Naiinis na ang Isang Mister dahil Lagi Siyang Binibiro ng Asawa na Hindi Siya Naaalala; Hindi Niya Akalain na may Pinagtatakpan lang pala Itong Karamdaman

Larawan ng isang perpektong mag-asawa sina Jet at Pia. Isang manager sa banko ang ginoo samantalang ang misis naman niya ay may-ari ng tindahan ng alahas. Kahit na wala pa silang anak sa loob ng sampung taong mag-asawa ay hindi ito naging hadlang para maging masaya ang kanilang pagsasama.

Halos nasa kanila na nga ang lahat ng kanilang kailangan at gusto. Nakatira sila sa isang malaking bahay, may mga kotse at negosyo. Bukod pa doon ay nakakapunta sa iba’t ibang lugar na kanilang naisin at nabibili nila ang lahat ng bagay na kanilang gusto. 

Ngunit kahit ganito ang kanilang kalagayan ay nakakaramdam pa rin sila ng kakulangan.

“Masaya sana ang bahay na ito kung may mga bata, ano?” saad ni Pia sa asawa.

“Oo naman! ‘Yung tipong habang nagpapahinga tayo sila lahat ay walang ginawa kung hindi maglikot at magharutan. Tapos sasawayin natin sila. Siguro ay puno ng halakhakan itong bahay natin!” nakangiting wika ni Jet habang sinasabi ang laman ng kaniyang imahinasyon. 

Biglang nakaramdam ng kalungkutan si Pia.

“P-pasensiya ka na, mahal. Alam ko na ako ang may kakulangan kaya hindi tayo magkaanak,” sambit ng misis.

“H’wag na h’wag kang hihingi ng kapatawaran sa akin dahil d’yan. Mahal kita kahit anong kaya at hindi mo kayang ibigay,” lahat ni Jet sabay yakap sa asawa.

Advertisement

“Maraming salamat, mahal. Hayaan mo sa susunod na araw ay pupunta ako sa doktor. Lalo pa at madalas din ang pananakit ng ulo ko,” saad pa ni Pia.

Lumipas ang mga araw at nakalimot na si Pia na magpakonsulta sa doktor. Habang nagluluto ito sa kusina ay bigla na lamang siyang nagulat nang ang asawa niya ay niyakap siya at hinalikan sa batok dahil aalis na ito patungong opisina.

“S-sino ka? B-bakit mo ito ginagawa sa akin?” sambit ni Pia sa mister.

“B-bitawan mo ako! Bitawan mo ako!” muling giit ng ginang.

“A-ano bang nangyayri sa’yo, Pia? Ako to, si Jet, ang asawa mo!” sagot ng ginoo.

Nang mahimasmasan si Pia ay agad niyang binawi ang kaniyang sinabi. Pilit siyang tuamwa ng malakas.

“Biro lang! Sana ay nakita mo ang itsura mo, mahal. Takot na takot ka. Akala mo talaga ay totoong hindi kita naaalala? Ikaw naman kasi nagluluto ako, ginugulat mo ako, e” pahayag ni Pia.

“Pinakaba mo ako doon, Pia. Puro ka talaga kalokohan,” tugon ni Jet.

Advertisement

“Akala ko talaga ay totoo. Sabagay, hindi mo nga pala talaga kayang kalimutan ako dahil mahal na mahal mo ako, e,” natatawang dagdag pa nito.

“Oo, mahal na mahal kita. Kaya bakit kita kakalimutan. Pumasok ka na kaya baka makalimutan mong may pasok ka ngayon!” wika ni Pia.

Ngunit kahit ganito ang ipinapakita ni Pia ay alam niyang may mali sa kaniya. Tunay na nakalimutan niya kung sino ang asawa maging nasaan siya.

Kaya agad siyang tumungo sa doktor upang magpakonsulta. Nang lumabas ang mga resulta sa pagsusulit na ginawa sa kaniya ay lubusan niya itong ikinabigla. 

Umuwi siya sa kanilang bahay na halos pasan niya ang daigdig. Ngunit alam niyang hindi ito dapat malaman pa ni Jet.

