Inday TrendingInday Trending
Inampon ng Mag-Asawa ang Batang Nakita Nila sa Istasyon ng Bus; Hindi Nila Akalaing Ito na pala ang Sagot sa Kanilang Mga Dalangin

Inampon ng Mag-Asawa ang Batang Nakita Nila sa Istasyon ng Bus; Hindi Nila Akalaing Ito na pala ang Sagot sa Kanilang Mga Dalangin

“Ilang buwan na lang at manganganak ka na, mahal. Hindi na ako makapaghintay na makita ang itsura ng magiging anak natin,” sambit ni Edgar sa kaniyang misis na si Mela.

“Ako rin, mahal. Tiyak ako na kamukha mo itong anak natin sapagkat madalas akong mainis sa’yo noong naglilihi ako, e!” natatawang wika naman ng ginang.

“Sa wakas, Mela, pagkatapos ng tatlong taong paghihintay ay matutupad na ang panagrap nating magkaroon ng isang buong pamilya. Asahan mo na gagawin ko ang lahat para mapangalagaan at maibigay ko ang mga pangangailangan ninyong mag-ina,” pangako ng mister.

Matagal na hinintay ng mag-asawa na magkaroon sila ng anak. Kung anu-ano na nga ang kanilang sinubukan para lamang biyayaan sila ng isang sumpling. Hanggang isang araw ay dininig na ang kanilang kahilingan nang magbuntis si Mela.

Dahil sa tagal ng paghihintay ay ginawa ng mag-asawa ang lahat para lang mapangalagaan ang bata. Kahit na simple lang ang kanilang pamumuhay ay tinitiyak ng mag-asawa na maibibigay nila ang lahat ng pangangailangan ng kaisa-isang anak na babae.

Bago mag-isang taon ang bata ay nagdesisyon ang mag-asawa na lumuwas patungong probinsya upang madalaw ang pamilya ni Edgar. Para na rin sa gayon ay doon na nila ipagdiwang ang kaarawan ng anak.

Bumili ng tiket sa bus si Edgar habang si Mela at ang kaniyang anak naman ay naghihintay sa may upuan. Napalingat lamang sandali ang ginang nang mapansin niyang wala na sa tabi niya ang anak. Pakiramdam ng mag-asawa ay binagsakan sila ng langit nang hindi na nila makita ang bata.

“Patawarin mo ako, Edgar. Wala lang limang segundo pa lamang nawawala ang paningin ko sa anak natin ay hindi ko na namalayan kung saan siya napunta. Patawarin mo ako!” walang tigil sa kakaiyak ang ginang.

Hindi na sinisi pa ni Edgar ang asawa sapagkat alam niya na hindi rin nito gustong mawalan ng anak at alam niya kung gaano kamahal ni Mela ang bata.

Halos mabaliw ang dalawa sa paghahanap sa bata. Hindi sila tumigil hanggang sa inabot sila ng apat na taon sa paghahanap. Pabalik-balik sila sa istasyon ng bus na iyon ngunit walang makapagsabi kung nasaan ang kanilang anak.

Isang araw habang papaluwas patungong probinsiya ang mag-asawa ay may isang batang umiiyak sa likuran ng bus. Pinuntahan ito ng mag-asawa upang tingnan ang kalagayan ng bata.

“Ayos ka lang ba, Ineng? Nasaan ang mga magulang mo? Bakit tila nag-iisa ka rito?” pag-aalalang tanong ni Mela.

Ngunit patuloy lang sa pag-iyak ang bata at ayaw sumagot na tila takot na takot sa nangyari.

Nang malaman ng mag-asawa na iniwan lamang pala bigla ang bata sa bus ay lubusang awa ang kanilang naramdaman. Naalala nila ang kanilang anak na nawawala.

“Mahal, kupkupin na muna natin ang batang ito hanggang hindi pa natin nakikita ang tunay niyang mga magulang. Kawawa naman kung basta na lang nating iiwan sa prisinto,” saad ni Mela kay Edgar.

“Sige, mahal. Tama ka. Mas mainam na nasa atin siya,” tugon ng mister.

“Kasing edad sana niya ang anak natin ngayon. Sana mabuting loob din ang nakapulot sa anak natin. Sana ay nasa ayos siya at nakakakain nang tama,” hindi na napigilan na naman ni Mela ang lumuha.

Inaagaan nila ang bata at pinangalanan nila itong Marie. Itinuring nila ito bilang kanilang tunay na anak.

Makalipas ang isang taon ay huminto na rin sila sa paghahanap sa mga magulang ng bata. Itinuon na lang din ng mag-asawa ang kanilang atensyon sa kanilang anak-anakan. Ngunit hindi pa rin nawawala sa isip ni Mela ang kinalalagyan ng kanilang tunay na anak.

Ngunit kahit na alam niyang wala sa piling niya ang anak ay may pakiramdam siyang malapit lang ito. Hindi maintindihan ni Mela ang nararamdaman kung bakit ganoon na lamang kabilis ang lukso ng dugo na kaniyang naramdaman sa bata.

“Iba talaga ang nararamdaman ko kay Marie. Pakiramdam ko ay siya ang ating tunay na anak, Edgar,” sambit ng ginang.

“Hihingi ako ng tulong sa mga awtoridad, sa mga kaibigan at kapamilya para maisagawa ang DNA test na kailangan. Gusto kong mapatunayan na siya talaga ang anak natin,” wika pa ni Mela.

Sa tulong na rin ng mga kaibigan at kamag-anak na nakaalam ng kwento ng mag-asawa ay natulungan sila upang mapa DNA test ang bata.

Lahat ay nakaabang sa magiging resulta. Lalo na ang mag-asawang sabik na sabik sa kanilang anak.

Hindi sila makapaniwala sa resulta. Si Marie nga ang nawawalang anak nila Mela at Edgar!

Walang mapaglagyan ng tuwa ang mag-asawa na sa wakas, makalipas ang ilang taong paghahanap ay muli nilang nakasama ang nag-iisang bunga ng kanilang pagmamahalan.

Niyakap ng mag-asawa ang bata nang mahigpit.

“Maligayang pagbabalik sa amin, anak. Hindi ko alam kung paano nangyari ito pero nagpapasalamat kami sa Diyos na binigyan kami muli ng pagkakataon upang makasama ka,” saad ni Mela.

“Hinding-hindi ka na mawawala sa piling namin muli, anak. Dito ka lang!” sambit naman ni Edgar.

Sa pag-iimbestiga ng mga pulis ay kinuha ng mga sindikato upang pagkakitaan. Lumaki ang bata sa kanilang pangangalaga. Nang isang araw ay bigla na lamang itong sumakay sa bus ng hindi alam kung saan siya pupunta. Mabuti na lamang ay naroon ang mag-asawa sa parehong bus na sinakyan ng bata.

Muling nagbalik ang saya sa puso ng mag-asawa ngayong kapiling na nila ang kanilang anak. Hindi sila makapaniwala na ang batang kanila palang kinupkop ay walang iba kung hindi ang anak na matagal na ring nangungulila sa kanila.

Advertisement