Avatar - Inday Trending

Inday Trending

Pag-ibig na Binalikan - Inday Trending

Pag-ibig na Binalikan

“Remi, pwede ba huwag ka na muna manggulo dito sa opisina ko? Doon ka muna sa bahay, parang awa mo na! Hindi ako makatrabaho ng maayos dahil sa’yo, eh,” daing ni Lance matapos isara ang kaniyang laptop.

“Ang arte mo naman! Dati nga pinipilit mo pa akong magpunta dito para may inspirasyon ka!” sagot naman ni Remi saka hinablot ang bagong sarang laptop ng asawa.

“Dati ‘yon, hiwalay na nga tayo, ‘di ba? Gumising ka na sa katotohanang ayoko na sa’yo!” tugon naman ng lalaki saka hablot sa laptop nang makitang bubuksan na niya ito.

“Manahimik ka! Hanggat hindi ko pinpirmahan ang annulment paper, mag-asawa pa rin tayo!” depensa niya saka tumayo sa kaniyang kinauupuan at nagsimulang kalikutin ang bag ng asawa.

“Naku, ewan ko ba sa’yo! Palagi mo na lang pinapasakit ang ulo ko!” inis na sambit nito saka lumabas ng opisina. Napabuntong hininga naman siya matapos ibalibag ng asawa ang pintuan ng opisina.

Limang taon ng kasal ang mag-asawang sina Remi at Lance. Wala nang mas sasaya pa sa kanila noong mga nakalipas na taon dahil bukod sa kasagsagan ng kanilang trabaho, kung saan-saang bansa pa sila nakakarating. ‘Ika nga noon ni Lance, napakaswerte niya raw na mapangasawa si Remi.

Ngunit ngayon ‘yon, dahil nitong ikaanim na taon na ng kanilang relasyon, biglang nagloko si Remi. Isang taon kasing nadestino ang asawa niya sa ibang bansa at doon na niya hindi napigilan ang tukso. Nagawa niyang sumama at matulog sa bahay ng iba’t-ibang lalaki na labis niyang inilihim sa asawa.

Noong madiskubre ito ng kaniyang asawa kailan lang, agad itong nagdesisyong makipaghiwalay na sa kaniya. Kitang-kita niya ang pagbagsak ng kaniyang asawa simula noong malaman ang katiwaliang ginawa niya. Halos hindi ito makakain o makausap man lang sa loob ng isang linggo.

Ginawa niya naman ang lahat upang patawarin siya nito ngunit tila labis talaga itong nasaktan dahilan upang ayusin na nito ang mga dokumento sa kanilang paghihiwalay agad-agad.

Noong araw na ‘yon, matapos mabalibag ng kaniyang asawa ang pintuan ng opisina, naisipan niyang buksan ang laptop nito. Tila nakaramdam kasi siyang may tinatago ito dito dahilan upang mabilis itong hablutin ng lalaki kanina.

Pagkabukas na pagkabukas niya, nagsimula nang bumuhos ang kaniyang luha. Wallpaper kasi ng kaniyang asawa ang pinagsama-samang litrato niya na may kahalikang iba’t-ibang lalaki sa iba’t ibang lugar. Hikbi niya, “Bakit kaya ginawa niya pa itong wallpaper?”

“Gusto ko na kasing mawala ang pagmamahal ko sa’yo. ‘Yan ang mga dahilan upang itigil ko na itong pesteng nararamdaman ko para sa’yo! Wala naman kasi itong magandang naidudulot sa’kin bukod sa sama ng loob at pagkadurog. Gusto na kita makalimutan, gustong-gusto ko na,” dire-diretsong sambit nito na ikinagulat niya ng labis, “Hindi mo ba pansin? Pabagsak na ang kumpanya ko, pangarap ko at ang buhay ko, gusto ko buuin ulit yung sarili ko. Kaya parang awa mo na, palayain mo na ako,” hikbi pa nito dahilan upang lalo siyang mapaiyak.

Doon rin napaisip siya na siguro tama ngang palayain na niya ang lalaking palagi niyang nasasaktan Kaya naman, agad niyang hinanap ang annulment paper nila saka ito pinirmahan.

“Kung dumating yung araw na buo ka na ulit at mahal mo pa rin ako, balik ka sa’kin, ha? Mahal na mahal kita, pasensiya ka na,” sambit niya matapos ibigay ang mga dokumento saka siya lumabas ng silid na wala paring tigil sa pag-iyak.

Simula noong araw na ‘yon, hindi na siya muling nagpakita sa lalaki. Inimis niya na rin ang kaniyang mga gamit sa bahay na naipundar nila at umuwi sa kaniyang bahay kung saan siya nagsimula ng panibagong buhay.

Pinagtuunan niya ng pansin ang trabaho’t sarili dahilan upang makaipon siya. Nais niya kasing mangibang-bansa upang doon tuluyang makalimot ngunit isang araw bago ang kaniyang pag-alis, bigla na lamang sumigaw ang kaniyang ina, “Remi, may gustong manligaw sa’yo!” pagkita niya, ang dati niyang asawa, may ngiti sa mga labi’t may hawak na mga rosas. Agad siyang tumakbo patungo dito saka niya ito mahigpit na niyakap.

Iyon ang naging simula ng kanilang pag-ibig sa pangalawang pagkakataon. Nagkalamat man noong una, muli nang buo at mas matatag ngayon.

Ang mga aksyon at dedisyong ating ginagawa ay palaging may kaakibat na responsibilidad. Nawa sana’y maging maingat tayo sa pagpili ng tama at mali, lalo na kung may taong higit na masasaktan.


Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!


More Stories

Disclaimer: Ang mga kwento ni Inday Trending ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Photos: Ang mga larawang ginamit ay mga stock photos o mga propesyunal na mga larawang binili ng may akda para sa komersyal na layunin. Ang mga ito'y ginamit upang makapagbigay ng mas malinaw na representasyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.