Makalipas ang dalawang araw ay muling nawalan ng alaala si Pia nang magising siya sa piling asawa. Takot na takot siya na makita ang sarili katabi ang isang lalaking halos walang saplot. 

Napasigaw siya nang malakas at pilit na itinataboy ang ginoo. 

“Walang hiya ka, anong ginawa mo sa akin? Sino ka?!” natatarantang sigaw ni Pia. 

Advertisement

Dahil sa tindi ng sigaw ng asawa ay nagising nang gulat na gulat din ang mister.

“Ayan ka na naman sa mga panloloko mo sa akin, mahal. Natutulog ang tao, e. Tigilan mo na nga ‘yan! Hindi na nakakatuwa,” saad ni Jet na muling bumalik sa pagkakatulog.

Bigla na naman nahimasmasan si Pia at naalala niyang siya nga pala ay may asawa na.

Nagpatuloy ang ganitong tagpo sa bahay. Biglang makakalimutan ni Pia ang asawa at maya-maya’y magbabalik din ang kaniyang ala-ala. Ngunit ang akala ng mister na gimik lamang ng asawa ay nauwi na sa kaniyang pagkabugnot.

Isang gabi kasi habang nasa isang salu-salo ay doon inatake ng pagkawala ng alaala ang ginang. 

“P’wede ba, Pia. Hindi ko na gusto na pinaglalaruan mo ako. Sa umpisa lang nakakatawa ang ganiyang biro. Pero, p’wede ba tigilan mo na ‘yan, tinutubuan na ako ng inis. Hinihiya mo ang ang mga sarili natin dito sa salu-salo,” sambit ni Jet sa asawa.

Ngunit hindi pa rin tumitigil si Pia sa kaniyang mga sinasabi.

“Bakit ako narito at sino ka para pagsalitaan ako ng ganiyan? Ni h’wag mo nga akong mahawak-hawakan!” sigaw ni Pia. 

Advertisement

Dahil sa tingin ni Jet ay ayaw pa rin tumigil ng asawa ay lubos siyang nagalit dito at nang akma niyang iiwan ang asawa sa piging ay bigla na lamang hinimatay si Pia.

Agad nilang sinugod ito sa ospital. Doon nalaman ni Jet ang tunay na kalagayan ng kaniyang asawa. May tumor ito sa kaniyang utak na nakakaapekto sa kaniyang memorya. Ngayon ay naiintindihan na ng mister kung bakit ganoon na lamang ang mga ikinikilos ng misis.

“Bakit hindi mo sa akin sinabi agad, mahal? Bakit sinarili mo itong karamdaman mo?” pahayag ni Jet.

“Ayaw ko kasing malungkot ka dahil lang sa ganito ang nangyayari sa akin. Darating ang araw na baka tuluyan na kitang makalimutan at natatakot ako sa araw na iyon. Hindi ko alam kung ano ang buhay na wala ka,” umiiyak na sambit ni Pia.

“Hindi kita pababayaan. Dito lang ako sa tabi mo para intindihin ka at alagaan. Ako ang bahala sa’yo, mahal,” pangako naman ni Jet sa asawa.

Sumailalim sa agarang operasyon si Pia upang matanggal ang tumor as kaniyang utak. Ginawa ni Jet ang lahat upang gumaling ang asawa. Hiniling niya sa Panginoon na bigyan pa ito ng kalakasan at dugtungan pa ang buhay nito para lalo pa niyang mapagsilbihan at mahalin ang asawa.

Hindi siya nabigo. Tila isang mirakulo nang gumising si Pia mula sa operasyon. Nagpakita ito ng magagandang senyales. Hindi nagtagal ay unti-unting bumalik ang lakas nito at tuluyan na silang nakauwi sa kanilang bahay. 

Patuloy ang naging gamutan ni Pia at hanggang siya ay gumaling ay hindi siya iniwan ng kaniyang asawa. Sa tuwing nawawala ang kaniyang alaala ay laging nariyan ang mister upang ipaalala sa kaniya ang lahat ng masasayang araw na kanilang pinagdaanan.