Inday TrendingInday Trending
Labis na Pinagkatiwalaan ni Misis ang Mister; Isang Kasalanan ang Babago sa Lahat

Labis na Pinagkatiwalaan ni Misis ang Mister; Isang Kasalanan ang Babago sa Lahat

Isang text message ang natanggap ni Marian na nagpawindang sa kaniya namg labis.

Nakita ko ang asawa at ang kab*t niya rito sa may kainan malapit sa building kung saan sila nagtatrabaho. Kung nais mong makita mismo ay pumunta ka rito sa sinasabi kong lugar.

Iyon ang nabasa niyang laman ng text. Numero lang ang naka-rehistro at hindi niya kilala kung sino ang nagpadala ng text na iyon. Imposibleng may babae ang kaniyang asawa na si Bernard. Mahal na mahal siya nito at alam niyang hindi nito magagawang sirain ang relasyong pinaghirapan nila ng maraming taon.

  • Ngunit hindi mapigilan na Marian ang mag-isip. Hindi lamang ito ang unang beses na nag-text ang numerong iyon. Sa katunayan ay maraming beses na itong nagpadala sa kaniya ng ganitong mensahe.

    Upang makumpirma ang katotohanan ay sinubukan ni Marian na gawin ang iniutos sa kaniya ng nagtext na pumunta siya sa sinasabi nitong lugar upang siya mismo ang makakita ng katotohanan.

    Nang marating ang lugar ay halos mabasag ang puso niya sa nakita. Totoo ngang naroon ang kaniyang asawa may kausap na babaeng maganda at hamak na mas bata sa kaniya.

    Hindi naman niya pwedeng sabihin na nagme-meeting lang ang dalawa. Sa klase ng paghalik ni Bernard sa pisngi ng babae, sa paghawak ng kamay nito at kung ano-ano pa.

    Ninais ni Marian na umalis na lang at magpanggap na parang walang nangyari. Ngunit hindi niya kaya. Kaya nagdesisyon siyang magpakita sa asawa at kumustahin ang babaeng ka-harap nito.

    “Hi love,” nakangiting bati ni Marian sa asawang animo’y nakakita ng ahas nang makita siya. “May dinner date ka pala?”

    “H-ha? Ahh, oo love,” nauutal na sambit ni Bernard.

    “Hihintayin ko ba kayong matapos o mauuna na ako?” Tanong niya.

    Saglit na tumingin si Bernard sa babaeng ka-date nito saka muling ibinalik ang tingin sa kaniya. “Patapos na rin naman kami, love. S-sige sabay na tayong umuwi.”

    Nais man ni Marian na magwala at ipahiya si Bernard, pati na ang kabit nito ay hindi niya ginawa. Siya ang legal na asawa at hindi niya hahayaang ipahiya ang sarili sa mata ng marami. Sapat na ang kaalamang iniputan siya ni Bernard at ng kabit nito sa kanyang bumbunan.

    Pagdating sa bahay ay agad niyang kinausap si Bernard sa mahinahong paraan, dahil ayaw niyang makita at marinig ng mga anak nila na nag-aaway silang mag-asawa.

    “Saan ako nagkulang, Bernard? Paano mo nagawang sirain ang tiwalang ibinigay ko sa’yo?” Tanong ni Marian.

    “M-marian,” hindi makahagilap ng tamang sasabihin ni Bernard.

    “Gaano na kayo katagal? Gaano katagal niyo na akong ginag*go? Sa ginawa mo ngayon anong inaasahan mong gagawin ko?” Sunod-sunod niyang tanong.

    “I’m sorry, love. Hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa ang bagay na ito. Pero kapag kapiling ko si Bella ay masaya ako kahit alam kong mali, pakiramdm ko’y si Bella ang pinaka-tama sa lahat ng mali,” mangiyak-iyak na wika ni Bernard.

    Lalo lamang nasaktan si Marian sa sinabi ng asawa. “Sana sinabi mo na lang sa’kin na hindi mo na ako mahal, mahirap man ay tatanggapin ko. Pero iyong niloko mo pa ako at hinayaang mahuli kayo. Para mo akong pinat*y ng ilang beses, Bernard.” Tumatangis na wika ni Marian.

    “I’m sorry.”

    “Maibabalik ba ng sorry mo ang nawasak kong tiwala? Maibabalik ba no’n ang lahat sa dati? Hindi na Bernard. Ngayong alam ko ng hindi mo na ako mahal ay wala nang dahilan upang manatili ako sa piling mo. Maghiwalay na tayo at hayaan ang mga batang magdesisyon kung kanino sila sasama, sa’yo ba o sa’kin,” umiiyak at pursigedong wika ni Marian.

    Makalipas ang limang buwan na paghihiwalay nila ni Bernard ay nabalitaan niyang nagsasama na nga ito at si Bella. Nakapag-file na rin sila ng annulment, upang tuluyan ng mapawalang bisa ang kasal nila. Habang siya naman ay kasama ang kaniyang tatlong anak, na ayaw sumama sa papa nila.

    Isang nakangiting lalaki ang lumapit kay Marian. Hindi niya kilala ang lalaki at mas lalong hindi ito pamilyar sa kaniya.

    “Hi, alam kong hindi mo ako kilala. Ako nga pala si Winston, ako ang dating asawa ni Bella,” pakilala ng lalaki.

    “Ahh, nice to meet you,” bati niya rito.

    “Ako rin iyong nagpapadala sa’yo ng mga text messages. Matagal ko nang alam ang relasyon ni Bella at ng asawa mo. Sinubukan ko pa ngang sirain ang dalawa dahil ayokong masira ang pamilya niyo, gaya ng nangyari sa pamilya namin ni Bella. Kaso hindi ko nagawa, pasensiya ka na kung hindi ko nagawang pigilan ang dalawa,” humihinging dispensang wika nu Winston.

    “Wala kang kasalanan sa nangyari. Pareho lang tayong nasaktan. Kaya huwag kang humingi sa’kin ng pasensiya. May plano ang Panginoon kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito,” aniya sabay lingon sa lalaki. “Ikaw kumusta na ang buhay mo ngayon?”

    “Masaya na ako. Nakahanap ulit ako ng bagong pag-ibig sa katauhan ng nobya ko ngayon. Tama ka may plano ang Diyos sa lahat ng nangyayari. Sana ikaw rin makahanap ka na ng bagong mamahalin,” wika ni Winston.

  • Umiling si Marian saka matamis na ngumiti. “Sa ngayon ay kuntento na ako sa mga anak ko. Siguro sa mga anak ko na lang makikita ang tinatawag nilang infinity love. Kasi alam kong kahit anong mangyari ay hindi nila ako iiwan, gaya ng ginawa ng tatay nila,” ani Marian.

    Tama si Marian, minsan hindi natin kailangang hanapin sa iba ang tinatawag na walang hanggang pag-ibig, dahil madalas ay nahahanap natin iyon sa ating mga anak.

    Advertisement