Inday TrendingInday Trending
Nangako ang Lalaki sa Batang Babaeng Hihintayin Niya ang Pagdalaga Nito; Matupad Niya Kaya Iyon?

Nangako ang Lalaki sa Batang Babaeng Hihintayin Niya ang Pagdalaga Nito; Matupad Niya Kaya Iyon?

“Danica, curious lang ako. Baka pwede mong sabihin sa’kin kung sino ang crush mo?” nanunuksong sambit ni Fina sa kaibigan.

“Ano ka ba naman, Fina? Pwede bang huwag mo na akong kulitin sa bagay na ‘yan?” inis na sagot naman ni Danica.

“Eh! Ayaw mo lang aminin na crush mo si Rafael, ‘yong bestfriend ng kuya ko,” patuloy pa rin nito sa panunukso.

“Oh! Ano naman kung crush ko siya? Crush lang naman ‘di ba? Hindi naman siguro masama kung magka-crush ako sa kaniya.”

“Alam ko. Kaso matanda na siya para sa’tin. Dose anyos pa lang kaya tayo, tapos sila kuya nasa bente tres na. Yuck, para mo na siyang tiyuhin,” ismid pa ni Fina.

Alam naman ni Danica ang bagay na iyon, ngunit ano naman kung matanda si Rafael sa kaniya ng labing tatlong taon? Paghanga lang naman ang nararamdaman niya para sa lalaki. Masyado lang talagang malisyosa si Fina.

Nandito siya ngayon sa bahay nila Fina– este lagi naman siyang narito sa bahay ng kaibigan dahil nakakainip mag-isa sa bahay nila. Kaya mas gusto pa niyang tumambay sa bahay ng kaibigan, para kahit papaano ay may makausap man lang siya.

“Hi Danica,” nakangiting bati sa kaniya ni Rafael, nang magkasalubong sila sa may gate.

“Hello po,” magalang namang bati ni Danica.

“Tatambay ka rito?”

“Opo,” magalang pa rin niyang wika.

“Grabe naman sa opo. Baka pwedeng tanggalin mo na ang paggalang mo sa’kin, pakiramdam ko tuloy ang tanda-tanda ko na,” nakangiting reklamo ni Rafael.

“H-ha?” wala sa sariling napakamot sa batok si Danica. “S-sige. Sabi mo e,” nauutal niyang wika.

“Ganiyan! Gusto ko maging kaswal ka lang sa’kin, kasi gusto kong huwag mong isipin ang agwat ng edad natin, Danica. Alam kong napakabata mo pa para ligawan, pero hihintayin kita hanggang sa maging handa ka na. Sabi nga nila, age doesn’t matter. Pero kapag niligawan kita ngayon baka makulong naman ako. Kaya handa akong hintayin ka Danica, dahil gusto talaga kita, noon pa,” seryosong pahayag ni Rafael.

“H-ha?” Wala na yata siyang ibang salitang alam ngayon kung ‘di “ha!”

“Pangako hihintayin ko ang pagdalaga mo,” anito sabay gulo ng buhok niya at saka siya nilampasan.

Seseryosohin ba niya ang sinabi ni Rafael? Baka pinagtitripan lang siya nito. Kaya nga ba talaga nitong hintayin siya? Ilang taon pa ang lilipas bago siya mag-disi otso. Anim na taon pa!

Mabilis na lumipas ang panahon at ngayon na nga ang 18th birthday ni Danica. Abala ang lahat sa paghahanda ng kaniyang kaarawan. Masaya siya dahil sa wakas, ganap na nga siyang dalaga.

“Danica.” Tawag ni Fina sa kaniya.

“Bakit?”

“Congratulations! Sa wakas, ganap na talaga tayong dalaga.” Masayang wika ni Fina na kaka-birthday lang din no’ng nakaraang buwan. “May tanong ako.”

“Ano na naman? Alam mo hindi ka na talaga naubusan ng tanong,” angal niya.

