Pinatulan ng Lalaki ang Amo Niyang Babae Dahil sa Utang na Loob; Maisip pa Kaya Niya na Mali ang Ginawa Niya?
Isang gabi ay muling nagtagpo sina Robert at Georgia sa kusina. Ang mga mata nilang nangugusap ay alam na alam na kung ano ang kanilang gagawin.
“G-Georgia,” wika ni Robert.
“O, namiss agad kita,” tugon naman ni Georgia na niyakap nang mahigpit ang lalaki saka pinupug ng halik sa leeg at sa labi.
“S-dandali lang, maliligo muna ako,” anito.
“Sasamahan kita. Sabay na tayong maligo,” wika pa ng babae.
Pagpasok nila sa banyo ay kapwa nadarang na sila sa init ng apoy kaya wala nang iniisip na kahihiyan.
“R-Robert, sige pa, paligayahin mo ako! Oohh!” umuungol na sabi ni Georgia habang pinapaliguan siya ng halik ng lalaki.
“Ang bango-bango mo,” wika pa ni Robert.
Lingid sa kaalaman nila ay naririnig na pala sila ng mga kasambahay ni Georgia.
“Sinasabi ko na nga ba, eh. Ubod talaga ng kati itong si senyora. Nakukuha pang lokohin si senyorito,” wika ng katulong na si Sabel.
“Oo nga eh, pati itong si Robert na family driver natin ay pinatulan. Eh, may asawang tao ‘yun at kasama pa natin dito sa bahay, Tsk, tsk…kapag tawag ng laman talaga ang pinairal,” umiiling sa sabi ng isa pang katulong na si Lolit.
“Akala siguro nila ay hindi natin maririnig ang mga ginagawa nila sa loob ng banyo dito sa kusina. Wala silang kamalay-malay na gising pa tayo,” natatawa namang sabi ng katulong na si Hilda.
Bukod sa kanila ay may alam na rin pala ang asawa ni Robert na si Remy sa lihim na relasyon ng mister sa among babae. Si Remy ay ang labandera sa bahay na iyon ni Georgia.
Nang matapos ang lampungan nina Robert at Georgia ay bumalik na sa kwarto ang lalaki, ang hindi niya alam ay kanina pa siya hinihintay doon ng asawa niya para komprontahin.
“Walang hiya ka! Baboy!” galit na galit nitong bungad sa kanya sabay ginawaran siya ng malakas na sampal.
“Sh*t! Ano bang kalokohan ito, ha?” gulat niyang tanong.
“Kalokohan? Bakit hindi mo itanong sa senyora mo?” tugon ng nanggagalaiting misis.
Nanlaki ang ang mga mata ni Robert sa tinuran ng asawa. Alam na nito ang relasyon niya sa amo nilang si Georgia.
“Hindi ako bulag, Robert, lalong hindi ako tanga! Akala mo hindi ko malalaman na nagkikita kayo sa tuwing sasapit ang hatinggabi? Paano mo nagawa sa akin ito? Hindi porket malaki ang utang na loob natin sa kanya ay pati sarili mo’y handa mong ibayad. Kaya kong magpaalipin habang buhay sa kanya huwag lang ikaw ang maging kabayaran. Mahiya ka naman sa akin at sa anak mo!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Remy.
Wala nang nagawa si Robert kundi ang magsabi ng totoo.
“I-inaamin ko, Remy na natukso ako, patawarin mo ako,” aniya sa nagsusumamong tono.
“Kung talagang natukso ka lang, maaari ka pa ring umiwas dahil aalalahanin mo kami ng anak mo. Hindi na namin matitiis na hinahaluan mo ng kababuyan ang ipinapakain mo sa amin. Hindi ko kayang may kahati sa iyo, lalo pa’t amo pa natin ang pinatos mo,” buong hinanakit na sabi ng kanyang misis na inilabas na ang maleta at ginayak ang mga gamit para umalis.
“Huwag mong gawin ‘yan, nakikusap ako, huwag kayong umalis,” sambit niya ngunit hindi niya napigilan ang asawa, kasama ang isang taon pa lamang nilang anak ay umalis ito sa bahay na iyon na kanilang pinaglilingkuran. Hindi na kaya pa ng misis niya na may namamagitan sa kanila ng kanyang amo.
