Inday TrendingInday Trending
Nais ng Nobyong Sorpresahin ang Babaeng Mahal Niya; Ngunit Tila Siya Yata ang Nasurpresa sa Nakita

Nais ng Nobyong Sorpresahin ang Babaeng Mahal Niya; Ngunit Tila Siya Yata ang Nasurpresa sa Nakita

“Clark, sigurado ka bang babiyahe kang mula Bicol hanggang Manila para lang sorpresahin ang nobya mo?” tanong ng kaibigang si Harold.

“Oo p’re. Tatlong buwan ko na rin kasing hindi nakikita ang mahal kong si Sonya, kaya mas okay na rin ‘to,” nasasabik na wika ni Clark habang abala sa pag-eempake ng mga dadalhing damit.

“Alam mo p’re mas okay kasi kung ipaalam mo na lang sa kaniyang uuwi ka ng Maynila, para naman masundo ka niya,” suhestiyon pa rin ni Harold.

“Hmm… e ‘di hindi na iyon excited kung alam niyang uuwi ako. Mas okay ‘yong makita kong nagulat siya dahil nakita niya ako.”

“Ikaw na nga ang bahala. Iba rin talaga ang trip mo sa buhay,” sumusukong wika ni Harold.

Nasasabik na talaga si Clark na umuwi sa Maynila, dahil nasasabik na siyang makita ang kaniyang nobya. Siguradong miss na miss na rin siya nito. Tatlong buwan na rin kasi ang lumipas mula noong huli silang nagkita. Kaya malamang magugulat talaga ito kapag bigla na lamang siyang susulpot sa harapan nito.

Ilang oras din ang lumipas saka siya nakarating sa Manila. Pagod man sa biyahe ay hindi niya iyon alintana ang mahalaga para kay Clark sa ngayon ay ang mapuntahan kaagad si Sonya. Didiretso na nga siya sa apartment ng nobya, tutal alam naman niya ang passcode ng pintuan nito. Naiisip pa lang niya ang magiging itsura ng nobya ay natutuwa na siya.

Nang sa wakas ay nasa mismong apartment na siya ni Sonya ay hinanda na niya ang sarili kung paano ito susurpresahin. Pagbukas niya ng pintuan ay agad niyang ibinuka ang bibig upang isigaw ang salitang kanina pa niya prinaktis na sabihin, ngunit agad ring natigilan nang makitang magkan*iig ang nobya sa sarili nitong kama.

“C-clark?” Gulat na wika ni Sonya.

“S-sonya!” Hindi makapaniwalang wika ni Clark. “Paano mo nagawa ‘to sa’kin?” Nanginginig ang boses na wika niya.

“Clark, magpapaliwanag ako.”

“Anong paliwanag pa ang sasabihin mo sa’kin, Sonya? Gayong klarong-klaro sa paningin ko ang pagtataksil na ginawa mo!” mangiyak-iyak na wika ni Clark.

“I’m sorry Clark, hindi ko kinayang mapalayo ka sa’kin. Hindi ako nakaiwas sa tukso,” humihikbing wika ni Sonya.

“Alam mo Sonya, maiintidihan naman kita e,” umiiyak na wika ni Clark. “Mahirap naman talagang mapalayo sa taong mahal mo. Nahirapan din naman ako, minsan naiisip ko din na magpadala na lang tukso. Hindi mo naman malalaman hangga’t walang magsusumbong, pero hindi ko kaya Sonya.

Naiisip pa lang kita nakokonsensya na ako. Masyado kitang mahal at ginagalang. Buo ang tiwalang ibinigay ko sa’yo. Pero bakit kailangang saktan mo ako nang ganito. Sana nakipaghiwalay ka na lang sa’kin, matatanggap ko pa ‘yon. Sana sinabi mo nang mas maaga. Hindi na sana ako parang tang*ang mag-aabala pang puntahan ka!” Galit at nasasaktang wika ni Clark sa nobyang ngayon ay nakaluhod sa harapan niya.

“Mahal kita Clark, at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko.”

“Kung talagang mahal mo ako, Sonya, hindi kita makikita sa ganitong sitwasyon ngayon,” seryosong sambit ni Clark.

“Patawarin mo na ako,” umiiyak na pakiusap ni Sonya.

Tumango si Clark saka tinapunan ng masamang tingin ang lalaking kan*iig kanina ni Sonya. Nakayuko lamang ito at tila natatakot sa gagawin niya.

“Tatlong buwan lang akong nawala, ito na kaagad ang nasaksihan ko. Alam mo bang bumiyahe pa ako mula Bicol, kahit pagod ako mas pinili ko pa ring puntahan ka kaagad,” tumatangis na wika ni Clark. “Masakit man pero maghiwalay na tayo, Sonya.”

“Ayoko! Clark, isang pang pagkakataon. Please,” nakikiusap na wika ni Sonya.

“Kaya kong patawarin ka… pero hindi ko na kayang pagkatiwalaan ka pa. Ang hirap magtiwala ulit, Sonya.”

“P-pero Clark–”

“Ibibigay ko na siya sa’yo. Alagaan mo ah,” sambit niya sa lalaking kan*iig ni Sonya. “Huwag mong hayaang mangyari sa’yo ang nangyari sa’kin, dahil sasabihin ko sa’yo p’re, sobrang sakit na parang gusto kitang pat*yin. Pero hindi ko dudungisan ang mga kamay ko sa taong kagaya mo. Sana maging masaya kayo,” wika ni Clark saka tuluyang nilisan ang apartment ni Sonya.

Hinabol pa siya ng babae, ngunit talagang ayaw na niyang makipagbalikan pa rito. Darating din ang panahon na mawawala ang nakakamat*y na sakit na kaniyang nararamdaman ngayon, at mapapatawad niya si Sonya sa panlolokong ginawa. Oras lang ang makapagsasabi.

Advertisement