Agad namang tumawa ang kaibigan. “Gano’n talaga. Hindi ka na nasanay,” anito sabay hampas sa balikat niya. “Pero seryoso, umaasa ka pa rin ba sa sinabi noon ni Rafael?”

“Hindi na!” Agad niyang sagot. “Bakit pa ako aasa, kung halos tatlong taon na tayong walang balita sa taong ‘yon.”

“Sa bagay. Hindi na nga natin alam baka may asawa na pala s’ya. Siyempre matanda na ‘yon ngayon, kaya baka nga may sariling pamilya na siya.”

Tumatango-tango siya. Tama si Fina, baka nga may asawa na si Rafael. Ang huli nilang balita sa lalaki ay tatlong taon na ang lumipas. Nag-abroad ito at hindi na bumalik pa. Kaya bakit pa siya aasa sa pangakong alam naman niyang malabong matupad.

“Danica, maghanda ka na para sa eighteen roses dance mo,” kausap sa kaniya ng ina.

“Sige po ma,” nakangiting wika ni Danica at gano’n na nga ang ginawa niya.

Sa t’wing may mag-aabot sa kaniya ng roses ay agad siyang ngumingiti nang napakatamis at sumasabay sa indak ng musika. Masayang-masaya siya dahil bukod sa eighteen na siya’y nakita niyang mahal talaga siya ng mga magulang dahil nag-effort pa ang mga ito sa espesyal na araw niya.

“Labas na ika-deise-syenteng rosas,” umalingawngaw sa buong paligid ang boses ng emcee.

Laking gulat naman ni Danica nang lumabas ang kaniyang papa. “Bakit ikaw ang seventeen? ‘Di ba dapat ikaw ang panghuli,” nakangiting wika ni Danica.

“May espesyal na taong dumating,” maiksing sagot ng kaniyang ama na ikinasalubong ng kaniyang kilay.

Nang malapit ng matapos ang sayaw nila ng ama ay hinalikan muna siya nito sa pisngi. “Alam kong mas sasaya ang araw mo kapag nakita mo siya,” anito saka tuluyan siyang iniwan sa gitna ng bulwagan.

Nagtataka man ay hindi na lamang niya pinansin pa ang sinabi ng ama. Nang lingunin niya ang nilalabasan ng mga lalaking may dalang rosas ay halos tumigil ang mundo. Si Rafael na may hawak ng pang-huling rosas, nakangiti at mas lalong gwumapo.

“Nagulat ka ba?” Tanong nito na ngayon ay isinasayaw na siya. “‘Di ba sabi ko naman sa’yo hihintayin ko ang pagdalaga mo. Ngayon ganap ka na ngang dalaga at mas lalong lumutang ang ganda mo.”

“Bakit ngayon ka lang nagpakita?”

“Kasi ngayon na ang tamang panahon para tuparin ko ang pangako ko sa’yo.”

Pakiramdam ni Danica ay naputol na ang kaniyang dila dahil bigla na lang itong namanhid at hindi na niya kaya pang magsalita. Naiiyak siya, hindi dahil malungkot siya kung ‘di dahil sobrang saya niya. Akala niya talaga ay wala nang pag-asa pang matupad ang ipinangako ni Rafael.

“Eighteen ka na, kaya pakakasalan na kita.” Muling wika nito. “Will you marry me Danica?”

“Oo naman! Akala ko nga wala nang pag-asang magkaroon nang happy ending ang istorya natin. Kaya bakit pa ako magpapakipot,” naiiyak na wika ni Danica.

Sa sobrang saya ni Rafael ay walang pagdadalawang isip na hinapit niya ang beywang ni Danica at mariing hinalikan ang nakaawang labi ng dalaga. Age is just a number. Hindi basehan ang edad sa taong totoong nagmamahal. Sino nga bang mag-aakalang mahihintay nga talaga ni Rafael ang dalagang si Danica.

Mahirap panghawakan ang pangakong walang kasiguraduhan. Ngunit kung sadyang totoo ang damdamin niyo sa isa’t isa. Maaaring maging posible ang imposible.

Advertisement