Ang totoo ay malaki ang utang na loob nilang mag-asawa kay Georgia dahil nang malagay sa bingit ng k*mat*yan ang anak nila sa ospital dahil sa kumplikasyon sa puso ay ang amo ang nagpagamot at gumastos para maisalba ang buhay nito. Nang maging maayos ang lagay ng kanilang anak ay ipinangako ni Robert sa sarili na gagawin niya ang lahat, makabayad lang ng utang na loob sa kanilang among babae. Ngunit hindi naman niya inakala na may lihim na pagtingin sa kanya si Georgia at ang hiningi nitong kapalit ay ang pagtugon niya sa tawag ng laman nito. Hindi na niya naiwasan iyon, pinagbigyan niya ang amo hanggang sa nadarang na rin siya, natukso na rin siya sa kagandahan ni Georgia. Lalaki siya kaya hindi niya napaglabanan ang sarili na magustuhan din ang kanyang amo.
Ano ba ang mas matimbang para kay Robert, ang pagbabayad ng utang na loob o ang kanyang mag-ina? Hahayaan ba niya na dahil sa hindi maiwasang tukso ay masisira ang pamilya niya?
Kinaumagahan, nagpahatid sa kanya si Georgia sa opisina. Habang nagmamaneho ay hindi nito napigilan ang init na nararamdaman at hinawakan ang maselang parte niya. Napapitlag si Robert sa ginawa ng amo.
“Senyora, baka po tayo mabangga, huwag niyo pong gawin iyan,” sabi niya.
“Ewan ko ba kung bakit hindi ko maiwasang gawin ito sa iyo, hummn,” sagot ng babae na hindi itinigil ang ginagawa. “Ngayon lang ako nabaliw nang ganito. Wala sa kalingkingan mo ang inutil kong asawa pagdating dito,” dagdag pa nito.
Inalis ni Robert ang kamay ni Georgia sa kanyang kaselanan.
“Ayoko na po ma’am,” aniya.
Ikinagulat ni Gerogia ang reaksyon niya.
“B-bakit? Siguro ay may nakita ka nang iba?” tanong nito.
Umiling si Robert.
“Wala po, kung mayroon tayong dapat makita ay iyong mga nasasaktan sa ginagawa natin. Hindi ko po nakakalimutan na napakalaki ng utang na loob namin sa inyo ng aking asawa pero mali na po ang nangyayari sa atin, ma’am,” tugon niya.
Nakaramdam ng hiya sa sarili si Georgia.
“Nabalitaan ko nga na umalis na ang asawa mo sa bahay. Alam na ba niya ang tungkol sa atin?”
Tumango si Robert.
“Iniwan na po ako ng mag-ina ko, at huwag niyo pong hintayin na iwan din kayo ni sir, dahil masakit,” aniya.
“Kung gayon ay aalis ka na rin? Iiwan mo na ako?” tanong pa ni Georgia na bakas ang lungkot sa mukha.
“Napagtanto ko nang iwan nila ako, mahirap umahon mula sa pagkakamaling paulit-ulit ginagawa,” sambit ni Robert.
“Naiintindihan kita. Mabuti nga hanggang maaga’y natigil ang kabaliwan ko. Ngayon ko nadamang nakukunsensiya na rin ako,” mahinang tugon ni Georgia.
At doon na nagpasiya ang dalawa na mas mahalaga ang hinaharap kaysa sa tawag ng laman. Matapos na ihatid ni Robert ang amo sa opisina ay nagpaalam na siya rito na aalis na sa trabaho. Ibinigay naman ni Georgia sa kanya ang huli niyang sahod na dinagdagan pa nito ng malaking halaga, hindi na nga sana tatanggapin ni Robert ang pera pero sinabi sa kanya ni Georgia na malaki ang maitutulong ng halagang iyon upang muli siyang makapagsimula kasama ang kanyang mag-ina.
“Ihingi mo ako ng tawad kay Remy dahil sa naging marupok ako. Nalagay ko pa sa alanganin ang pagsasama ninyo at namin ng aking asawa,” pahabol pa ni Georgia na tuluyan nang nagpaalam sa kanya.
Ginawa ni Robert ang tama, hinanap at binalikan niya ang kanyang mag-ina.
“Magsimula uli tayo, Remy. Pinagsisisihan ko na ang nagawa ko, pangako na hindi na iyon mauulit pa. Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon,” wika niya sa asawa.
“Gawin mo, Robert. Huwag mong sabihin, huwag kang mangako, gawin mo,” tugon ng misis niya na muli siyang tinanggap.
Samantala, nagsisisi na rin si Georgia at nangakong hindi na pagtataksilan ang mister.
“Nagmukha akong tanga…hindi ko akalaing magagawa iyon ng isang edukadang tulad ko. Isinusumpa kong hindi na mauulit ang matukso pa akong muli sa iba, hinding-hindi na,” sambit niya sa sarili.
Ang tukso ay palaging nariyan lang sa paligid, nasa sa atin na lang kung hahayaan nating magpadala o umiwas dito.