Dahil sa Hirap ng Buhay Kaya Ipinagbili Siya ng Kaniyang Ina; Magtagumpay Kaya ito sa Masamang Balak
“Hoy! Mamita Cheska,” masiglang tawag ni Winnie sa b*klang sikat na b*gaw sa kanilang lugar. “Tingnan mo naman iyong anak kong dalaga. Baka may magkagusto. Presko pa iyon at hindi ka mapapahiya. Kung sa isda pa’y kakaahon lamang galing sa dagat,” kausap nito sa b*kla.
Agad namang umismid si Cheska. “Alam mo Winnie, hindi ko alam kong anong trip mo. Talaga bang ikaw ang totoong ina ni Faye? Paano mo nagagawang ialok sa’kin ang anak mo? Dapat nga’y ikaw ang magprotekta sa kaniya,” ani Cheska sabay buga ng usok ng yosi.
“Jusko naman Cheska, hindi na uso ang ulirang ina sa panahon ngayon. Ako nga na nanay nagbebenta ng kung ano-ano mabuhay lang, siya pa kaya. Tutal dalaga na siya at kaya nang pakinabangan,” ani Winnie na mas lalong kinataas ng kilay ni Cheska.
“O siya! Sige magkano ba ang anak mong si Faye?” Nakakunot na tanong ni Cheska.
“Siyempre mahal ang presyo ng anak ko, Cheska. Sariwa pa ‘yon e,” sagot ni Winnie.
“Sige ako na ang bahala. Magkano ang komisyon na hinihingi mo?”
“Kalahati siyempre! Anak ko iyon e,” nakangiting wika ni Winnie.
“Alam mo Winnie, hindi ko gustong gawin ito ah. Alam kong matinong bata si Faye, sana hindi ka kasuklaman ng anak mo,” wika ni Cheska sabay abot ng tatlong libo sa babae.
“Kulang pa ‘to!” Reklamo ni Winnie.
“Saka na ang iba kapag nakahanap na ako ng customer.”
“Sige salamat, mamita ah. Huwag kang mag-aalala, malaki ang mababawi mo rito. Alam mo Cheska, sa panahon ngayon ay hindi na pwede ang pag-iinarte. Kung wala ka namang maisip na itinda ay pwede mo namang ipagbili ang sarili mong katawan. Mauunawaan rin ako ni Faye,” ani Winnie saka iniwan ang b*klang kaibigan.
Naiiling na lamang na sinundan ni Cheska ng tingin si Winnie. Hindi niya nais gawin ang ginagawa niya sa ibang babae. Iyong mga binubug*w niyang babae ay ginusto naman ang trabahong iyon.
Ngunit alam niyang iba si Faye. Mabait na bata si Faye at alam niyang matino. Oo maraming bibili kay Faye sa halagang ibibigay niya, ngunit ang tanong, papayag kaya ang dalaga?
“Pinatawag niyo raw ako Mami?” Takang tanong ni Faye kay Cheska.
“Oo ‘nak, may nais sana akong sabihin sa’yo,” aniya.
Ipinaliwanag ni Cheska ang ginawa ni Winnie sa sariling anak. Humahagulhol namang hindi makapaniwala ni Faye sa ginawa ng kaniyang ina.
“Paano niya nagawa ang bagay na iyon sa’kin, Mami Cheska? Anak pa ba ang turing sa’kin ni mama? Paano niya ako nagagawang ibenta na animo’y isang bagay.” Tumatangis na wika ni Faye.
Niyakap naman ni Cheska si Faye upang patahanin. “Dahil sa hirap ng buhay, Faye.”
“Kahit na, Mami Cheska!” Mabilis na tutol ni Faye. “Iyong ibang ina ay hindi kayang gawin o isipin man lang na mapapahamak ang mga anak nila. Pero si mama ay siya pa ang nagtulak sa’kin sa kapahamakan.” Umiiyak pa ring wika ni Faye. “Tulungan mo ako Mami, ayokong masira ang buhay ko dahil rito.” Nakikusap na wika ni Faye.
Dahil sa awa ay tinulungan ni Cheska si Faye na makatakas at magbagong buhay sa probinsya ng mga kamag-anak ni Cheska. Pinalabas na Cheska na tumakas si Faye, habang iniaalok niya ito sa isang Kano.
Nagalit si Winnie at halos isumpa si Faye dahil sa ginawa nitong pagtakas. “Mas gugustuhin ko pang mabalitaan na nam*tay na siya kaysa malaman kong buhay pa siya!” Inis na wika ni Winnie.
Si Cheska ang tumayong magulang ni Faye, pinag-aral niya si Faye sa probinsya nila. Alam ni Cheska na mataas ang mararating ni Faye, dahil matalinong bata ito. Hindi naman siya binibigo ni Faye.
Nag-aaral itong mabuti at laging may honors. Walang nakakaalam na itinago ni Cheska si Faye sa probinsya nila. Hanggang sa grumaduate si Faye ng kolehiyo.
“Mami Cheska, thank you po talaga ng marami. Kung hindi dahil sa tulong niyo’y hindi ko alam kung aabot ba ako sa ganito. Baka tuluyan nang nasira ang buhay ko gaya sa nangyari kay mama,” umiiyak na wika ni Faye.
“Faye, may kaniya-kaniyang kapalaran ang bawat tao at alam ko na noon pa man ay mataas ang mararating mo. Pinili ni mama mong sirain ang buhay niya at sa kamalasan ay muntik ka na sana niyang idamay—”
“Kaya nga po. Sobrang thank you dahil hinila niyo ako sa tamang landas,” putol ni Faye sa sasabihin ni Cheska. “Utang ko po sa inyo ang lahat ng ito. Oras na po upang magpahinga na kayo sa pagtatrabaho sa Manila, Mami Cheska, dumito na lang po kayo at magtulungan tayong dalawa.” Alok ni Faye sa binabaeng tumayong kaniyang magulang.
Hindi naman nagdalawang isip si Cheska at agad na pinagbigyan si Faye. Hindi na nga siya muling bumalik pa sa Manila. Magkasama sila ni Faye at nagtutulungan na parang tunay na pamilya.
Mas itinuring ni Cheska na anak si Faye kaysa kay Winnie. Ang huling balita nila sa ina ni Faye ay nalulong na ito sa ipinagbabawal na gamot at lalong nasira ang buhay.