala ang Naghihintay sa Kaniya

Ang Akala ng Binata ay Mananatili Siyang Car Wash Boy sa Poder ng mga Umampon sa Kaniya; Magandang Kapalaran Pala ang Naghihintay sa Kaniya

Sa edad na sampung taon ay ulilang lubos na si Jonas. Ibinenta siya ng mga walang kwenta niyang magulang sa malupit na mag-asawa, hindi para gawing anak kundi para alilain.

Sa halagang limangpung libo ay binili siya nina Gloring at Paldo upang gawing trabahador sa negosyong car wash ng mga ito.

Hanggang sa tumuntong sa edad na disi-sais si Jonas ay hindi siya itinuring na anak ng mag-asawa, ni hindi siya pinag-aral ng mga ito. Kung may iba nga lamang na pagpipilian ay ayaw na niyang manatili roon pero wala naman siyang magagawa, kaya sa isip niya ay habambuhay na nga yata siyang magiging tiga-linis ng mga sasakyan.

“Hoy, Jonas, l*ntek ka! Ang kupad mong kumilos, hindi ka pa rin tapos diyan!” inis na sabi ni Gloring sa binata.

“Matatapos na po. Mahirap po kasing linisin ang kotse na ito, puno po kasi ng putik,” sagot ni Jonas.

“Bilisan mo na at marami ka pang lilinisin. Kapag hindi mo natapos ‘yan ngayong araw ay hindi ka kakain,” segunda naman ni Paldo.

Araw-araw ay puro sermon ang inaabot niya sa mga umampon sa kanya. Minsan ay sinasaktan din siya ng mga ito kapag naiinis sa kanya at kapag minalas-malas pa siya ay ginugutom din siya.

Binalak na niya noon na layasan ang mga amo pero mas nananaig pa rin sa kanya ang pagkakaroon ng utang na loob kahit pa walang ginawa ang mga ito kundi pahirapan siya, kutya-kutyain at ipahiya.

“G*go, bobo! Paglilinis lang ng sasakyan ay tatanga-tanga ka pa! Tama lang talaga na hindi ka namin pinag-aral, sayang lang ang perang gugugulin namin sa iyo. Makuntento ka na lang na maging car wash boy dahil hanggang diyan lang naman ang kaya mong marating,” hirit pa ni Gloring nang minsang nagkamali siya sa trabaho. Pinagtinginan tuloy siya ng mga kasama niyang tiga-linis din ng kotse.

Sa inis ay dinagukan siya ni Paldo na muntik na niyang ikabuwal.

“Tarant*do ka! Ayusin mo trabaho mo! Hindi ka pinapalamon dito para maging walang pakinabang. Ano pang hinihintay mo? Kuskusin mong mabuti ‘yan!” wika ng lalaki na tinadyakan pa sa tagiliran si Jonas.

Kahit iniinda ang sakit sa katawan ay ipinagpatuloy niya ang paglilinis.

Isang araw ay tambak na naman ang trabaho. Maraming nagpapalinis ng kotse kaya aligaga na naman si Jonas. Nag-day off ang dalawa niyang kasama kaya mag-isa lang siyang tiga-linis doon. Ni hindi pa nga siya nakapag-almusal man lang at agad na sumalang sa ginagawa. Maya-maya ay tinawag siya ni Paldo.

“Hoy Jonas, unahin mong linisin ‘yang kotse na iniwan nung dalawang kustomer kanina. Babalikan daw nila ‘yan pagkaraan ng isang oras kaya kailangan na malinis na malinis ‘yan ha? Malaki ang ibinayad sa akin diyan at isa pa, ang bilin nila ay huwag na huwag papakialaman ang kotse, linisin mo lang at wala ka nang ibang gagalawin, maliwanag ba?” anito na ang tinutukoy ay ang dalawang misteryosong lalaking kustomer na nag-iwan ng sasakyan ng mga ito.

“O-opo,” tangi niyang tugon.

Sa kalagitnaan ng paglilinis niya ng kotse ay narinig ni Jonas na tila may umuungol sa loob niyon. Hindi naman niya masilip mula sa labas ang loob dahil tinted ang salamin, pero ilang minuto lang ay nalaman niyang nangmumula iyon sa compartment ng sasakyan.

Sa una ay hindi niya pinansin iyon hanggang sa may narinig siyang mga kalukos at kalampag sa loob ng kotse.

“Naku, siguradong may tao nga sa loob,” kinakabahang sabi niya sa isip.

Kahit pinagbawalan siya ng amo na huwag galawin ang kotse ay pilit niyang ginawan ng paraan upang mabuksan ang sasakyan at laking gulat niya nang tuluyan itong mabuksan dahil bumungad sa kanya ang isang batang babae na nakatali ang mga pa at kamay, may busal ang bibig, at pawis na pawis.

“Diyos ko! Anong ginagawa ng batang ito rito?!”

Mabilis niyang kinalag ang pagkakatali sa bata, inalis ang busal nito sa bibig at agad niyang dinala sa presinto.

Napag-alaman niya na ang batang iniligtas niya ay isang kidn*p vict*m at ang may kagagawan ay ang dalawang lalaking nagpalinis ng kotse sa car wash. Ayon sa salaysay ng bata ay dinukot ito ng mga armadong lalaki habang naglalaro sa labas ng bahay nito.

Dahil sa ginawa ni Jonas ay mabilis na nahuli ng mga pulis ang mga kidn*per at naipakulong. ‘Di nagtagal ay dumating na rin ang mga magulang ng bata para sunduin ito. Mas lalo niyang ikinagulat nang malaman niya na ang batang tinulungan niya ay anak pala ng napakayamang mag-asawa.

“Maraming salamat sa pagliligtas sa aming anak, hijo. Napakabuti mo,” wika ng ina ng bata.

“Kung ‘di dahil sa iyo ay hindi maibabalik ang anak namin. Hulog ka ng langit,” sabi naman ng asawa ng babae.

Sa sobrang tuwa at pasasalamat kay Jonas ay ginantimpalaan siya ng mga ito. Kinupkop siya ng mag-asawa at sinabing doon na rin siya titira sa bahay ng mga ito.

Walang nagawa sina Gloring at Paldo nang isama siya ng mag-asawa sa mansyon kung saan nakatira ang mga ito. Inasikaso agad ng bago niyang mga magulang ang proseso ng pag-aampon sa kanya hanggang sa legal na naayos ang lahat at ganap na siyang parte ng pamilya. Tuwang-tuwa rin ang batang iniligtas niya na ang pangalan ay Brianna dahil mayroon na itong kuya na kagaya niya.

Pinag-aral siya ng mga bagong umampon sa kanya at minahal na parang tunay siyang anak. Makalipas ang maraming taon ay nakatapos din siya ng pag-aaral at umasenso sa buhay bilang isang negosyante.

‘Di pa rin makapaniwala si Jonas na sa simpleng pagliligtas niya sa kanyang kapwa ay biyaya pala ang kapalit. Ang buhay nga naman ay mahiwaga, ‘di po ba?

Advertisement