Inday TrendingInday Trending
Walang Takot ang Binatang ito sa Pulis Niyang Ama, Mahuhuli pala Nito ang Kalokohan Niya

Walang Takot ang Binatang ito sa Pulis Niyang Ama, Mahuhuli pala Nito ang Kalokohan Niya

“Isa ka talaga sa pinakahinahangaan kong lalaki, pare! Isipin mo ‘yon, kahit isang pulis ang tatay mo, hindi ka natatakot na gumawa ng kalokohan! Ibang klase ka!” bati ni Lloyd sa kaniyang matalik na kaibigan, isang gabi nang puntahan siya nito sa bahay para lamang magpahanap ng babaeng gagamitin.

“Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakagagawa ng kalokohan. Lalo na kung tungkol sa babae at sa minamahal kong bisyo!” sagot ni Jordan saka agad na nagsindi ng kaniyang sigarilyo.

“Ano kayang gagawin ng tatay mo kapag nahuli ka niyang nagrerenta ng mga babae kasabay nang paggamit ng pinagbabawal na gamot, ano? Ipapakulong ka kaya niya o ipapawalang sala?” patawa-tawang tanong nito na labis niyang ikinatawa.

“Hindi ako t*nga para magpahuli, pare, ‘no! Palagi kong ginagawa ang bisyo ko sa ligtas na lugar na siguradong hindi pupuntahan ng tatay ko!” tugon niya nang may kumpiyansa sa sarili.

“Sana nga huwag kang mahuli habambuhay!” sabi pa nito habang panay ang pindot sa selpon, “O, ayan nakahanap na ako ng babaeng maaari mong galawin. Kaso, menor de edad, ha? Magdoble ingat ka!” wika pa nito saka siya tinapik-tapik sa likuran.

“Akong bahala, i-text mo na sa akin agad ang lokasyon niyang babaeng ‘yan!” utos niya pa rito saka agad na tinapon ang sigarilyo at binuksan ang makina ng kaniyang sasakyan.

Walang takot sa ama niyang pulis ang binatang si Jordan. Ilang beses man siyang pagsabihan nito tungkol sa bisyo niyang babalitaan nito kung kani-kanino, hindi niya ito pinapansin. Tumatango-tango lang siya saka ilalabas sa kabilang tainga lahat ng sermon nito dahil kumpiyansado siyang kahit anong kalokohan niya, hindi siya mahuhuli nito.

Kahit na halos araw-araw din siyang pagsabihan ng nanay niyang alalang-alala sa tuwing aalis siya ng bahay, patuloy pa rin siya sa kaniyang mga bisyo.

Sa katunayan, hindi niya natitiis ang isang araw na hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at ng mga bayarang babae na kung saan-saan niya nakikilala. Kapag nagawa na niya ang dalawang bagay na ito, roon lamang kakalma ang katawan niya dahilan para araw-araw niyang tugunan ang tawag ng kaniyang kalamnan.

Nang araw na ‘yon, bago siya magtungo sa bahay ng kaibigan, naglibot-libot muna siya sa mga bar na pinupuntahan niya. Kaya lang, wala na siyang makitang bagong babae roon dahil lahat ay nagamit na niya dahilan para siya’y magpahanap na sa kaibigan niyang maraming kilalang dalagang bayaran sa social media.

Noong makahanap na ito, hindi na siya nagdalawang-isip na puntahan ang dalagang iyon. Pagkarating niya sa lugar kung saan ito nagtatrabaho, hindi kalayuan sa Kamaynilaan, agad na niyang nilabas ang naibili niyang pangbisyo at ito’y tinuruang gumamit bago pa man niya ito galawin.

Bago pa man niya ito tuluyang mahawakan, sigawan ng mga dalaga ang bigla niyang narinig dahilan para siya’y agad na maalarma. Agad siyang nagbihis at nang lilinisin na niya ang mga pinaggamitan niya sa kaniyang bisyo, agad na bumukas ang pintuan ng silid na nirentahan niya at tumambad sa kaniya ang tatay niya at mga kasamahan nito.

“Walang hiya ka talagang bata ka! Ilang beses kong sasabihin sa’yo na tigilan mo ang kalokohan mo? Menor de edad pa talaga ang pinuntirya mo ngayon? Pinapahiya mo ako!” sermon nito sa kaniya saka siya agad na sinapak at pinadapa.

Katulad ng kinakatakutan niya, siya’y dinala nito sa kulungan at siya’y hinayaang masampahan ng kaso. Kitang-kita man niya kung paano magmakaawa ang nanay niya sa kaniyang tatay na huwag siyang ikulong, nagmatigas pa rin ito at sinabing, “Hindi ‘yan magtitino kung palagi nating papalampasin ang mga kalokohan niya! Hayaan mo siyang pagsisihan ang mga ginawa niya!”

Doon na agad tumulo ang luha niya bunsod ng pagsisisi sa kaniyang ginawa at sa awang nararamdaman para sa nanay niyang iyak nang iyak.

Ngunit dahil wala siyang magawa, tiniis niya na lang ang buhay presong mayroon siya ngayon at pinangako sa sariling paglaya niya, babawi siyang maigi sa kaniyang mga magulang.

Paglipas ng ilang taon, tuluyan na nga siyang nakalaya at katulad ng pangako niya, ginawa niya nga ang lahat para makabawi sa mga ito.

Tinuldukan niya ang kaniyang mga bisyo at nagsimulang magbanat ng buto na talagang ikinatuwa ng kaniyang mga magulang, lalo na ng ama niyang tuwang-tuwa sa pagbabagong pinapakita niya.

“Pangako, papa, mama, tuloy-tuloy na po ang pababago ko. Iiwasan ko na lahat ng tukso at itutuon ang atensyon sa inyong dalawa,” wika niya pa sa mga ito habang sila’y salu-salong kumakain ng almusal bago siya pumasok sa trabaho.

Advertisement